Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kriminalidad sa Kabacan, spill over ng mataas na kaso ng krimen sa Maguindanao - PNP

(Kabacan, North Cotabato/ February 6, 2014) ---Aminado si Cotabato Police Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta na sa kabila ng crime program nila, mataas pa rin ang kaso ng kriminalidad sa bayan ng Kabacan.

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa DXVL News kahapon matapos ang ginawang Provincial Peace and Order Council Meeting sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.


Aniya, dahil sa malapit sa Maguindanao ang Kabacan naging spill over ito ng mataas na krimen sa nasabing lalawigan.

Kaugnay nito, inirekomenda ng Police Provincial Director ang paglalagay ng dagdag na pwersa ng kapulisan, pag-activate ng Barangay Peace Keeping Action Team at ang paglalagay ng mga CAFGU sa lugar.

Ilan lamanag ito sa mga inilatag na rekomendasyon para kung di man tuluyang matuldukan ay maibsan lamang ang mataas na kriminaladad sa bayan.

Samantala sa kabuuan, sinabi ni Peralta na naging maayos at mapayapa naman sa pangkalahatan ang buong lalawigan ng North Cotabato sa huling quarter ng taong 2013.

Sa labing walong bayan kabilang na ang lungsod ng Kidapawan, may mga ilang munisipyo ang mataas ang kriminalidad at aminado itong di talaga ito maiiwasan.

Sinabi pa nito na nakapagtala sila ng mataas na kaso ng crime against property sa huling buwan ng taong 2013.


Ilan lamang ito sa kanilang napag-usapan ng PPOC kahapon, na dinaluhan ng mga chief of police ng bawat bayan at ilang mga opisyal ng probinsiya na pinangunhan ni Cotabato Gov. Emmylou Lala Talino Mendoza. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento