(Kidapawan city/ June 11, 2015) ---Bumagsak
sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang
isang pinaniniwalaang bigtime illegal drug courier sa isinagawang drug buy bust
operation sa Kidapawan City, Martes ng gabi.
Batay sa report, matapos tanggapin ng suspek
na si Erlindo Chio, Plaridel St., Kidapawan City ang marked money mula sa PDEA
agent hindi na nakapalag pa ang suspek ng agad na hulihin ng mga otoridad.
Narekober mula sa kanyang bulsa ang isang
malaking sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.
Abot sa P35,000 ang market value ng nasabing
illegal na droga.
Sa ngayon, kakaharapin ng suspek ang kasong
paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento