(Kabacan, North Cotabato/March 14, 2012) ---Ibinaba na ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa 22.2 megawatts ang supply ng kuryente sa Cotelco na siyang power distributer ng North Cotabato dahilan kung bakit abot na ngayon sa limang oras ang ipapatupad na load curtailment sa service area nito, simula ngayong araw.
Ito ang inihayag ngayong hapon ni Cotelco Spokesperson Vincent Lore Baguio kungsaan, mag-aanunsiyo ngayon ang cotelco sa bagong schedule nito upang maiwasan ang pagkasira ng appliances dahil sa biglaang pagkawala ng kuryente na una ng nirereklamo ng mga konsumedures. (RB)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento