Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Misis kinatay, kinain ng mister, 3 anak

(Maguindanao/ February 4, 2014) ---Kinatay muna bago kinain ang 55-anyos na misis ng kanyang mister at tatlong anak nito sa liblib na bahagi ng Barangay Kamasi sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao noong Sabado.

Sa naantalang ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Muzala Pinagayaw Amil ng Purok Maligaya, Barangay Kamasi sa nasabing bayan.
Samantala sa follow-up operation ng pulisya nasakote ang mga suspek na sina Biro Amil, mister ng biktima; Aladdin Amil, Paroy Amil, 21; at si Ebrahim Amil, 18.

Ayon kay Barangay Chairwoman Zoraida Mamaluba, dinala ng mga suspek ang biktima sa kanilang lumang bahay para gamutin ng albularyo nitong anak makaraang saniban umano ng masamang espiritu.

Ayon pa kay Mamaluba, may nakakitang mga kapitbahay na sinunog umano ang katawan ng biktima gamit ang maiinit na kutsara at hiniwa-hiwa ang balat nito ng kanyang mga anak at mister.
Inihayag pa ng isang alyas Arlyn (itinago lang ang pangalan para sa kanyang seguridad) na naririnig nito na naghahalakhakan pa ang mga suspek habang ginagawa nila ang ritwal.

Gayon pa man, nang silipin ni Arlyn ang kinaroroonan ng mga suspek ay bumulaga sa kanya na kinakain ang hiniwang katawan ng biktima at sinipsip ang dugo nito.

Nabatid pa na nawawala rin ang lamanloob ng biktima na natuyuan na ng dugo bukod pa sa dinukot ang mga mata, tinapyas na suso na tinadtad pa ang katawan na mistulang hayop.

Dagdag pa ni Mamaluba na may mga umuugong na balita na ang mga suspek ay matagal ng binabansagang aswang sa kanilang barangay.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ni P/Inspector Ro­nald De Leon ang karumal-dumal na krimen.

Sinabi pa ni de Leon na hindi kaagad napaulat sa pulisya ang krimen dahil masyadong liblib at may kalayuan ang pinangyarihan nito. Rhoderick Beñez PSN



0 comments:

Mag-post ng isang Komento