Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isang buwang pagkamatay ni Ka-kunektadong Irah, inaalala ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ July 29, 2014) ---Inaalala ngayon ng kanyang mga pamilya, kaibigan at mga kasama sa trabaho ang isang buwang pagkamatay ni DXVL Newscaster at DXVL Broadcast Traffic Officer Irah Palencia Gelacio.

Matatandaan na Hunyo a-29 alas 12:30 ng madaling araw ng tuluyang ng pumanaw ang mamamahayag ng DXVL matapos ang matinding kumplekasiyon nito makaraang manganak noong Hunyo a-24 ng madaling araw.

Samantala, ilang linggo na rin matapos na maghain ng pormal na reklamo ang Pamilya Gelacio sa Pamahalaang Lokal ng Bayan para paimbestigahan in Aide of Legislation pero tila usad pagong ang konseho sa kaso ng mamamahayag ng DXVL na ang nais lamang ng pamilya Gelacio ay mabigyan ng patas na imbestigasyon ang pagkamatay nito.

Matatandaan na una na ring nagpatawag ang Sangguniang Bayan ng meeting of the Whole sa pamunuan ng Rural Health Unit at sa Human Resource ng LGU para sa committee meeting.

Umaasa naman pamilya Gelacio na agarang mabigayn ng resolusyon ang pagkamatay ni Irah Palencia Gelacio.

Naulila ni Irah sa edad na 29-anyos ang Mister nito na si Gerald at ang dalawang anak na si Carl Gervane at Prince Ivan na mag-isang buwan na rin. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento