Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Gun Safety and Responsible Gun Ownership Seminar ng Kabacan PNP at LGU Kabacan, isasagawa sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ June 12, 2015) ---Isinagawa ang Gun Safety and Responsible Gun Ownership Seminar ng Kabacan PNP at LGU Kabacan sa Municipal Gym ngayong araw. Ayon kay PSI Ronnie Cordero sa panayam ng DXVL News, tinatayang nasa humigit 100 na mga partisipante mula sa sa mga BPAT at mga gun owner sa bayan ang dadalo sa nasabing aktibidad. Inaasahang dadalo sa nasabing aktibidad sina ABC President Ramundo Gracia, Vice Mayor Myra Dulay...

Kabacan LGU at USM, naki-isa ngayong araw sa pagdiriwang ng ika-117 taong anibersaryo ng ‘Araw ng Kalayaan’

(Kabacan, North Cotabato/ June 12, 2015) ---Kasabay ng pagdiriwang ng bansa ngayong ‘Araw ng Kalayaan’ ay nakikisa rin ang Pamahalaang Lokal at ang University of Southern Mindanao. Isinasagawa ngayon ang aktibidad sa Municipal Plaza na sinimulan alas 6:00 ng umaga kanina. Pangungunahan naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang nasabing aktibidad kasama ang mga lokal na opisyal ng bayan at mga kawani ng munisipyo at ilang mga empleyado...

Phivolcs Kidapawan, patuloy na pinag-aralan ang fault system sa probinsiya

(Kidapawan City/ June 11, 2015) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang pagsisiyasat ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology o Phivolcs-Kidapawan hinggil sa mga fault system sa probinsiya. Ito ang sinabi sa DXVL News ni Engr. Hermes Daquipa ng Phivolcs-Kidapawan matapos ang isinagawa nilang preliminary study sa sinasabing bagong fault line na nadiskubre nila matapos ang nangyaring lindol noong October 22 at September 20 ng nakaraang...

15 kaso ng dengue naitala ng RHU Kabacan sa buwan ng Mayo

(Kabacan, North Cotabato/ June 11, 2015) ---Nakapagtala ng 15 kaso ng sakit na dengue ang RHU Kabacan nitong nakaraang buwan ng Mayo taong kasalukuyan. Ayon kay RHU Kabacan Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon sa panayam ng DXVL News Team, mas mataas ito ng tatlong beses kung ikukumpara sa kanilang naitalang kaso noong buwan ng Abril. Anya, karamihan sa mga nagkakasakit ng dengue ay mga kalalakihan na edad 11 hanggang 20-any...

Kabacan PNP: motorista, mag-ingat sa pagmamaneho

(Kabacan, North Cotabato/ June 11, 2015) ---Muling nagpaalala ang Kabacan PNP sa mga motorista sa bayan na maghinayhinay sa pagpapatakbo sa mga matataong lugar matapos ang naitalang vehicular accident sa USM Avenue als 11:45 ng umaga kahapon. Ayon sa report ng Kabacan PNP Traffic Division, minamaneho umano ng isang Remalyn Gapasin, 27 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Poblacion, Kabacan ang kanyang Suzuki na motorsiklo, kulay itim, may...

Maliban sa Luya, Presyo ng kamatis sa pamilihang bayan ng Kabacan, tumaas din

(Kabacan, North Cotabato/ June 11, 2015) ---Sumipa ng halos P10 ang presyo ng kamatis sa Kabacan Public Market simula kahapon. Ito ayon kay Ginang Lolita Flores, isa sa mga tinder ng gulayan sa Kabacan Public Market sa panayam ng DXVL News team. Anya, mula sa P40 ay mabibili na sa P50 ang kamatis kada kil...

Sekyu, sugatan sa panibagong insidente ng pamamaril sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ June 11, 2015) ---Kasalukuyan ngayong nagpapagaling sa isang bahay pagamutan ang isang security guard matapos pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa Public Market ng bayan ng Pikit, Cotabato akas 6:45 ng umaga kahapon. Kinilala ni PI Sindatu Karim ang biktima na isang Jesilito Yakap, 28 anyos, isang Security Guard sa isang business establishment sa bayan. Sa inisyal na imbestigasyon, namamalengke lamang umano sa...

Mahigit 60 na mga magsasaka sa North Cotabato, benepisyaryo ng Animal Dispersal ng OPVet

(North Cotabato/ June 11, 2015) ---Nasa 69 na mga magsasaka mula sa mga bayan ng Arakan, Antipas at Pres. Roxas sa North Cotabatol nagging benepisyaryo ng mga livestock mula sa Animal Dispersal Program ng Office of the Provincial Veterinarian o OPVet. Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Rufino Sorupia, abot sa sampung mga benepisyaryo ang nakatanggap ng alagang baboy, 20 ang tumanggap ng 52 kambing at 34 naman na mga baka ang naipamahagi sa...

Notoryos na tulak droga sa Kidapawan city, timbog!

(Kidapawan city/ June 11, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang isang pinaniniwalaang bigtime illegal drug courier sa isinagawang drug buy bust operation sa Kidapawan City, Martes ng gabi. Batay sa report, matapos tanggapin ng suspek na si Erlindo Chio, Plaridel St., Kidapawan City ang marked money mula sa PDEA agent hindi na nakapalag pa ang suspek ng agad na hulihin ng mga otorida...

OPA Namahagi ng Fertilizer sa mga Magsasaka

(Amas, Kidapawan city/ June 11, 2015) ---Upang madagdagan ang ani ng mga magsasaka ng palay at isulong ang rice self-sufficeincy, namahagi kamakailan ng fertilizer ang Office of the Provincial Agriculturist para sa mga rice farmers.  Nagmula ang pondo ng programa sa Department of Agriculture 2013 Agri-Pinoy Rice Achievers Award na iginawad sa lalawigan bilang isa sa top ten producers ng palay sa buong bansa.            Ang aktibidad...

Graduate ng USM, Top 3 sa katatapos na Agriculturist Licensure Examination

(USM, Kabacan, North Cotabato/ June 11, 2015) ---Muling pinatunayan ng University of Southern Mindanao na patuloy pa rin na mataas ang kalidad ng edukasyon ng pamantasan matapos na makuha ng unibersidad ang top 3 sa katatapos na June 2015 Agriculturist Licensure Examination. Ito ay sa katauhan ni Bernadith Tartado Borja na nakakuha ng 85.50%. Batay sa inilabas ng Professional Regulation Commission nakuha ng Don Mariano Marcos Memorial State...

Brgy. Pisan nagdiriwang ng ika 63rd Foundation Anniversary

(Kabacan, North Cotabato/ June 10, 2015) ---Ipinagdiriwang ng Barangay Pisan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato ang kanilang ika-63 taong pagkakatatag ngayong araw. Pinangunahan naman ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr., ang anniversary program kaninang umaga kasama ang punong barangay na si Kapitan Nestor Rana...

USM Pres. Garcia, hinimok ang Research Team ng Pamantasan na magsaliksik batay sa pangangailangan ng industriya

Photo from FB of  Dr. Josephine Migalbin (USM, Kabacan, North Cotabato/ June 10, 2015) ---Hinimok ngayon ni USM President Dr. Francisco Gil Garcia ang research team ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao na gumawa ng mga pananaliksik na nakabatay sa pangangailangan ng industriya. Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang regular na programang ‘Unibersidad Serbisyo at Mamamayan’ o USM sa DXVL KOOL FM nitong Sabado. Matapos ang pagbisita...

IED natagpuan sa isang farm lot sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North Cotabato/ June 9, 2015) ---Isang improvised explosive device o IED ang natagpuan sa bakanteng farm lot ni dating Board Member Celestino Rapacon Jr. sa Purok Lomboy, Brgy. New Leon, Aleosan, North Cotabato 2:30 kamakalawa ng hapon. Sa panayam ng DXVL news kay PSI Arnel Melocotenes, hepe ng Aleosan PNP, inihayag nitong ang naturang IED ay nakalagay sa loob ng isang upuan ng motorsiklo na gawa sa GI plain shee...

Personal Grudge, nakikitang dahilan sa pagpatay sa magsasaka sa Pres. Roxas, North Cotabato

(Pres. Roxas, North Cotabato/ June 9, 2015) ---Patay sa panibagong insidente ng pamamaril ang sinasabing dating kasapi ng New People’s Army o NPA sa naganap na pamamaril  sa Purok 3, Brgy. Labu-o, Pres. Roxas, North Cotabato mag-aalas 6:00 ng gabi nitong Sabado. Sa panayam ng DXVL News kay PSI Romy Castañeres, hepe ng Pres. Roxas PNP kinilala nito ang biktima na si Larry Embac, 49-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing l...

EXCLUSIVE Featured Story: DALAWANG KABATAANG KABAKEÑOS, PASOK SA SCHOOL OF PEACE 2015 SA DARATING NA AGOSTO SA BANSANG CAMBODIA

Ms. A-Esha Afdal Ampatuan Rene M. Bunduzan (Kabacan, North Cotabato/ June 8, 2015)----Kompirmadong pasok na sina Ms. A-Esha Afdal Ampatuan ng Barangay Poblacion at Mr. Rene M. Bunduzan ng Barangay Tamped sa School of Peace 2015 na gaganapin sa Agosto ng taong kasalukuyan sa Siem Reap, Cambodia.  Sa ipinadalang acceptance letter ni Mr. Max Ediger, ang coordinator ng Interfaith Cooperation Forum sa dalawang partisipante noong Hunyo a singko,...

Mayor Guzman sinagot ang reklamo sa panghaharass ng kanyang tauhan sa isang tindera sa Kabacan Public Market

Mayor Herlo P. Guzman Jr. Vendor at Aglipay St. (Kabacan, North Cotabato/ June 8, 2015) ---Nagpa-abot ng reklamo ang isang tindera sa pamamagitan ng sulat  hinggil sa pag-haharass umano ng isang gwardya sa Aglipay Street, Kabacan, Cotabato. Inihayag ng ginang sa kanyang sulat na hinaras umano sila ng gwardya na nag-ngangalang Enteng Omagap dun sa kanilang mga pwesto sa Aglipay Street. Pina abot din ng Ginang sa sulat...

Mahigit P20K, naitalang danyos sa nangyaring sunog sa isang mini-store sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ June 8, 2015) ---Panibagong insidente ng sunog ang naitala sa bayan ng Kabacan noong Biyernes, Hulyo a-5, 10:15 ng gabi. Ayon sa report ng BFP Kabacan sa pangunguna ni FSI Ibrahim Guiamelon, nasunog ang Estornines Mini Store sa Purok 4, Brgy.Osias, Kabacan, Cotabato na pagmamay-ari ni Mrs. Licel B. Estornines....

Tulak droga, tiklo ng Matalam PNP

(Matalam, North Cotabato/ June 8, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng isang 27-anyos na sinasabing tulak droga makaraang mahulihan ng shabu sa inilatag na kampayan ng Matalam PNP laban sa illegal na droga sa Poblacion, Matalam, North Cotabato alas 5:20 ng hapon noong Biyernes. Kinilala ni SPO4 Froilan Gravidez ng Matalam PNP ang suspek na si Ernesto John Suenan, 27-anyos, residente ng Bonifacio Street, Poblacion, Matalam, North Cotabat...

Sisterhood or Twinning Relationship ng bayan ng Kabacan sa Mandaue City, Cebu, aprubado na

(Kabacan, North Cotabato/ June 7, 2015) ---Aprubado na ng Sangguniang Panglungsod ng Mandaue City, Cebu ang Resolution #13-176-2015 na nagpapahintulot na sumailalim sa Sisterhood or Twinning Relationship ang bayan ng Kabacan mula sa kanilang lungsod. Ayon kay LGU Kabacan Administrative Officer Cecilia Facurib sa panayam ng DXVL News, malaking tulong umano ito sa bayan ng Kabacan at sa Lungsod ng Mandaue sapagkat maari nang kopyahin o iadopt ang kanikanilang...

Magsasaka, itinumba ng NPA rebels

(Pres. Roxas, North Cotabato/ June 8, 2015) ---Patay sa panibagong insidente ng pamamaril ang sinasabing dating kasapi ng New People’s Army o NPA sa naganap na pamamaril  sa Purok 3, Brgy. Labu-o, Pres. Roxas, North Cotabato mag-aalas 6:00 ng gabi nitong Sabado. Sa report na nakarating kay PSI Romy Castañeres, hepe ng Pres. Roxas PNP kinilala nito ang biktima na si Larry Embac, 49-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing lugar. Lumalabas...

Bangkay na palutang-lutang sa Kabacan river, kinilala na!

Photo by: PI Arvin John Cambang (Kabacan, North Cotabato/ June 8, 2015) ---Kinilala na ng Kabacan PNP ang bangkay na nakitang palutang-lutang sa Kabacan river sa bahagi ng Sitio Lumayong, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato noong Biyernes Hunyo 5, alas 7:00 ng umaga. Sa panayam ng DXVL news kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP, kinilala nito ang biktima na si Jackson Mangkong Salvador, 29 anyos, binata at residente ng Tandang Sora Street,...

Infrastructure projects ipinagkaloob ng PGCot sa apat na mga barangay

AMAS, Kidapawan City (June 6) – Apat na makabuluhang proyekto ang ipinagkaloob ng Provincial Government of Cotabato sa apat na mga barangay sa serye ng turnover ceremony na pinangunahan ni Cot Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza, kahapon June 6, 2015. Ito ay kinabibilangan ng 1 unit single storey Barangay Health Station sa Barangay Batasan, Makilala na nagkakahalaga ng P1M kung saan ang pondo ay nagmula sa share ng Provincial Government of Cotabato...