Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

IED natagpuan sa isang farm lot sa Aleosan, North Cotabato

(Aleosan, North Cotabato/ June 9, 2015) ---Isang improvised explosive device o IED ang natagpuan sa bakanteng farm lot ni dating Board Member Celestino Rapacon Jr. sa Purok Lomboy, Brgy. New Leon, Aleosan, North Cotabato 2:30 kamakalawa ng hapon.

Sa panayam ng DXVL news kay PSI Arnel Melocotenes, hepe ng Aleosan PNP, inihayag nitong ang naturang IED ay nakalagay sa loob ng isang upuan ng motorsiklo na gawa sa GI plain sheet.


Ipinaliwanag din ng opisyal na sa pagsisiyasat ng 302nd EOD team sa pangunguna ni SSG Alfredo Daquil Jr. na naka base sa Midsayap ay nakakuha sila ng 4 pieces ng 60 MM mortar na may detonating cord,improvised explosive blasting cup, cast TNT steels balls, bolts at nuts.

Dagdag pa ng opisyal na wala umanong triggering device ang naturang suspected IED.

Samantala dalawa ang tinitingnang anggulo ng Aleosan PNP sa motibo ng pagkaka rekober ng IED.


Hindi naman kinompirma ni PSI Melocotones ang report na may pagawaan umano ng IED ang kanyang nasasakupang lugar. Aniya, patuloy pa nilang biniberipika ang naturang report. Ma. Christine Limos

0 comments:

Mag-post ng isang Komento