Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

37TH USMARC and 27TH PICRI Joint Anniversary Celebration, idinaos


(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 22, 2013) ---Idinaos kaninang umaga 37th USMARC at 27th PICRI joint anniversary sa USMarc Admin Building, USM Kabacan, Cotabato.

Ang naturang anibersaryo ay may temang “Advancing Research and Development in Agricultural and Industrial Crops Towards Food Security and Economic Sustainability.

Mga hinaing at reklamo ng mga raliyesta; tinalakay sa Peace Rally Program


(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 22, 2013) ---Tinalakay sa naganap na pagtitipon kaninang alas-dyes ng umaga sa harap ng USM Administration Building ang mga hinaing at reklamo ng mga raliyesta hinggil sa Pamunuan ni Pangulong Jesus Antonio G. Derije ng Pamantasan ng Katimugang Mindanao.

Proyektong Irigasyon; pinasinayaan sa Pres. Roxas, North Cotabato


(Pres. Roxas, North Cotabato/ February 22, 2013) ---Pinasalamatan ng mga benipesyaryo ng Hervilla Communal Irrigation Project ang bagong pinasinayang proyekto sa Poblacion, President Roxas Cotabato kamakalawa ng umaga.

Ang turn over ceremony ng nasabing irigasyon ay pinangunahan  ni 2nd District Cogresswomen Nancy Catamco kung saan nagmula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na abot sa higit P5Milyon ang pondong ginamit para rito.

Ilang mga mag-aaral ng USM nagpahayag ng reaksiyon hinggil sa pagtatalaga ng bagong OIC sa Pamantasan; gusot sa USM, inaasahang matuldukan na


(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2013) ---Umaasa ngayon ang ilang mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao na matuldukan na ang gusot sa Pamantasan.

Ito makaraang magbaba ng memo ang Commission on Higher Education hinggil sa pagtatalaga bilang Officer In charge ng USM si Dr. Teresita Cambel sa Unibersidad epektibo nitong pang a-16 ng Pebrero.

Libung halaga ng pera, natangay sa isang Rice Mill office sa bayan ng Kabacan


(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2013) ---Tinangay ng mga di-pa nakikilalang suspek ang isang CCTV monitor at pera ng isang carleus rice mill office sa brgy upper paatan sa bayan ng kabacan north cotabato nito lamang alas 7 ng umaga pebrero 20 taong kasalukuyan.

Ito ay matapos maireport sa PNP kabacan ni Eddie Osateo YaBANILLA, 42 antos, may asawa, cate taker ng naturang establishemento at residente ng brgy Katidtuan Kabacan, Cotabato.

29-anyos na tulak droga; huli sa buybust operation



(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2013) ---Arestado ang isang 29-anyos na tulak droga sa isinagawang buybust operation ng mga otoridad sa Mantawil St., Poblacion, Kabacan alas 3:00 kahapon ng hapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Mario Doklaya Doctolero Jr. residente ng nabanggit na lugar.

Paglalagay ng OIC sa USM, itinuturing na tagumpay ng makasaysayang pagkilos –ayon sa Kabataan Partylist



(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2013) ---Itinuturing umanong tagumpay ng makasaysayang pagkilos ng mga estudyante, guro, magulang at mga kawani ng pamantasan ang pagbibigay ng CHED ng “special assignment” kay USM President Dr. Jesus Antonio Derije at paglalagay ng OIC para sa University of Southern Mindanao.

Ayon kay North Cotabato Kabataan Spokesperson Darwin Rey Morante, ito ay bunga ng kanilang pagpupursige at buong loob na paglaban sa pagsasamantala at pang-aabuso ng presidente at ng sistemang kinauupuan niya.

Pag-ransak sa ilang mga Canteens sa loob ng USM Main Campus at ilang mga gusali; patuloy na iniimbestigahan



(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kasama ng USM Security Services and Management sa nangyaring pagransacked sa ilang mga canteens at mga gusali ng Pamantasan.

Ayon kay USM Executive Secretary for Civil Security Services Prof. Orlando “Totong” Forro unang pinasok ng mga di pa malamang salarin noong nakaraang linggo ang College of Agriculture o CA Canteen.

Pink Flamingo ng Kabacan; iniuwi ang kampeonato sa Gay Pride Fest 2013 ng district III


(M’lang, North Cotabato/ February 19, 2013) ---Nakuha ng Pink Flamingo ng Kabacan North Cotabato ang kampeonato sa katatapos na North Cotabato Gay Pride Festival 2013 na ginanap sa M’lang Central Elementary School, M’lang North Cotabato, kamakalawa.

Kampeon din ang contingent ng Kabacan sa Street dancing at custome designing.

50 anyos na lalake biktima ng kasong pananaksak sa Carmen, North Cotabato


(Carmen, North Cotabato/ February 19, 2013) ---Isang 50 anyos na lalake ang biktima ng kasong pananaksak kahapon sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Dominador Mampundo, may asawa at ang suspek na isang Nelson Gamad, 40 anyos, magsasaka na parehong residente ng Sitio Bunuang, Brgy Kibudtungan sa nabanggit na bayan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Carmen PNP, ginamit ng suspek ang isang bolo sa pananaksak sa biktimang si Dominador dahilan ng pagkakatama nito sa kanang bahagi ng kanyang paa at kanang bahagi rin ng kanyang kamay.

Samantalang nagpapagamot na ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan sa bayan ng Carmen.

Sa ngayon iniimbestigahan na ng Carmen PNP ang patungkol sa nangyaring insidente at ang kasong isasampa sa suspek. (Pearl Landrito, DXVL News)

50 anyos na lalake biktima ng kasong pananaksak sa Carmen, North Cotabato


(Carmen, North Cotabato/ February 19, 2013) ---Isang 50 anyos na lalake ang biktima ng kasong pananaksak kahapon sa bayan ng Carmen, North Cotabato.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Dominador Mampundo, may asawa at ang suspek na isang Nelson Gamad, 40 anyos, magsasaka na parehong residente ng Sitio Bunuang, Brgy Kibudtungan sa nabanggit na bayan.

USM gates binuksan na; operasyon ng Pamantasan balik na sa normal ngayong araw



(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2013) ---Tuluyan ng binuksan ang USM Main gate dakong alas 11:00 ng umaga kahapon, bilang hudyat ng pagbabalik sa normal ang operasyon ng Pamantasan.

Ito matapos ang halos isang buwang kilos protesta at pagsasara ng mga raliyesta sa lahat ng mga lagusan ng Unibersidad para pababain sa pwesto si re-appointed USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije.

Mayoralty Candidate sa Kabacan; utak umano sa pagpatay kay VM Pol Dulay; itinuturong suspek; itinanggi ang akusasyon


(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2013) ---Matapos ang ilang buwang pananahimik ikinanta ng isang Brodz Panigas Mukamad nasa tamang edad, may asawa at residente ng Pikit, Cotabato ang nalalaman nito hinggil sa pagtumba kay Vice Mayor Policronio Dulay.

Batay sa sworn statement nito, na may petsang February 11, 2013, ibinunyag ni Mukamad sa opisina ng Brgy. Kapitan ng Lower Paatan na si Punong Brgy. Tony Maganaka, kasama sina Datu Masla Mantawil, Hon. Allan Mantawil, PCI Jubernadine Panes at P03 Richard Lagutang.

2 magkahiwalay na nakaw motorsiklo naganap sa bayan ng Kabacan at Carmen ; may-ari ng motorsiklo, tinutukan ng baril

(February 18, 2013) ---Ninakaw ng di pa nakilalang mga salarin ang isang motorsiklo na nakaparada sa isang sabungan na nasa Brgy. Osias Kabacan, Cotabato alas 2:00 kahapon ng hapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP ang nasabing ninakaw na motorsiklo ay isang kulay asul na Honda XRM- 125 na my plate no. MK9064.