(Midsayap, North Cotabato/ July 29, 2014)
---Patay ang isang Brgy Kapitan na opisyal ng Moro Islamic Liberation Front
(MILF) National Guard Division sa raid ng Special Operation Group ng PNP 12 sa
Brgy Olandang Midsayap, North Cotabato dakong alas 3:20 ng madaling araw
kanina.
Kinilala ni P/Supt Reinante Delos Santos,
hepe ng Midsayap PNP ang nasawi na si Brgy Kapitan Ibrahim Simpal, Punong Brgy
Chairman ng Brgy Olandang ng nasabing bayan.
Ayon kay Delos Santos, nanlaban si Simpal sa
raiding team kaya ito’y nabaril patay ng pulisya.
Nahaharap si Simpal sa kasong multiple
murder at Multiple Frustrated Murder.
Nakuha sa tahanan ni Simpal ang matataas na
uri ng armas at bala. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento