Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

North Cotabato First District Congressman, pinasalamatan ng mga nagtapos na TESDA scholars; CMFCI nagdiwang ng Platinum Years of Service

(Midsayap, North Cotabato/March 17, 2012) ---Nagdiwang kamakailan ang Cotabato Medical Foundation College Inc. o CMFCI ng kanilang Platinum Anniversary o 70 years of service. Kasabay nito ay ang idinaos na graduation ng mga TESDA Healthcare Services NC II Scholars.

Sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista, nabatid na personal ding nilapitan ng mga nagtapos na TESDA scholars si Congressional District Office Political Affairs Officer Engr. Jerry J. Pieldad upang ipaabot kay North Cotabato First District Cong. Jesus Sacdalan ang kanilang pasasalamat.

(Update) dagdag na tropa ng militar, pulis at BPAT ipinakalat sa mga lugar kung saan naganap ang IED blast sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/March 17, 2012) ---Ipinakalat na ngayon ang dalawang team mula sa 7th Infantry Battalion, mga CAFGU mula sa 38th IB, mga Barangay Peacekeeping Action Team, at mga pulis ang itinalaga sa Barangay Nalapaan, Pikit, para magsilbing security force sa mga trabahante at heavy equipment ng Chinese-owned construction firm na nagsasagawa ng road rehabilitation project sa Pigcawayan-Pikit highway.

Sa kabila nito, nalusutan pa rin ang mga nagbabantay sa erya makaraang, pinasabugan ng IED ang backhoe na ginagamit sa road construction sa Barangay Nalapaan, Pikit, kamakalawa.

Power Shortage sa Mindanao “artificial” lamang umano ayon kay Cotabato Gov. Mendoza

(Cotabato Province/March 16, 2012) ---Tinawag ngayon ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino Mendoza na isang “artificial” lamang umano ang nangyayaring power shortage sa Mindanao.

Cotabato Gov. Emmylou "Lala" Talino Mendoza
Hindi kasi naniniwala ang gobernadora na nahaharap sa krisis sa enerhiya ang buong kapuluan ng Mindanao.

Paraan lamang daw ito ng National Grid Corporation of the Philippines para i-pressure ang mga LGU officials sa buong Mindanao na payagan ang pagsasapribado ng mga natitira pang planta sa rehiyon.



Nabatid na ang NGCP ay isang pribadong institusyong pangunahing nagbibigay ng serbisyo sa transmission ng kuryente papunta sa mga distributor nito.

Nais raw kasi ng Power Sector Assets and Liabilities Management o PSALM na ibenta na lamang ang Agus hydro-electric power plant sa Iligan City at ang natitira pang dalawang power barges na kontrolado pa ng National Power Corporation o Napocor.

33-anyos na Rape suspect arestado sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/March 16, 2012) ---Sa pamamagitan ng Oplan tugis, isang kampanya kontra sa mga wanted person, naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) North Cotabato at ng Magpet PNP ang akusado sa rape na kinilalang si Rudy Betil, 33, ng Barangay Salab, Magpet, North Cotabato.
      
Ang order para arestuhin si Betil ay inisyu noong Nov 10, 2011 ni Judge Rogelio Naresma ng Regional Trial Court branch 23 sa ilalim ng Criminal Case Number 784-2011 at 785-2011.

Ayon sa report, biniktim umano nito ang mismo niya’ng pamangkin at ginahasa nang dalawang beses noong taong 2011.

Ang suspek ay nahuli sa mismo niyang bahay sa Barangay Salab sa bayan ng Magpet kungsaan ang pag-aresto ay pinangunahan nina Chief Inspector Elmer Guevarra ng CIDT-North Cotabato at mga operatiba na sina Inspector Edwin Lacostales at PO3 Sergio de Jose.

Bayanihan at Pagkain para sa Kapayapaan, isinagawa sa Pikit, North Cotabato


Written by: Roderick Bautista

(Pikit, North Cotabato/March 16, 2012) ---Nakiisa ang mga residente ng barangay Poblacion Pikit, North Cotabato sa isinagawang Food-for-Work na tinawag na Bayanihan at Pagkain para sa Kapayapaan.

Sinabi naman ni Poblacion Pikit Barangay Kagawad Frammy Villanueva na abot sa humigit kumulang 100 katao ang sama- samang naghukay at inayos ang tinatayang 4.5 kilometer na kanal sa barangay Poblacion Pikit at ang desilting ng 1.5 kilometer na kanal sa boundary ng Poblacion at Barangay Gli- gli.

Ang inisyatibong ito ay pinangunahan ng tanggapan ni North Cotabato First District Representative Jesus “Susing” Sacdalan sa pakikipagtulungan sa Barangay Local Government Unit ng Poblacion Pikit.

Capability Building at malinis na tubig bigay ng isang NGO sa isang malayong brgy sa Maguindanao

Written by: Rhoderick Beñez

(Cotabato City/March 16, 2012) ---Kung dati ay hirap sa malinis na tubig na maiinom ang mga residente ng barangay Tual sa bayan ng Paglat, Maguindanao sa ngayon lubos ang kanilang pasasalamat sa programang hatid ng OXFAM na Water, Sanitation and Hygiene o (WASH).

Ayon kay Brgy Kapitan Norodin Hadjimanid lubos ang kanilang pasasalamat sa nasabing Non-Government Organization bagama’t pormal ng isinagawa ang closing program ng nasabing proyekto ng OXFAM kamakailan sa Cotabato city.

Tiniyak naman ng brgy Kapitan na kanilang pangangasiwaan ng maayos ang proyektong ibinigay sa kanila ng OXFAM kagaya ng mga puso o bomba na siyang pinagkukunan nila ng malinis na tubig at higit sa lahat ay ang capability building.

Isang 5-anyos na bata patay habang 1 pa sugatan sa nangyaring pamamaril sa bayan ng Pikit, North Cotabato

Written by: Rhoderick Beñez

Dead on arrival sa Hospital ang isang limang taong gulang na bata habang sugatan naman ang isa pang kasama nito makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga salarin sa may Brgy. Batulawan, Pikit, North Cotabato dakong alas 7:40 kagabi.

Kinilala ng Pikit PNP ang minor de edad na namatay na si Amin Abdullah habang ang sugatan naman si Malaydan Sangkupan, 42 at may asawa kapwa residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa report, pinagbabaril umano ang mga ito ng mga di pa nakilalang mga salarin gamit ang M16 armalite rifle.

Isang heavy equipment pinasabugan sa Pikit, North Cotabato

Written by: Rhoderick Benez

(Pikit, North Cotabato/March 15, 2012) ---Ginulantang ng malakas na pagsabog ang ilang mga residente ng Brgy. Nalapaan, Pikit, North Cotabato partikular na nangyari ang insedente sa may crossing Panicupan at sa brgy Solar drier ng nabanggit na lugar bago mag alas 9:00 ngayong gabi lamang.

Ayon kay P/Insp Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP ang nasabing Improvised Explosive Devised o IED ay gawa umano sa 81mm mortar matapos itinanim ang naturang pampasabog sa may harapan umano ng Backhoe na di kalayuan lamang sa Military detachment.

Possible umanong inilagay ang ied kagabi habang kasagsagan ng brown-out.

Wala naman umanong may nasugatan o nasawi sa nasabing pagsabog.

Sa ngayon inaalam na ng mga otoridad kung anung grupo ang responsable sa panibagong insedente ng pambobomba sa lugar.

Ipu-Ipo, nananalasa sa Kabacan, cotabato

(Kabacan, North Cotabato/March 15, 2012) ---Ilang mga portable na kubo-kubo na nasa compound ng University of Southern Mindanao (USM), isa sa pinakamalaking state-owned university sa buong Central Mindanao, ang nasira matapos manalasa ang malakas na ipu-ipo sa bayan ng Kabacan bandang alas-4:30 kahapon partikular sa USM transport.

Nasaksihan ng mga gwardiya ng USM ang pangyayari.

Maging sila nagulat sa pangyayari.
      
Sobrang malakas umano ang hangin at pagkatapos ay nakita na nila ang isang ipu-ipo na parang nilamon ang mga kubo-kubo ng eskwelahan.

5 oras na walang kuryente, aasahan na daw ng service erya ng Cotelco; dahil sa energy crisis sa Mindanao

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 15, 2012) ---Kung dati abot lamang sa isa o dalawang oras ang ipinapatupad na load curtailment sa mga service erya ng Cotabato Electric Cooperative o Cotelco ngayon abot na sa limang oras ang power interruption na mararanasan ng mga konsumedures nito.
 
Ito ang sinabi mismo ni Cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio matapos na ibinaba na ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa 22.2 megawatts ang supply ng kuryente sa Cotelco na siyang power distributer ng North Cotabato.

Kaya maging ang mga business sector at yaong may mga mamahaling appliances sa bahay ay inis sa biglaang pagkawala ng kuryente na walang abiso.

Pero paliwanag ng cotelco, di nila saklaw ito dahil ito ay gawa ng NGCP.

Mataas na blackout di raw dahilan para sang-ayunan ng mga lumad ang pagtatayo ng hydroelectric power plant sa Pulangi, Bukidnon

(President Roxas, North Cotabato/March 15, 2012) ---Inihayag ni Norma Capuyan ng Apo Sandawa Lumadnong Panaghiusa sa Cotabato o ASLPC, ang alyansa ng mga grupo ng mga katutubo sa lalawigan ng North Cotabato, na hindi dapat idahilan ng gobyerno ang mahabang blackout sa Mindanao para i-pressure ang mga lumad na sang-ayunan ang pagtatayo ng Pulangi-5 hydroelectric power plant sa Pulangi, Bukidnon.
         
Ayon kay Capuyan duda siya na ang mahabang blackout sa Mindanao ay ginagamit lang na dahilan para payagan ang pagtatayo ng iba pang mga power plant sa rehiyon, tulad ng Pulangi-5 at mga coal-fired power plant sa Sarangani at Davao.
           
Ayon sa report nauna na raw kasing pinayagan ng barangay council sa President Roxas, North Cotabato ang Pulangi-5.
  

Pamilya, kaanak, at mga kaibigan na nakadaupang-palad ng magsasakang namatay sa rabies sa Kabacan, North Cotabato sumailalim na sa intensive vaccination

(Kabacan, North Cotabato/March 15, 2012) ---Isinailalim na kahapon sa intensive rabies vaccination ang pamilya, kaanak, at mga kaibigan ng namatay na si Diosdado Condrillon ng Kabacan, North Cotabato.
           
Tig-da-dalawang dose ng rabies vaccine ang itinurok sa abot sa 40 katao, kabilang na rito si Mildred, ang misis ni Diosdado, at anim niya’ng mga anak.
           
Nabakunahan din kahapon ang abot sa 20 pang mga kaibigan ni Diosdado na kasabay din niya’ng kumain noong January 5 ng aso na may rabies.

Lalaking nagpakilalang agent ng Philippine Army huli na kargado ng illegal na armas sa Kabacan, N Cotabato; kaso isinampa na kontra dito

(Kabacan,North Cotabato/March 15, 2012) ---Isinampa na ang kasong illegal possession of firearms laban sa isang nagpakilalang asset ng Philippine Army na nakuhanan ng armas na walang kaukulang papeles.

Nakuha mula sa 22-taong gulang na si Jan Dianalan Pangabo ang isang caliber 45 pistol na may serial number 289517; magazine; at anim na mga bala.

Ayon kay Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP, nakuha mula kay Pangabo ang naturang armas nang pumasok ito sa Novo Department Store noong Biyernes ng hapon.

Driver timbog matapos idinadawit sa isang insedente ng nakawan ng Calibration pump sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/March 15, 2012) ---Tiklo ng mga otoridad ang isang 25-anyos na tricycle driver makaraang masangkot sa isang insedente ng nakawan sa Brgy Osias, Kabacan, Cotabato kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang nasabing suspetsado na si Allan Plang Gani, isang tricycle driver at itinuturong responsable sa pag-nanakaw ng isang Kubuta machine na ginagamit bilang Calibration Pump sa isang shop na matatagpuan sa gilid ng national high way ng nabanggit na lugar.

Isang Ticketing Outlet sa Bayan ng Kabacan; Hinold-up; libung halaga ng pera natangay

(Kabacan, North Cotabato/March 15, 2012) ---Natangay ng mga di pa nakikilalang mga kalalakihan ang kita para sa buong araw ng Blue 1 travels na isang Ticketing Outlet na matatagpuan sa Aglipay Street, Poblacion, Kabacan Cotabato.

Ayon sa bantay ng naturang ticketing outlet bandang alas 2:10 ng hapon kahapon dalawang kalalakihan umano ang pumasok sa kanilang establisemento. unang pumasok ang isang lalake na nakasuot ng kulay itim na damit na may dalang bag, sumunod namang pumasok ang isa pang lalake na siyang nag-lock ng pintoan at sabay na nagdeklara ng hold-up.

5 oras na power interruption; mararanasan na simula ngayong araw sa mga service erya na sakop ng Cotelco

(Kabacan, North Cotabato/March 14, 2012) ---Ibinaba na ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa 22.2 megawatts ang supply ng kuryente sa Cotelco na siyang power distributer ng North Cotabato dahilan kung bakit abot na ngayon sa limang oras ang ipapatupad na load curtailment sa service area nito, simula ngayong araw.

Outstanding student leader ng USM at SKPSC, napiling Ambassador for Disaster Management and Recovery Program


(PIA, Koronadal city/March 14, 2012)  ---Dalawang outstanding student leaders mula sa University of Southern Mindanao (USM) at Sultan Kudarat State University (SKSU) ang kakatawan sa Rehiyon Dose bilang Ambassador for Disaster Management and Recovery Program sa bansang Japan.

Kasalukuyan ng naghahanda sina Lily Jean Cacatian, BS Development Communication ng USM-Kabacan at Angel Marie Ysik, BS Education ng SKPSC-Tacurong City para sa kanilang sampung araw na pagbisita sa bansang Japan upang makakuha ng karanasan at aral hinggil sa disaster management at recovery efforts ng bansa pagkatapos ng pinsalang dulot ng lindol at tsunami noong Marso a-13, 2011.

Pagpasok ng mga operatiba ng NBI sa ancestral land ng mga lumad sa Arakan, North Cotabato paglabag raw sa Indigenous Peoples’ Rights Act o IPRA

(Arakan, North Cotabato/March 14, 2012) ---Halos tatlong buwan na ang nakalilipas bago naglabas ng pahayag ang Tribal Council of Elders sa North Cotabato na nagsasabi’ng ang pagpasok umano ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation o NBI sa isang barangay sa Arakan, North Cotabato ay paglabag pala sa Indigenous Peoples’ Rights Act o IPRA, ang batas na nagpoprotetka sa sektor ng mga katutubo sa bansa.
         
Sa isang resolusyon, sinabi ng mga tribal elders na isang paglapastangan sa tradisyon ng mga lumad ang ‘di paghingi ng permiso ng mga NBI operative na pasukin noong Disyembre ang Barangay Kulaman Valley at arestuhin ang isa sa kanilang ka-tribo sa paniwalang sangkot ito sa isang krimen.
  

Libro Para sa Munting Isip ipamimigay na ngayong araw sa USM


Written by: Ferdinand Miano

Libro para sa munting isip ito ang programang magkatuwang na isinulong ng Department of Psychology ng University of Southern Mindanao sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development Office ng bayan ng Kabacan.

Layon ng programa na makapagbigay ng early childhood education services para sa mga kabataang edad 4 hanggang 6 na taong gulang.

2 Motorsiklo Nag-salpukan, 2 Driver Malubhang Sugatan


(Kabacan, North Cotabato/March 14, 2012) ---Agad na isinugod sa pagamutan ang mga driver ng dalawang motorsiklong nasangkot sa isang aksidente kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng USM road, Partikular na sa may bandang Housing Area ng USM Conpound.

Ayon sa inisyal na pag-sisisyasat ng mga kagawad ng Kabacnan PNP napag-alamang bandang alas 5 ng hapon kamakalawa araw ng lunes nangyari ang naturang aksidente.

Paghiganti para sa kamatayan ng pinaslang na pari sa North Cotabato di raw hiningi ng Simbahang Katoliko


(Kidapawan City/March 14, 2012) ---Kung ang pamunuan ng Dioces of Kidapawan umano ang tatanungin hindi nila hinihingi na ipaghiganti ang naging kamatayan ni Father Fausto Tentorio, PIME.

Para kay Bishop Romulo dela Cruz ng Diocese ng Kidapawan, hindi kaylanman sagot sa sinisigaw nila’ng hustisya ang karahasan.

Estudyante ng USM tinutukan ng baril, cell phone tinangay

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 14, 2012) ---Takot at panginginig ang nadarama ng isang mag-aaral ng USM matapos na tinutukan ito ng baril habang naglalakad papasok ng Villanueva Sabdivision alas 9:00 kagabi.

Ayon sa report, dalawang di pa nakilalang armadong lalaki na riding in tandem umano na sakay sa isang single motorcycle ang bigala dumikit sa biktima at tinutukan ito ng baril sa tiyan.
Nakuha ng mga suspetsado mula sa biktima ang kanyang cellphone na agad namang tumalilis papalayo sa di malamang direksiyon.

Mas mahabang brown-out nararanasan ngayon sa Kabacan

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 14, 2012) ---Maliban sa ipinapatupad na Load Curtailment ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, nakaranas din ng mahabang black out na abot sa tatlong oras ang ilang mga service erya ng Cotabato electric Cooperative kahapon na nagsimula mula alas 3:00 ng hapon at bumalik ang supply ng kuryente dakong alas 6:00 na ng gabi.

Sa panayam ng DXVL-Radyo ng Bayan kay Cotelco Board Dcirector Samuel Dapon, nagkaroon umano ng faultline sa 69KV na linya ng Cotelco sa Kidapawan city sanhi ng pagkawala ng kuryente.

Report na may pinasusong sanggol ang namatay habang pumipila ang ina sa ATM sa Kabacan di raw totoo – ayon sa mga otoridad

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 13, 2012) ---Kung ang Kabacan PNP ang tatanungin negatibo umano ang report na may pinasusong sanggol ang namatay habang pumipila ang sa ATM Machine dito sa bayan ng Kabacan.

Maging ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO ng Kabacan LGU ay pinasinungalingan din ang nasabing report na may isang ina na namatayan ng pinasusong sanggol matapos mabilad sa init ng araw habang pumipila para maka-withdraw ng pondo ng 4Ps sa isang automated teller machine o ATM dito sa Poblacion ng Kabacan.

Task Force Simone; binuo tugon para sa final resolution sa problema –ayon sa tagapagsalita ng MILF

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 13, 2012) ---Sinabi ngayong umaga ni Moro Islamic Liberation Front o MILF spokesperson Von Alhaq sa DXVL – Radyo ng Bayan na binuo nila ang Task Force Simone nitong nakaraang araw layunin upang mabigyan ng final resolusyon ang problema sa lugar upang mamuhay ng tahimik ang mga residente sa erya.

Kung matatandaan na noong 2010, naglalaban kasi ang grupo ng MILF at MNLF sa bahagi ng Simone at Nangaan dahil sa pinag-aawayang lupa sa lugar.

34th University Recognition; gagawin ngayong umaga

Written by: Rhoderick Beñez

(USM, Kabacan, North Cotabato/March 13, 2012) ---Isasagawa ngayong umaga sa USM Gymnasium ang 34th University Recognition bilang pagbibiogay parangal sa mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao na namayagpag sa akademiko at sa iba pang larangan kagaya ng Isports at Extra Curricular na nagbigay ng karangalan sa Pamantasan.

Ang programa ay magsisimula ngayong umaga, kungsaan si Hon. Country Manager, SDS Romulo Presto ng Kibushiki Kaisa ang magiging panauhing tagapagsalita.

Isang 39-anyos na preso patay sa loob ng kulungan sa Amas, Kidapawan City; matapos maatake sa puso

(Amas, Kidapawan City/March 13, 2012) ---Dead on arrival sa hospital ang isang 39-anyos na preso matapos atakehin sa puso alas 8:30 ng gabi noong Sabado.

Di na umanot ng buhay si Elpen Tion, 39, residente ng Barangay Bongolanon, Magpet, North Cotabato, matapos na isinugod ito sa Cotabato Provincial Hospital.

Outstanding Student leader ng USM; kakatawan sa buong North Cotabato bilang Ambassador for Disaster Management & Recovery Program sa Japan


Written by: Rhoderick Beñez

(USM, Kabacan, North Cotabato/March 13, 2012) ---Tutulak ngayong buwan ng Mayo papuntang Japan si Lily Jean “Isay” Cacatian para sa kanyang short term visit sa naturang bansa bilang student ambassador for the Disaster Management and Recovery Program ng Japan-East Asia Network of Exchange for student and Youth o JENESYS.

Photo courtesy by: Sir Allan Facurib
Ang nasabing programa ay nakatuon sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa kung anu ang ginagawa ng bansang Japan matapos tinamaan ng matinding kalamidad noong March 11, 2011.

Isa sa mga bibigyang diin dito ay ang mabilis na pagbangon ng bansa dala ng dilubyu na tumama sa kanilang lugar.

Si Cacatian ang isa sa mga napili bilang exchange student para sa nasabing programa.

Siya ay nagtapos ng kanyang High School sa University Laboratory School o ULS noong taong 2008 at ngayon ay graduating DEVCOM Student ng USM.

P75 na arkabala ng mga motorista; nakabinbin pa rin sa Sanggunian

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 12, 2012) ---Mula sa dating P100 ay ibinaba ngayon sa Sanggunian sa P75 ang kokolektahing arkabala sa mga tricycle at tricycabs drivers matapos ang ginawa nilang public hearing.

Ito ang sinabi ni Councilor Rolly Dapon, ang may hawak ng committee on ways and Means sa SB na aniya ay di pa rin aprubado ang nasabing ordinansa dahil sa may pumapabor dito at may umaayaw naman.

Disaster Risk and Climate Change sentro sa convocation program ng women’s month Celebration ng Kabacan LGU; ngayong umaga

Written by: Rhoderick Beñez

(Kabacan, North Cotabato/March 12, 2012) ---Kasabay ng pag-obserba sa buong mundo ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso, binuo sa bayan ng Kabacan ang Local Council for Women (LCW).

Kaugnay nito, gagawin ngayong umaga sa Kabacan gymnasium ang convocation program kungsaan nakatutok ang programa sa Women’s Month Celebration.


Sentro ng nasabing programa ang tungkol sa Disaster risk and climate change bilang dagdag kaalaman sa mga kababaihan at ang malaking papel na ginagampanan ng mga ito sa lipunan na kanilang ginagalawan.

Kaugnay nito, inaanyayahan ngayon ng bagong Local Council for Women chair Yvone Saliling ang lahat ng mga kababaihan sa bayan na makiisa at dumalo sa programa ngayong umaga sa isasagawa sa Kabacan gymnasium.

OPAPP nakipagpulong sa mga benepisyaryo ng PAMANA, 3 pang barangay sa Midsayap, inirekomenda na maisali sa programa

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/March 12, 2012) ---Iprenisenta ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP sa pamamagitan ni OPAPP Mindanao Affairs Office Director Susana Marcaida ang mga prosesong dapat isakatuparan sa ilalim ng PAyapa at MAsaganang PamayaNAn o PAMANA particular sa Midsayap.

Ginawa ni Director Marcaida ang pahayag sa consultative meeting sa CJNS Kapayapaan Hall sa Midsayap, Cotabato, kamakalawa.

Mga troso na illegal na pinutol sa Magpet, N Cotabato nasabat

(Magpet, North Cotabato/March 12, 2012) ---Nasabat ng mga elemento ng Magpet PNP ang mahigit 2,000 board feet ng mga troso mula sa mga puno ng Lawaan sa highway ng Magpet, North Cotabato, kahapon.

Ang mga troso, ayon kay Magpet Mayor Efren Pinoy, ay pinutol sa Barangay Imamaling – isang deklaradong ancestral domain.

Militar at NPA nagka-engkwentro sa Tulunan, North Cotabato; erya na nagka-giyera kontrolado na ng militar

Written by: Rhoderick Beñez

(Tulunan, North Cotabato/March 11, 2012) ---Kontrolado na ngayon ng militar ang erya kungsaan nagkasagupa ang New People’s Army o NPA at ang mga tauhan ng Charlie Company ng 68th Infantry Battalion, Philippine Army sa Brgy. Batang, Tulunan, North Cotabato, kamakalawa.

Ito ang sinabi sa DXVL – Radyo ng Bayan ni 6th Division Public affairs Chief, Colonel Prudencio Asto kungsaan umabot umano ng tatlong oras ang palitan ng putok sa dalawang panig na naging dahilan ng paglikas ng maraming sibilyan sa takot na maipit sa labanan.