(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2014) ---Dalawa katao ang iniulat na nasugatan makaraang pinasabog ang suspected Improvised Explosive Device o IED sa may National Highway, partikular sa Rizal St., Poblacon, Kabacan, North Cotabato alas 8:00 kagabi.
Kinilala ni Health Emergency Management Staff Honey Joy Cabellon ang mga sugatan na sina Gil John Pamoleras Langrio, 16, helper ng Mabros Trucking at residente ng Ulamian, Libungan na nagtamo ng sugat sa kanang bahagi ng kanyang binti.
Samantala, kinilala naman ang isa pang sugatan na si Rico Alipante Salve, 29, guard on duty sa Sugni Superstore at residente ng Roxas St., Poblacion ng bayang ito.
Kapwa isinugod ang dalawa sa Kabacan Medical Specialist para mabigyan ng medikal na atensiyon.
Si Salve ay nakalabas nang ospital kagabi habang patuloy namang ginagamot ang siang menor de edad matapos na tamaan ng malakas na pagsabog.
Ang tulong medikal ay agad namang ipinaabot ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., batay sa kanyang deriktiba kay LGU Mayor’s staff Junmar Gonzales.
Samantala, hindi pa matukoy ng mga otoridad kung anung uri ng bomba ang pinasabog ng Explosive Ordnance Disposal Team o EOD makaraang makita ito sa taas ng LPG Tank dealer na pag-mamay-ari ni Ferdie Mar Balungay.
Agad namang kinordon kagabi ang nasabing lugar matapos na makita ang suspected IED sa nasabing tindahan.
Bandang alas 9:00 kagabi ng pinasabog ng EOD team ng PNP at ng militar ang nasabing suspected ied.
Dahil sa malapit sa tangke ang pinangyarihan ng pagsabog naglikha ito ng sunog at natupok ang LPG tank store.
Mabilis namang rumesponde ang Kabacan Bureau of fire Protection sa pamumuno ni Fire Senior Insp. Ibrahim Guiamalon kasama ang Volunteer Fire Truck ng USM kaya agad naapula ang nasabing sunog.
Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ngayon ng mga otoridad upang alamin kung anung uri ng pampasabog ang nakita. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento