Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Tourist attraction Asik-asik Falls, ipinasara pansamantala para sa mga turista dahil sa outbreak

(Alamada, North Cotabato/ May 16, 2014) ----Pansamantala munang isinara sa mga turista ang pamosong Asik-asik Falls matapos na pumutok ang outbreak na nag-iwan ng walo katao ang patay habang 601 ang naapektuhan buhat sa tatlong mga barangay ng Alamada, North Cotabato.

Ito ang inihayag ni Melissa Bagsican, municipal information officer na temporary munang isinara sa mga dumadayong turista sa lugar ang asik-asik falls hanggat di pa na-ideklara ng mga health officials na outbreak free ang lugar.

Kahapon, may inilabas ng resulta, pero tumanggi ihayag ito sa DXVL News ng ilang mga doktor na nakapanayam.

PRTC Manager, umaasa na marami ang magpapasuri ng goma sa bagong pasilidad ng center

(USM, Kabacan, North Cotabato/ May 16, 2014) ---Umaasa ngayon ang pamunuan ng Philippine Rubber Testing Center o PRTC sa University of Southern Mindanao na marami sa mga processors ng goma ang magpapasuri sa PRTC na nasa USMARC ng USM Main campus matapos na nabigyan ng state of the art na mga equipment ang center.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PRTC Quality Manager Prof. Stella Ocreto upang matiyak din ng mga nag-poproduce ng goma na kalidad ang kanilang produkto sa pamamagitan ng pagsusuri sa nasabing laboratory.

Mga naapektuhan sa diarrhea outbreak sa bayan ng Alamada, sumampa na sa 601; tulong na tubig at iba pang assistance bumuhos

(Alamada, North Cotabato/ May 16, 2014) ---Pumalo na ngayon sa 601 ang kabuuan ng mga naapektuhan sa nangyaring diarrhea outbreak sa bayan ng Alamada kungsaan walo ang naiulat na nasawi habang 207 ang patuloy na ginagamot ngayon sa ospital.

Ito ayon kay Alamada Municipal administrator Ruben Cadava sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Batay sa pinakahuling datos ng opisyal, 67 naman sa nasabing mga pasyente ay nakarekober na mula sa pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka.

Mababang Kalidad ng goma, itinuturong dahilan ng mababang presyo nito

(Kabacan, North Cotabato/ May 15, 2014) ---Aminado si Board Member Loreto Cabaya ang may hawak ng Committee on Agriculture sa Sangguniang Panlalawigan na ang mababang kalidad ng goma ang isa sa mga dahilan kung bakit mababa ang presyo ng bilihan nito.

Ito ang sinabi sa DXVL News ng lokal na mambabatas matapos na inirereklamo din ito ng mga magsasaka ng rubber sa probinsiya.

P2.5M na equipment para sa USM-Philippine Rubber Testing Center; itinurn-over ng DTI 12

(USM, Kabacan, North Cotabato/ May 14, 2014) ---Abot sa P2.5Milyong piso na halaga ng mga pasilidad ang nilagdaan sa isinagawang Acknowledgement Receipt of the Equipment o ARE sa launching of Shared Service Facility na isinagawa sa Crops Science Research Building, USMARC, USM, Kabacan, Cotabato kahapon ng umaga.  

Ayon kay Commission on Audit State Auditor Ma. Corazon Mukthar na ang nasabing mga gamit ay hindi pa pormal na pag-aari ng USM-Philippine Rubber Testing Center dahil sasailalim pa sa ebalwasyon ang mga equipment at ibabatay doon ang pormal na pag-turn-over kung paanu iningatan ito ng Center.

(Update 3) Diarrhea Outbreak: 8 patay kasama na ang 4 na buwang sanggol habang 105 ang na ospital sa Alamada, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ May 13, 2014) ---Walo katao ang naiulat na nasawi habang mahigit sa isang daan na ang na ospital sa diarrhea outbreak sa apat na barangay ng Alamada, North Cotabato.

Sa report ni Municipal Administrator Ruben Cadava ng Pamahalaang lokal ng Alamada kinilala ang mga nasawi na sina Kasay Catahom, 50-anyos, brgy. Dado; Pandoy Penil, 8-anyos; Marilyn Pangantion, 4-anyos; Sitio Bakong, brgy. Dado; Alias Kirat, 5-anyos ng Sitio Palipayen, Brgy. Dado;

(Update) Diarrhea outbreak: 7 patay, mahigit 70 na ospital

(Alamada, North Cotabato/ May 13, 2014) ---Pito katao ang naiulat na nasawi habang mahigit sa pitumpu ang na ospital sa diarrhea outbreak sa apat na barangay ng Alamada, North Cotabato.

Sa report ni Municipal Administrator Ruben Cadava ng Pamahalaang lokal ng Alamada kinilala ang mga nasawi na sina Kasay Catahom, 50-anyos, brgy. Dado; Pandoy Penil, 8-anyos; Marilyn

2 Sundalo, patay sa pagsabog ng IED

(Datu Unsay, Maguindanao/ May 13, 2014) ---Dalawang sundalo ang patay habang apat na iba pa ang nasugatan matapos pasabugan ng Improvised Explosive Device o IED at tambangan ang military convoy mismong ni Philippine Army's 1st Mechanized Brigade Commanding Officer Col. Gener del Rosario pasado alas 10:00 ng umaga kahapon sa National highway, sakop ng Barangay Meta, Datu Unsay, Maguindanao.

Ayon kay Philippine Army's 45th Infantry Battalion Commanding Officer Col. Donald Hungitan, nanggaling ng 1st Mechanized Brigade Headquarters, sa Sharif Aguak ang convoy ni Col. del Rosario at papunta sana sa isang conference sa 6th Infantry Division Headquarters, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nang biglang sumabog ang dalawang IED sa tabi ng national highway.

Pagsabog sa Pikit, North Cotabato, posibleng may kinalaman sa pagkaka-aresto ng most wanted sa lugar

(Pikit, North Cotabato/ May 13, 2014) ---Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Pikit PNP para matukoy kung anu ang motibo sa nangyaring sunod-sunod na pagsabog ng Improvised Explosive Device o IED sa National Highway ng Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato kahapon ng umaga.

Malaki ang paniniwala ni PInsp. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit PNP na walang intensiyon na mag-iwan ng casualties sa mga tao ang nangyaring pagpapasabog.

BIFF, pinabulaanan na sila ang responsable sa mga pagsabog sa North Cotabato at Maguindanao

Mariing pinabulaanan ni BIFM Spokesman Abu Misry Mama ang paratang na sila ang may kagagawan ng mga pagsabog sa lalawigan ng North Cotabato at Maguindanao.

Unang sumabog ang isang IED na gawa sa bala ng 60 mm mortar sa National Highway ng Brgy Poblacion Pikit North Cotabato dakong alas 6:30 kahapon ng umaga.

BREAKING NEWS: 4 patay; 69 na ospital sa diarrhea outbreak sa Alamada, North Coatabato

(Alamada, North Cotabato/ May 13, 2014) ---Apat ang naiulat na nasawi habang 69 ang kumpirmadong nasa bahay pagamutan ng Alamada, North Cotabato sa nangyaring diarrhea outbreak sa dalawang barangay.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni PCInps. Joefrey Todeno, hepe ng Alamada PNP.

Illegal na sugal na last two; talamak din sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ May 13, 2014) ---Sa kabila ng sunod-sunod na panghuhuli ng mga otoridad ng mga nagpapataya ng illegal number games na mas kilala sa tawag na last two, marami pa rin ang gumagawa nito hayagan man o patago.

Ito makaraang masampulan na naman ang dalawang dalaga makaraang maaresto dahil sa pagpapataya ng last two sa magkahiwalay na operasyon ng Kidapawan City PNP kahapon.

65-anyos na Mister, patay sa sunog sa Libungan, North Cotabato

(Libungan, North Cotabato/ May 13, 2014) ---Pinaniniwalaang inatake ng kanyang sakit na epilepsy ang isang 65-anyos na mister kaya hindi ito nakaligtas ng mangyari ang sunog sa kanilang tinitirhan sa barangay Cabaruyan, Libungan, North Cotabato.

Sa ulat ni Punong Barangay Captain Joridine Bonao kinilala ang biktima na si Antonio Maglasang, 65-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Bata sugatan matapos mabundol ng tricycle sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ May 13, 2014) ---Sugatan ang isang apat na taong gulang na bata makaraang aksidenteng mabundol ng tricycle sa Mega Market ng Kidapawan kahapon.

Kinilala ni Supt. Leo Ajero, hepe ng Kidapawan City PNP ang biktima na si Jonathan Ongpin Kawaladang Jr., 4 na taong gulang at residente ng Bangsamoro Village Kidapawan City.

Most wanted na timbog ng Pikit PNP; inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest

(Pikit, North Cotabato/ May 13, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang pinaniniwalaang most wanted sa bayan ng Pikit makaraang maaresto sa Brgy. Fort Pikit, Cotabato alas 4:00 ng hapon nitong lingo.

Kinilala ni PInsp. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit PNP ang suspek na si Abdulrashid Simpal Bantuan, 51-anyos at residente ng brgy. Talitay sa nasabing bayan.

Flash Report: IED sumabog sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ May 12, 2014) ---Ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Pikit, North Cotabato alas 6:30 ngayong umaga lamang.

Sa report ni DXVL News Correspondent Nhor Gayak, nangyari ang pagsabog sa National highway ng Brgy. Batulawan sa nasabing bayan.

Limang pulis ang muntik ng masabugan sana ng rumesponde ang mga ito nang maiulat na may natagpuang IED sa damuhang bahagi sa gilid ng Highway.

2 huli sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal na sugal sa Matalam, NCot!

(Matalam, North Cotabato/ May 12, 2014) ---Dalawa katao ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng Matalam PNP kontra illegal na sugal sa bayan.

Kinilala ni PCI Elias Diosma Coloni, hepe ng Matalam PNP ang mga natiklo na sina Johnlyn Juanico, 22-anyos, residente ng Dalapitan, Matalam habnag kinilala naman ang isa pa na si Warlito Takas Sebu, binata at residente ng Malita, Davao del sur.

Matalam PNP, nagsagawa ng pulong-pulong sa mga barangay hinggil sa Anti-Criminality campaign

(Matalam, North Cotabato/ May 12, 2014) ---Mas pinaigting rin ngayon ng Matalam PNP ang kanilang kampanya hinggil sa paglaban sa anumang kriminalidad sa bayan ng Matalam.

Ito matapos na nagsagawa ng pulong-pulongang mga personnel ng Matalam PNP sa pamumuno ni PCI Elias Diosma Colonio bilang bahagi ng kanilang anti-criminality plan.

North Cotabato Tourism Press Corps (NCTPC), binuo

Written by: Rhoderick Beñez

(Kidapawan City/ May 12, 2014) ---Sa kauna-unahang pagkakataon ay nabuo ang North Cotabato Tourism Press Corps sa ginanap na pagpupulong ng mga mamamahayag sa Aj Hi-Time Hotel sa Kidapawan City noong Biyernes.

Laking pasasalamat naman ni Department of Tourism Regional Director Nelly Dillera sa mga media ng North cotabato dahil kauna-unahan ito sa Rehiyon dose.

Sa kanyang mensahe, sinabi nitong malaking tulong ang mga mamamahayag sa pagpapakalap ng magagandang impormasyon hinggil sa turismo ng Socsargen Region.

Magsasaka, patay matapos pagbabarilin sa Tulunan, North Cotabato

(Tulunan, North Cotabato/ May 12, 2014) ---Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang magsasaka makaraang sumiklab ang krimen sa may brgy. Popoyon, Tulunan, North Cotabato alas 2:00 ng hapon nitong Sabado.

Sa report ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP kinilala ang biktima na si Pacifico Tapulgo, nasa tamang edad, magsasaka, may asawa at residente ng Purok 4, Poblacion ng nasabing bayan.

Last two usher, arestado ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ May 12, 2014) ---Huli ng mga operatiba ng Kabacan PNP ang isang 28-anyos na last two usher sa nagpapatuloy na kampanya ng mga otoridad kontra illegal na sugal sa bayan ng Kabacan.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Jerwin Pipino Besidas, 28-anyos at residente ng brgy. Osias, Kabacan, Cotabato.

National Fact-Finding Mission, inilunsad ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ May 12, 2014) ---Inilunsad ng Karapatan, grupo ng isang Human Rights ang National Fact-Finding Mission ngayong araw.

Ang nasabing aktibidad ay nilahokan ng ilang mga religious sectors, academe, civil society organizations at ilang mga progressive partylist groups sa buong bansa.