(Kabacan, North Cotabato/ August 1, 2014)
---Isinagawa ang 40th Nutrition Month
Culmination ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan sa Kabacan Municipal gymnasium alas
8:00 kahapon ng umaga.
Ayon kay Municipal Nutrition Officer
Virginia Solomon na iba’t-ibang mga patimpalak ang isinagawa kaugnay sa
pagtatapos ng Nutrition Month ngayong araw.
Nakiisa din sa nasabing aktibidad ang ACF
International o Action Contra La Faim na isang Non-government Organization na
tumututok naman sa mga lugar na may mataas na kaso ng malnutrisyon at gutom.
Samantala, naiuwi naman ng Pilot Central
Elementary School ang 1st Place sa Best Gulayan sa Paaralan, 2nd Place dito ang
Bannawag Elementary School at 3rd Place naman ang USM Annex Elementary School.
Samantala sa dagdag at kaugnay na balita, Sa
Poster Making sa Elementary Category naman 1st Place si Earl Angelo Bermudez ng
Kabacan Pilot Elementary School, 2nd Place naman si Datu Ali Medtinombon ng
Datu Mantawil Memorial School at 3rd Place ang Jonna Mae Bisnan ng Katidtuan
Elementary School.
Narito naman ang mga nanalo sa Poster Making
sa High School 1st Place si Maechille Cañete ng Notre dame of Kabacan, 2nd
Place si Sarah Mae Valentino ng Kabacan National High School at 3rd place si
James Patrick Bago ng Kabacan Wesleyan Academy.
Samantala sa Cooking contest naman, wagi
dito ang Kayaga Elementary School nanakakuha ng 1st place, 2nd place naman ang
USM Annex at 3rd Place ang Malanduage Elementary School.
Sinabi naman ni Solomon na nakasentro ang
aktibidad sa temang “Kalamidad paghandaan: Gutom at Malnutrisyon Agapan! Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento