By: Christine
Limos
(Kidapawan City/ May 8, 2015) ---Isinailalim
na sa state of calamity ang Kidapawan City dahil sa naranasang dry spell.
Sa panayam ng DXVL news kay CDRRMC head
Psalmer Bernalte, inihayag nito na inaprubahan na kahapon ng Sangguniang
Panglungsod na ideklarang under state of calamity ang lungsod ng kidapawan
dahil sa naranasang apat na buwan na tagtuyot.
Dagdag pa ng opisyal na ang mas naapektuhan
ng dry spell ay ang mga walang tanim na laborer at tenant na walang kinita sa
loob ng apat na buwan dahil sa pagtigil ng operation ng mga sakahan sa lungsod.
Ipinaliwanag din ni Bernalte na abot sa 103
milyong piso ang kabuuang danyos ng tagtuyot sa agrikultura sa gulay, saging at
mga fisher folk. Aniya, 3.2 ektarya ng mga fishpond ang natuyo dahil sa dry
spell. Naglaan umano ang lungsod ng 150 thousand para sa fingerlings na
ipamimigay sa mga fish folk na apektado ng dry spell.
Ipinaliwanag din ng opisyal na ayon sa batas
ng Republic Act 10121, 30 porsyento umano mula sa disaster fund ay ang quick
response fund at maaari lamang magamit kapag nasa state of calamity ang isang
lugar. Gagamitin lamang umano ang quick response fund sa rescue, rehabilitation
at relief.
Samantala, nagkaroon na rin ng intervention
ang lungsod at naglaan ng P1Milyon para sa cash for work at nagkaroon din ng water
system intervention upang maiwasan ang sakit na diarrhea para sa mga residente
na umiigib ng tubig na iniinom sa Malamote river sa area ng Amas, Kidapawan
City.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento