By:
Rhoderick BeƱez
(Arakan, North Cotabato/ May 7, 2015) ---Patay ang
tatlong mga sundalo habang isa pa ang sugatan makaraang sumabog ang
pinaniniwalaang Improvised Explosive Device o IED sa bahagi ng Sitio Upper
Lumbo, Brgy. Kabalantian, Arakan, North Cotabato alas 2:25 kahapon ng hapon.
Sa panayam ng DXVL News ngayong umaga kay Lt. Col. Jose
Lustria, Commanding Officer ng 57th IB kinilala nito ang mga namatay na sina PFC Alfredo M. Callano, PFC Robert Quilangit at PFC Muhalidin Manampan habang kinilala naman ang
sugatan na si CPL Ariel Blancia lahat mga tauhan ng Bravo company ng 57th
IB.
Batay sa ulat, galing umano sa kanilang headquarters sa bayan
ng Makilala ang tropa ng sundalo na pinangunahan ni 2nd Lt. Guzman
at nagsagawa ng pag-papatrolya sa hangganan ng Sitio Upper Lumbo at Sitio Agila
sa bayan ng arakan ng sumabog ang IED.
Agad namang nasundan ito ng palitan ng putok mula sa
armadong pangkat ng New People’s Army o NPA na siya’ng responsable din sa
pagtatanim ng nasabing pampasabog.
Tatlo agad ang binawian ng buhay sa hanay ng pamahalaan
at isa ang sugatan habang hindi pa matukoy sa panig naman ng kalaban.
Pinaniniwalaang mga grupo ng CPP-NPA Front 53 ang na-engkwentro
ng mga sundalo na may operasyon sa bayan ng Arakan; Kitaotao, Bukidnon Province
at Davao City.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento