(Pikit, North Cotabato/ August 1, 2014) ---Arestado
ang isang lalaki makaraang patawan ng Warrant of Arrest ng Pikit PNP na may
kasong carnapping at homicide alas 11:00 kahapon ng umaga.
Kinilala ng Pikit PNP ang naaresto na si
Dennis Ulangkaya Afdal na nakakulong sa Kabacan PNP lock up cell.
Ang nasabing suspek ay nahuli ng Kabacan PNP
nitong Hulyo a-20 makaraang makuhanan ng illegal na droga at di lisensiyadong
baril at gumamit pa umano ng pangalang Bazer Ulangkaya Afdal pero napag-alaman
na ang totoong pangalan nito ay Dennis Ulangkaya Afdal.
Ang naturang warrant of arrest ay isinilba
sa kanya na may case number 11-232 at dinala sa RTC branch 18 bago dinala sa
Cotabato Provincial Jail sa Amas, Kidapawan City batay sa commitment order na
inilabas sa sala ni Hon. Judge George Jabido ng RTC Branch 18 ng Midsayap. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento