Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

BIFF, pinabulaanan na sila ang responsable sa mga pagsabog sa North Cotabato at Maguindanao

Mariing pinabulaanan ni BIFM Spokesman Abu Misry Mama ang paratang na sila ang may kagagawan ng mga pagsabog sa lalawigan ng North Cotabato at Maguindanao.

Unang sumabog ang isang IED na gawa sa bala ng 60 mm mortar sa National Highway ng Brgy Poblacion Pikit North Cotabato dakong alas 6:30 kahapon ng umaga.

Agad nagresponde ang mga pulis at 7th Infantry Battalion Phil.Army,kung saan muntik na itong tamaan sa pangalawang pagsabog malapit lamang sa unang pumutok na IED.

Nang usisain ng mga tauhan ng Explosive Ordnance Disposal Team ng Phil.Army ang nasabing lugar natagpuan nito ang pangatlong IED sa harapan ng hindi pa natapos na Municipal Gym sa bayan ng Pikit at kusa nilang pinasabog.

Walang naiulat na nasugatan sa tatlong magkasunod na pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.

Naantala rin ang daloy na trapiko dahil isinara muna sa publiko ang National Highway sa bayan ng Pikit para sa seguridad ng mga sibilyan.

Matatandaan na noong nakalipas na araw sunod-sunod na pagsabog rin ang naganap sa Maguindanao.


Dahil rito ay mas pinaigting pa ng militar at pulisya ang seguridad sa probinsya ng Cotabato at Maguindanao sa banta ng pambobomba. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento