Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang Ticketing Outlet sa Bayan ng Kabacan; Hinold-up; libung halaga ng pera natangay

(Kabacan, North Cotabato/March 15, 2012) ---Natangay ng mga di pa nakikilalang mga kalalakihan ang kita para sa buong araw ng Blue 1 travels na isang Ticketing Outlet na matatagpuan sa Aglipay Street, Poblacion, Kabacan Cotabato.

Ayon sa bantay ng naturang ticketing outlet bandang alas 2:10 ng hapon kahapon dalawang kalalakihan umano ang pumasok sa kanilang establisemento. unang pumasok ang isang lalake na nakasuot ng kulay itim na damit na may dalang bag, sumunod namang pumasok ang isa pang lalake na siyang nag-lock ng pintoan at sabay na nagdeklara ng hold-up.
Ayon sa tantsa ng bantay ng naturang Ticketing Outlet na si Janette Sorianolos na isang residente ng Barangay Kilada sa bayan ng Matalam, nasa edad 20-21 umano ang dalawang lalaking nag-deklara ng Hold-up sa kanya.

Natangay ng dalawa ang isang unit ng Cellular Phone, mga naka display na Sun Glasses at Cash na aabot sa 8,000 pesos.

Matapos maisakatuparan ang masamang balakin ay agad na tumalilis papalayo sa di pa malamang direksiyon ang dalawa, sa ngayon patuloy pang ini-imbistigahan ng mga otoredad ang panibagong insedente ng Hol-upan dito sa bayan ng Kabacan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento