Written by: Rhoderick BeƱez
(Tulunan, North Cotabato/March 11, 2012) ---Kontrolado na ngayon ng militar ang erya kungsaan nagkasagupa ang New People’s Army o NPA at ang mga tauhan ng Charlie Company ng 68th Infantry Battalion, Philippine Army sa Brgy. Batang, Tulunan, North Cotabato, kamakalawa.
Ito ang sinabi sa DXVL – Radyo ng Bayan ni 6th Division Public affairs Chief, Colonel Prudencio Asto kungsaan umabot umano ng tatlong oras ang palitan ng putok sa dalawang panig na naging dahilan ng paglikas ng maraming sibilyan sa takot na maipit sa labanan.
Nilinaw din ng opisyal na walang nasugatan sa panig ng pamahalaan.
Nagka-engkwentro umano ng sundalo ang may tinatayang 50 mga guerilla Front 51 noong Sabado ng umaga subalit umatras naman ang mga rebelde ng dumating ang karagdagang pwersa ng militar matapos magpakawala ng bala ng 81 mm mortar sa mga kalaban.
Sa ngayon patuloy na tinutugis ng mga military ang mga NPA na nagtatago sa boundary ng North Cotabato, Sultan Kudarat at Davao Del Sur.
Magbibigay naman ng tulong sina Cotabato Gov. Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza at Mayor Lanie Candulada sa mga sibilyang nagsilikas buhat sa Brgy. Batang matapos na maipit sa nasabing kaguluhan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento