Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P75 na arkabala ng mga motorista; nakabinbin pa rin sa Sanggunian

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/March 12, 2012) ---Mula sa dating P100 ay ibinaba ngayon sa Sanggunian sa P75 ang kokolektahing arkabala sa mga tricycle at tricycabs drivers matapos ang ginawa nilang public hearing.

Ito ang sinabi ni Councilor Rolly Dapon, ang may hawak ng committee on ways and Means sa SB na aniya ay di pa rin aprubado ang nasabing ordinansa dahil sa may pumapabor dito at may umaayaw naman.
Ang arkabala ay sinisingil noon na arawan sa mga motorista na P5.00 kada araw at kung kukwentahin abot sa P150 ang isang buwan kung ang isang tricycle driver ay mamamasada araw-araw, dahilan kung bakit ito ibinaba ng P75 pero isahang singil nalang.

Isa si councilor Jonathan Tabara na tutol sa nasabing panukala, aniya mahirap na daw para sa isang ordinaryong tricycle drivers ang makabayad ng P5.00 sa isang araw ang P75 na isahang bayad pa kaya.

Pero, para naman kay Kagawad Dapon mas talo umano ng disadvantages ang mga advantages ng nasabing ordinansa, kagaya ng din a kakailanganin ang personnel na magsingil araw-araw.

Samantala, para naman kay Atty. Edmundo Apuhin marami umanong batas na pinapanday ang mga mambabatas ng bayan subalit hanggang ngayon ay wala pa ring nasampulan sa mga tricycle drivers at operators na mapatawan ng cancellation ang kanilang mga prankisa kapag lumabag ang mga ito.

Aniya naging maluwag umano mga mga mga kinauukulan dahil hanggang ngayon ay wala paring nasasampulan ang mga ito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento