Photo from FB of Dr. Josephine Migalbin |
(USM, Kabacan, North Cotabato/ June
10, 2015) ---Hinimok ngayon ni USM President Dr. Francisco Gil Garcia ang
research team ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao na gumawa ng mga
pananaliksik na nakabatay sa pangangailangan ng industriya.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa
kanyang regular na programang ‘Unibersidad Serbisyo at Mamamayan’ o USM sa DXVL
KOOL FM nitong Sabado.
Matapos ang pagbisita nito kamakailan
sa University of California, Davis, USA makaraang lumagda ito sa isang
Memorandum of Understanding o MOU sa pagitan ng nasabing paaralan sa katauhan
ni Dr. Ralph Hexter at ng Pangulo ng University of Southern Mindanao.
Dahil dito, planu ngayon ng Pangulo
na makipagpulong sa mga industriya na nangangailangan ng mga research upang
makalatag ng pagsisiyasat ang Unibersidad sa mga dapat saliksikin ng research
team ng USM.
Inatasan na rin nito si Dr. Consuelo
Tagaro, Alumni Regent ng USM na hanapin ang mga alumni ng USM na may kakayanan
sa buhay na posibleng makatulong sa nasabing Gawain na palaguin hindi lamang
ang sa larangan ng research bagkus sa buong USM.
Kasama ni Pres. Garcia sina Dr. Emma
Sales, Dr. Josephine Migalbin at Dr. Lorna Valdez sa pagpunta sa University of
California, Davies na sinasabing number 1 sa QS-rating, na nagtutukoy sa ranggo
ng isang unibersidad sa buong mundo, ayon sa Pangulo.
Samantala, pwede rin makapag-refer si
Pres. Garcia ng mga mag-aaral ng USM na gustong pumunta at mag sit-in sa
kanilang klase sa loob ng anim na buwan sa UC Davies sa pamamagitan ng pagsulat
naman ng prof. nila doon, batay sa nai-refer ng USM na estudyante mula rito. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento