Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

602nd Brigade, pinalalakas ang intelligence gathering matapos ang pagpapasabog sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 7, 2014) ---Pinalalakas ngayon ng 602nd Brigade, Philippine Army ang kanilang intelligence gathering matapos ang nangyaring pagsabog sa bayan ng Kabacan nitong Miyerkules ng gabi na ikinasugat ng dalawa katao.

Sinabi ni Civil Military Officer Captain Antonio Bulao sa DXVL news na sa kabila ng mas mahigpit na seguridad ay nalulusutan pa rin ang mga kasundaluhan at kapulisan ng mga nais maghasik ng kaguluhan sa bahaging ito ng Mindanao.

Kriminalidad sa Kabacan, spill over ng mataas na kaso ng krimen sa Maguindanao - PNP

(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2014) ---Aminado si Cotabato Police Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta na sa kabila ng crime program nila, mataas pa rin ang kaso ng kriminalidad sa bayan ng Kabacan.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa DXVL News kahapon matapos ang ginawang Provincial Peace and Order Council Meeting sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.

2 sugatan sa nangyaring pagsabog sa Kabacan, North Cotabato

 (Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2014) ---Dalawa katao ang iniulat na nasugatan makaraang pinasabog ang suspected Improvised Explosive Device o IED sa may National Highway, partikular sa Rizal St., Poblacon, Kabacan, North Cotabato alas 8:00 kagabi.

Kinilala ni Health Emergency Management Staff Honey Joy Cabellon ang mga sugatan na sina Gil John Pamoleras Langrio, 16, helper ng Mabros Trucking at residente ng Ulamian, Libungan na nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng kanyang binti.

Masahista, patay matapos agawan ng motorsiklo sa Kabacan, NCot; kagabi

(Kabacan, North Cotabato/ February 5, 2014) ---Bulagta ang isang 37-anyos na masahista makaraang barilin ng di pa nakilalang suspek at agawan ng motorsiklo sa may bahagi ng Corner Aglipay St. at Roxas St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato pasado alas 7:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Van Antonio Marollano, binata at residente ng Guiang St., Poblacion ng bayang ito.

Misis kinatay, kinain ng mister, 3 anak

(Maguindanao/ February 4, 2014) ---Kinatay muna bago kinain ang 55-anyos na misis ng kanyang mister at tatlong anak nito sa liblib na bahagi ng Barangay Kamasi sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao noong Sabado.
Sa naantalang ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Muzala Pinagayaw Amil ng Purok Maligaya, Barangay Kamasi sa nasabing bayan.

Tricycle at Truck nagkabanggaan sa Pikit, North Cotabato; 6 patay, 1 kritikal

(Pikit, North Cotabato/ February 4, 2014) ---Magkakasunod na sinalubong ni kamatayan ang anim-katao kabilang ang isang buntis habang nasa malubhang kalagayan naman ang isa pa makaraang araruhin ng dumptruck ang traysikel sa bahagi ng Barangay Batulawan, bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa namatay ay sina Ibrahim Casanova, Rakma Casanova, Tayan Zakalia, Abil Kamid, Bagits Alimudin at ang limang buwang buntis na si Mia Casanova habang sugatan naman si Rahim Casanova.

26-anyos guro, nag-suicide

(Pikit, North Cotabato/ February 4, 2014) ---Pinaniniwalaang desperada sa ma­tinding problema sa pamilya kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan ang 26-anyos na guro matapos itong magbaril sa sarili sa loob ng boarding house sa bayan ng Pikit, North Cotabato, kahapon. 

Kinilala ng Pikit PNP ang biktima na si Ana Mae Algones, guro sa Inug-ug Elementary School, residente ng Hagonoy, Digos City at pansamantalang nangungupahan sa Binayas residence.

Libu-libong halaga ng illegal na droga, nasamsam sa isang tulak droga sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ February 4, 2014) ---Kulang-kulang kalahating milyun na halaga ng mga illegal na droga ang nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA 12 at ng elemento ng Kabacan PNP sa isinagawang buybust operation sa Lapu-lapu St., Brgy. Osias, Kabacan, North Cotabato pasado alas 12:00 ng tanghali kahapon.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Dave Joseph Bornea Tanueco at residente ng nasabing lugar.

1 patay; 1 sugatan sa shootout sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ February 3, 2014) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang 21-anyos na lalaki habang sugatan naman ang isa pa nitong kasama matapos na pagbabarilin ang mga ito sa Barangay Poblacion, Kidapawan City pasado alas 12:00 ng medaling araw kahapon.

Kinilala ang namatay na si Geydefredo Gayorgor habang kinilala naman ang sugatan na kasama nito na si Joey Bugaay , isang security guard kapwa residente ng Villamarso Street ng lungsod.

‘powerful bomb’ ng BIFF, napigilan ng military

(Maguindanao/ February 3, 2014) ---Napigilan ang sana’y pagsabog ng mapinsalang “powerful homemade bomb” na itinanim ng mga grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy. Macasampen sa bayan ng Guindulungan lalawigan ng Maguindanao kahapon ng umaga.

Ayon kay Army's 6th Division spokesperson Dickson Hermoso na nakatanggap sila ng sumbong mula sa mga residente ng nasabing barangay kaugnay sa iniwang improvised explosive device (IED) ng mga rebelde sa bahagi ng national highway.

2 notoryos holdaper/carnapper; huli ng Kabacan PNP sa isinagawang operasyon kap-kap bakal

(Kabacan, North Cotabato/ February 3, 2014) ---Arestado ng mga pulisya ang dalawang mga pinaghihinalaang notoryos na carnaper at holdaper sa may bahagi ng Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas pasado alas 10:00 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP angmga suspek na sina Amer Camsa Tiloma, 24-anyos, kasado at residente ng Barangay Kilangan, Pagalungan, Maguindanao habang kinilala ang isa pa nitong kasama na si Nor Ali Sandukan, 25-anyos, binata at residente ng Batulawan, Pikit, North Cotabato.

Suspek sa pagpatay sa 60-anyos na magsasaka sa Arakan, North Cotabato, sumuko na!

(Arakan, North Cotabato/ February 3, 2014) ---Naghihimas nang malamig na rehas bakal ang 39-anyos na magsasaka matapos na paslangin nito ang 60-anyos na lolo na katiwala sa sakahan sa Barangay Datu Mantangkil, Arakan, North Cotabato ala 1:40 ng madaling araw nitong Sabado.

Kinilala ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Federico Salvani residente ng nasabing lugar at katiwala sa sakahan ni Rolly Leoncito.

Pagsasayaw ng Zumba para sa mas malusog na pangangatawan, isusulong ng LGU Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 31, 2014) ---Hinihikaya’t ngayon ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang publiko partikular na ang mga senior citizen na pumunta sa Municipal Hall simula February 4 mula alas 5 hanggang alas 6:00 ng umaga.

Ito para sumayaw ng Zumba.

Ayon kay administrative Officer Cecilia Facurib layon ng LGU Kabacan na palakasin ang kalusugan ng bawat isa sa pamamagitan ng ehersisyo at pagsasayaw ng Zumba.

Mga kumuha ng business permit sa Kabacan nasa 60%

(Kabacan, North Cotabato/ January 31, 2014) ---Pormal ng nagtapos kahapon ang Business One Stop Shop na programa ng LGU Kabacan para mapadali ang pagkuha ng business permit ng mga negosyante sa bayan.

Ito ayon kay Business Permit Licensing Head Cecilia Facurib kungsaan nasa 60 porsiento pa lamang ang mga naka-renew at nakakuha ng bagong business permit.

Misis at kalaguyo na Barangay Kagawad, huli ni Mister sa loob ng mismong bahay nila

(Matalam, North Cotabato/ January 31, 2014) ---Dumulog na lamang sa himpilan ng Pulisya ang mister matapos na tutukan ito ng baril ng kalaguyo ng misis sa Purok 3, Barangay Salvacion, Matalam, North Cotabato.

Batay sa report ng Matalam PNP, pwersahan umanong pinasok ni Guillermo Shabok ang bahay nila matapos na nagtaka itong nakasarado ito kahit tanghali.