Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

CIT-DIT Day, isasagawa ngayong araw sa USM Main Campus

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Gagawin ngayong araw ang Department of Industrial Technology day ng University of Southern Mindanao sa CIT-DIT Ground, USM Compound, Kabacan, Cotabato alas 7:30 ngayong umaga.

Sa programang inihanda, sinabi ni DIT Day Committee Chairman Uldarico Lavalle Jr. ang Technical Operations supervisor ng DXVL na may mga makabuluhang programang inihanda ang kanilang kagawaran para maging kasiya-siya ang kanilang selebrasyon lalo na sa mga mag-aaral at mga faculty at staff nito.

40th Nutrition Month culmination, isinagawa ng LGU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Isinagawa  ang 40th Nutrition Month Culmination ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa Kabacan Municipal gymnasium alas 8:00 kahapon ng umaga.

Ayon kay Municipal Nutrition Officer Virginia Solomon na iba’t-ibang mga patimpalak ang isinagawa kaugnay sa pagtatapos ng Nutrition Month ngayong araw.

Ilang mga Senior Citizen sa Kabacan, umalma sa tagal ng monthly pension ng mga ito, MSWDO Kabacan, nagpaliwanag

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Hindi pa dumating ang tseke mula sa Department of Social Welfare and Development Office o DSWD 12 kaya hindi pa nakapag-release ng buwanang pension allowance ang Federation of Senior Citizens Association of the Philippines sa Kabacan.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Federation of Senior citizens Association of the Phils Kabacan chapter Secretary Rosalinda Miguel matapos na nagpaabot ng reklamo sa DXVL ang ilang mga pensioners dahil sa tagal na pagdating ng pension ng mga senior citizen sa Kabacan.

Lalaking nahulihan ng shabu at di lisensiyadong armas sa Kabacan may kasong Carnapping at Homicide na kinakakaharap sa Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Arestado ang isang lalaki makaraang patawan ng Warrant of Arrest ng Pikit PNP na may kasong carnapping at homicide alas 11:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Pikit PNP ang naaresto na si Dennis Ulangkaya Afdal na nakakulong sa Kabacan PNP lock up cell.

SUA ni USM Pres. Garcia, inilipat sa Agosto 6

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Inilipat ang schedule ng gagawing State of the University Address ni University of Southern Mindanao USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia sa Agosto a-6 araw ng Miyerkules sa susunod na linggo sa USM Ground ala 7:00 ng umaga.

Ito ayon sa USM Board Secretary dahil sa may mahalagang pagpupulong ang Pangulo sa Commission on Higher Education o CHED.

Health Code ng RHU Kabacan, binuo matapos ang kumplikasyon sa pagkamatay ni DXVL Newscaster Irah Palencia Gelacio

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) --- May binabalangkas ng Health Code ang Sangguniang Bayan ng Kabacan upang mapaayos ang serbisyong pangkalusugan ng Rural Health Unit ng Kabacan.

Ito ang naging reaksiyon ni Councilor Jonathan Tabara matapos na mapuna ni ABC Pres. At SB member Raymundo Gracia ang diumano’y kawalan ng aksiyon ng kanilang konseho sa sulat na ipinadala ng pamilya Gelacio sa pag-kamatay ni DXVL Newscaster Irah Palencia Gelacio.

Market Administrator ng Kabacan, ipapatawag sa SB re: reklamo sa Public CR sa Kabacan Public Market

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Nakatakda namang ipapatawag sa Sangguniang Bayan ng Kabacan si Market Administrator at Economic Enterprise Officer Edne Palomero para papaliwanagin hinggil sa Pampublikong Palikuran sa Kabacan Public Market.

Ito makaraang umani ng batikos sa mga netizens partikular na sa facebook ang hindi malinis at maayos na Comfort Room sa palengke.

Revised CLUP at Zoning Planing ng Kabacan, hindi pasado sa isang konsehal

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Hindi naman kumbinsido si Councilor Jonathan Tabara sa ipinasang Revised Comprehensive Land Use Plan at Zoning Ordinance na naisalang kahapon sa second reading ng Sangguniang Bayan ng Kabacan.

Aniya, hindi umano pinag-isipan ng maayos ang pagkakagawa ng CLUP ng Kabacan bagay namang kinontra ito ng konsehal ang pagpasa sa ikalawang pagbasa at dapat aniya ay isasangguni pa ito sa Committee on Land Planning.

Bagong Kabacan Hym, isinalang na sa unang pagbasa sa SB

(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Isinalang na sa unang pagbasa ng Sangguniang Bayan ng Kabacan ang Bagong Kabacan Hymn na pinamagatang “Kabacan Kong Mahal” sa regular na session ng SB kahapon.

Mismong si USM Band Master Jun Eramis ang nag-presinta nito sa konseho at itinugtog ang mga liriko nito para masiyasat ang bawat kataga ng naturang kanta.

Mindanao wide Skills sa IT at Tourism sector competition, isasagawa sa USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 31, 2014) ---Isasagawa naman dito sa University of Southern Mindanao ang Provincial at Mindanao wide Skills Competition na pangungunahan ng College of Human Ecology and Food Sciences o CHEFS at ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Cotabato sa August 29, 2014.

Ayon kay TESDA Provincial Director Engr. Florante Herrera na kabilang sa mga patimpalak na ito ay ang IT at Tourism sector.

State of the University Address o SUA ni USM Pres. Garcia, ihahayag sa Agosto a-5

(USM, Kabacan, North Cotabato/ July 31, 2014) --- Nakatakdang gagawin ang State of the University Address ni University of Southern Mindanao USM Pres. Dr. Francisco Gil Garcia sa Agosto a-5 araw ng Martes sa susunod na linggo sa USM Ground ala 7:00 ng umaga.

Sa isang kalatas na ipinalabas sa Facebook ni Executive Assistant to the Pres. William dela Torre na pirmado ni Vice President for Academic Affairs Dr. Palasig Ampang na suspendido ang klase sa umaga para mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyante, guro at lahat ng mga kawani ng USM na makadalo sa nasabing programa.

Isang establisiemento sa Kabacan, ginagamit ng budol budol gang para makapanloko

(Kabacan, North Cotabato/ July 31, 2014) ---Ilang mga sindikato ngayon ang kumakalat sa bayan ng Kabacan at mga karatig na lugar upang magpautang diumano ng bigas at ginagamit ang pangalan ng Spectrum Rice retailer/Wholesaler  sa bahagi ng Aglipay St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ito ang napag-alaman ng DXVL News mula kay Larry Manuel ang may ari ng nasabing establisiemento.

Mamamahayag sa North Cotabato hinaras ng isang kawani ng LGU Midsayap

(Midsayap, North Cotabato/ July 31, 2014) ---Kinondina ng PPalma Presscorps,Kapisanan ng mga brodkaster ng Pilipinas (KBP) at National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)North Cotabato at Kidapawan City Chapter ang panghaharas ng isang kawani ng gobyerno sa isang Mamamahayag sa bayan ng Midsayap North Cotabato.

Sinabi ni Arnel Guerero na pumasok sa himpilan si Ever Dalida head ng ticketing Unit ng LGU Midsayap sa mga pampasaherong sasakyan ng pumapasok sa bayan.

Pampublikong Palikuran sa Mercado Publiko ng Kabacan, inireklamo ngmga netizens

(Kabacan, North Cotabato/ July 31, 2014) ---Inireklamo ng ilang mga netizens sa Facebook na may group page title na “taga Kabacan ka kung”… ang Pampublikong palikuran ng Mercado Publiko bukod sa walang maintenance ay sira umano ang pinto nito.

Nakalagay sa mensahe na na-i-post sa facebook ng mga netizens ang ganitong pahayag “pakiusap po sa mga taga L.G.U ng kabacan ung public C.R po natin sa palingke araw araw po yan kumikita pikaayos naman po ang mga pinto. lahat po sira dilikado po, makasugat sa mga gumagamit nito.”

2 katao, arestado sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal na droga

(Kabacan, North Cotabato/ July 30, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao makaraang mahuli sa magkahiwalay na operasyon ng Kabacan PNP kahapon, sa mas pinaigiting na kampanya kontra illegal na sugal.

Kinilala ni P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Elvis Gascon, 31-anyos, may asawa at residente ng Brgy. New Juaniway, Mlang, North Cotabato na natiklo sa Brgy. Osias dakong alas 8:30 ng umaga kahapon habang huli naman sa bahagi ng Purok Krislam ng Poblacion si Sinempalan Solaiman, 27-anyos, magsasaka at residente ng bayang ito.

Extemporaneous speech contest kaugnay ng National Disaster Consciousness Month, isasagawa sa Kidapawan City ngayong araw

(Kidapawan City/ July 30, 2014) ---Isasagawa na ngayong araw ang extemporaneous speech contest kungsaan tampok ang mga high school students mula sa iba’t-ibang pampubliko at pribadong paaralan ang kalahok sa nasabing patimpalak na gagawin sa Kidapawan City.

Ayon kay Cot. Provincial Disaster Risk Reduction and Management Operations Center Head Cynthia Ortega, ang naturang paligsahan ay bahagi ng mga nakalatag na aktibidad kaugnay sa National Disaster Consciousness Month.

Isang buwang pagkamatay ni Ka-kunektadong Irah, inaalala ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2014) ---Inaalala ngayon ng kanyang mga pamilya, kaibigan at mga kasama sa trabaho ang isang buwang pagkamatay ni DXVL Newscaster at DXVL Broadcast Traffic Officer Irah Palencia Gelacio.

Matatandaan na Hunyo a-29 alas 12:30 ng madaling araw ng tuluyang ng pumanaw ang mamamahayag ng DXVL matapos ang matinding kumplekasiyon nito makaraang manganak noong Hunyo a-24 ng madaling araw.

Kabakeños, hati ang naging reaksiyon sa SONA ni Pnoy

(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2014) ---Samu’t saring reaksiyon ngayon ang inani ni Pangulong Aquino sa katatapos ng kanyang ika-limang State of the Nation Address o SONA kahapon ng hapon.

Ayon sa ilang mga residente ng bayan, hindi umano nailahad ni Pnoy ang totoong kalagayan ng Bansa.

Pagdiriwang ng Eid’l Fit’r sa Kabacan, naging matagumpay

(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2014) ---Naging mapayapa at matagumpay maliban sa maingay ang pagsalubong ng mga mananampalataya ng Islam sa pagdiriwang ng Eid’l Fit’r o pagtatapos ng buwan ng Ramadhan dito sa bayan ng Kabacan sa pamamagitan ng Takbeer o pagbubunyi at papuri kay Allah.

Liban pa dito ay sabayan rin silang nagdasal o congregational prayer na idinaos sa iba’t-ibang lugar at mga simbanhang Moske sa bayan.

Kumakain ng "arroz caldo", itinumba ng tandem

(North Cotabato/ July 29, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa pamatay ang isang lalaki habang kumakain ng “arroz caldo” sa harap ng Marbel City Ride Terminal, Koronadal city, South Cotabato alas 2:15 ng madaling araw kanina.

Kinilala PO3 Joey Pinongcos ng investigation section ng Koronadal City PNP ang nasawing biktima na si Hadji Fajanilbo Arka alyas Udap, 31 anyos, at residente ng Casa Subdivision, Block 1, Brgy Zon, siyudad ng Koronadal.

Konsehal ng UNA, dedo sa Toxic goiter

(North Cotabato/ July 29, 2014) --- Kamatayan ang sumalubong sa isang kasapi ng Municipal Councilor sa bayan ng Tampakan, South Cotabato makaraang tuluyan na itong iginupo ng kanyang sakit na toxic goiter.

Sinabi ni Police Senior Inspector Sherwin Maglana, hepe ng Tampakan PNP na binawian ng buhay si Councilor Luisito Cariaga Reyna sa edad na 55-anyos noong nakaraang Biyernes dahil sa iniindang karamdaman.

Punong Barangay na MILF National Guard, patay sa operasyon ng SOG sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ July 29, 2014) ---Patay ang isang Brgy Kapitan na opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) National Guard Division sa raid ng Special Operation Group ng PNP 12 sa Brgy Olandang Midsayap, North Cotabato dakong alas 3:20 ng madaling araw kanina.

Kinilala ni P/Supt Reinante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang nasawi na si Brgy Kapitan Ibrahim Simpal, Punong Brgy Chairman ng Brgy Olandang ng nasabing bayan.

SONA 2014

TIME LINE
by: Crispin Tuscano


TIME
TOPIC
4:00

4:01

4:02

4:03
Pagsisimula ng talumpati ni Pnoy
4:04

4:05

4:06
PASARING SA MGA KRITIKO NI PINOY
4:07
DAP ISSUE, TRAINING NA PINAGLAANAN NG DAP, TESDA SCHOLAR NA NAKALISTA
4:08
BIR TAX COLLECTION, TESDA GRADUATE TESTIMONIAL
4:09
TESDA TESTIMONIAL (VIDEO PRESENTATION)
4:10
TESDA TESTIMONIAL (VIDEO PRESENTATION)
4:11
NEDA REPORT
4:12
POVERTY LINE
4:13
SYNTAX REFORM

Ex-member ng SCAA, huli sa pagdadala ng baril sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng isang dating kasapi ng Special Civilian Armed Forces Geographical Unit Active Auxiliary o SCAA makaraang mahulihan ng baril sa Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato alas 11:00 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ni P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Crisito Neri, 30-anyos, may asawa at residente ng Purok Talisay, Brgy. Malinan, Kidapawan City.

3 katao, arestado sa pagdadala ng armas at granada

(Kabacan, North Cotabato/ July 28, 2014) ---Arestado ang tatlo katao makaraang mahulihan ng mga baril at granada sa bahagi ng Mantawil St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 11:30 ng gabi nitong Sabado.

Sa report na ipinarating sa DXVL News Radyo ng Bayan ni P/Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP na nakilala ang mga naarestong suspek na sina: Norhamen Sandatu, 19-anyos; Abuhamen Katog, 23-anyos kapwa residente ng Kibayao, Carmen, Cotabato at Kalid Alon, 30-anyos, Poblacion, Kabacan.

Asik-asik Falls, muli ng binuksan sa publiko matapos ang nangyaring “outbreak”

(Alamada, North Cotabato/ July 28, 2014) ---Muli ng binuksan sa publiko ang pamosong Asik-asik Falls sa Alamada, North Cotabato makaraang isara ito dahil sa nangyaring “outbreak” sa lugar.

Ito ang eksklusibong impormasyon na ipinarating sa DXVL News Radyo ng Bayan ni Alamada Municipal Administrator Ruben Cadava.

Aniya, nito pa umanong buwan ng Hulyo muli binuksan sa mga turista ang pinakatanyag na tourist destination sa probinsiya makaraang ideklara na “outbreak free” an ang lugar.

Summer Kids Peace Camp pambato ng PGCot sa Galing Pook Awards ngayong taon

By: Jimmy Sta. Cruz

(Amas, Kidapawan City/ July 28, 2014) ---Pasok na sa initial evaluation ng Galing Pook Awards ang Summer Kids Peace Camp o SKPC na official entry ng Cotabato Provincial Government sa 2014 Galing Pook Awards.

Kabilang ang SKPC sa 27 entries na pumasa sa initial evaluation mula sa kabuuang 96 na mga entries ng iba’t-ibang local government units sa buong bansa.

Kamakalawa ay sumailalim sa evaluation ng Galing Pook Awards Evaluators ang SKPC kung saan sumagot sa mga katanungan si Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza at ang Technical Working Group ng SKPC.

Eid’l Fit’r, ipinagdiriwang na ng mga mananampalatayang Muslim ngayong araw

Photo by: MILGO Jasmin Sulatn Musaid
Matalam, North Cotabato 
(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2014) ---Bagama’t bukas pa July 29, ideneklarang isang regular non-working holiday sa buong bansa, kaugnay sa pagdiriwang ng Eid’l Fit’r, ideneklara namang pyesta opisyal ngayong araw sa lahat ng mga lalawigang sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM kabilang na ang Cotabato City.

Sinabi ni Ustadz Jaafar Ali na matapos ang moon sighting kagabi, ay opisyal na idineklara ng Darul Ifta ang Eid’l Fit’r ngayong araw.