Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Matalam PNP, nagsagawa ng pulong-pulong sa mga barangay hinggil sa Anti-Criminality campaign

(Matalam, North Cotabato/ May 12, 2014) ---Mas pinaigting rin ngayon ng Matalam PNP ang kanilang kampanya hinggil sa paglaban sa anumang kriminalidad sa bayan ng Matalam.

Ito matapos na nagsagawa ng pulong-pulongang mga personnel ng Matalam PNP sa pamumuno ni PCI Elias Diosma Colonio bilang bahagi ng kanilang anti-criminality plan.


Isinagawa ang nasabing aktibidad sa Purok Krislam, Poblacion, Matalam, North Cotabato nitong Sabado ng umaga.

Ang programa ay pinangunahan ni PI Sindato Karim, ang Deputy Chief of Police ng Matalam PNP kungsaan dumalo din dito ang lider ng MILF na si Ustadz Alimodin Omar ng 5th Brigade Commander ng 108 Based Command, Datu Alex Ambel ng MNLF na nakabase sa Brgy. Kilada ng nasabing bayan, mga opisyales ng Brgy. Poblacion at daan-daang mga residente nito.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP na ang partisipasyon ng taong bayan at mga residente sa lugar ay malaking tulong para masawata ang anumang kriminalidad sa lugar.

Hinikaya’t din nito ang mga mamamayan na suportahan ang peace and order sa lugar upang mabuwag itong mga modus operandi ng mga agaw motorsiklo, carnapping bukod pa sa problema sa illegal na droga sa bayan ng Matalam. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento