(Kabacan, North Cotabato/ November 26, 2014)
---Nasa kamay na ng Cotabato Police Provincial Office ang suspek na responsable
sa pagpapasabog sa bayan ng Kabacan na ikinasawi ng isang estudyante ng USM at
ikinasugat ng 16 na iba pa.
Kinumpirma mismo ni P/SSupt. Danilo Peralta,
ang CPPO Provincial Director matapos na masakote ang suspek sa barangay
Poblacion ng President Quirino, Sultan Kudarat.