Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga magsasaka sa Kidapawan City sumailalim sa para-legal training

(Kidapawan City/March 24, 2012) ---Nagtapos noong Huwebes ang tatlong araw na Para-Legal Training na pinangunahan ng Department of Agrarian Reform-Region 12 na isinagawa sa Spottswood Methodist Center sa Kidapawan City.

Partner ng DAR-12 sa pagbibigay ng training ang Balaod Mindanaw, isang Para-Legal group na nakabase sa Cagayan de Oro City.

Dumalo sa naturang pagsasanay ang 34 na mga magsasaka at iba pang itinuturing na ‘marginalized sector’, kabilang na ang indigenous peoples o mga katutubo at urban poor.

Banta sa MKWD at water source patuloy na nakaamba

(Kidapawan City/March 24, 2012) ---Napipintong isasapribado ang Metro Kidapawan Water District o MKWD.
         
Ang pribatisasyon ng mga government-owned-and-controlled corporation tulad ng MKWD ay isa umano sa ipinangangalandakan ngayon ng PNoy administration.
         
Sa pribatisasyon, ibebenta ng gubyerno sa private firm ang kompanya, tulad ng MKWD.       

Bawas sa gastos at bawas sa alalahanin ang gubyerno kapag nangyari ito.  

Dalawang mga climbers ni-rescue sa Mount Apo

(Kidapawan City/March 23, 2012) ---Nagtulong-tulong na ibinaba kahapon ng mga rescue members ng Kidapawan City Emergency Response Unit o KidCERU at Philippine Red Cross Kidapawan City chapter ang German national at isa pang taga-Cebu City.
         
Kinilala ng PRC Cotabato ang mga ni-rescue nila na sina Burkhard Freund, 51, na isang German national; at Cheryl Lahoy-Lahoy, 27, ng Cebu City.
         
Nabatid na umakyat sa Mount Apo, gamit ang Lake Venado trail, ang dalawang mga climbers.
         
At pababa na sila kahapon nang madulas ang German national habang naglalakad sa small forest sa may Lake Venado, malapit sa peak.

Kongresista magsasampa ng class suit laban sa NGCP kahit pa man isinasangkot diumano sa ‘economic sabotage’ dala ng artificial power shortage

(Kidapawan City, March 22, 2012) ---Aminado ngayon si Agham party-list Representative Angelo Palmones na nangangalap na sila ngayon ng mga ebidensiya para magkaroon ng batayan ang isasampa nila’ng class suit laban sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP at iba pang sangkot sa umano ‘economic sabotage’ na dala ng ‘artificial power shortage.’
         
Kahit ipangalandakan pa raw ng NGCP na totoo at hindi ‘artipisyal’ ang power shortage, ayaw naman ito’ng paniwalaan ng marami.

Maging ang Mindanao Development Authority o MINDA, ayon kay Representative Palmones, ay naniniwalang ‘artipisyal’ ang krisis sa kuryente.

Dahil dito, pursigido si Palmones at ang ilan pang mga mambabatas mga LGU officials mula sa Mindanao na magsampa ng class suit.

Seguridad sa Semana Santa at sa mga bakasyunista; inilatag na ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/March 23, 2012) ---Tiniyak ngayon ng pamunuan ng Kabacan PNP ang seguridad sa mga matataong lugar kagaya ng palengke at terminal bilang paghahanda ng mga ito sa pagbuhos ng mga papauwi at paparating na bakasyunista ngayong summer season.

Sinabi ni Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP na naglatag na rin sila ng security measures sa mga lugar na posibleng dadaanan ng prusisyon at maging sa simbahan.

Panata na ng maraming Kristiyano ang makiisa sa pagdiriwang ng mahal na araw tuwing sasapit ang panahon ng Cuaresma bilang akmang panahon para sa pagbubulay-bulay at pagbabago.
Dahil dito, tiyak na dadami ang dagsa ng tao lalo pa’t magkakaroon ng mahabang bakasyon dahil sa walang pasok na sa eskwela.

Kauna-unahang Zonal Center para sa National Budget Compensation-461 ng mga tertiary teachers sa Region 12; nasa USM na

(USM, Kabacan, North Cotabato/March 23, 2012) ---Masayang ibinalita ni USM Faculty Association Pres. Dr. Anita Tacardon na aprubado na ng Board of Regents ang paglalagay ng kauna-unahang Zonal Center sa Region 12 para sa National Budget Compensation-461 ng mga guro sa kolehiyo na ilalagay dito sa University of Southern Mindanao, Main Campus, Kabacan, Cotabato.
USM FA Pres Dr. Anita B. Tacardon

Ayon kay Regent Tacardon, na pangunahing nagpanukala ng nasabing Zonal Center, ito upang mapadali ang proseso ng promotions ng mga guro hindi lamang sa USM kundi maging sa ilan pang mga state universities and Colleges ng sakop ng naturang programa.

Aniya, matagal umano ang promotions ng mga guro noon dahil sa Region 11 pa binubusisi ang mga records ng mga ito at aabutin pa ng ilang taon bago mailabas ang resulta dahil abot kasi sa labinwalong mga paaralan ang kini-cater ng zonal center ng Region 11.

State of the Municipality Address, pinangunahan ng alkalde ng bayan ng MIdsayap; implemented projects iniulat sa bayan

(Midsayap, North Cotabato/March 21, 2012) ---Ginanap ngayong umaga sa Midsayap Municipal Gymnasium ang State of the Municipality Address o SOMA na pinangunahan ni Mayor Manuel M. Rabara.

Partikular namang tinukoy ng alkalde ang mga naipatupad na proyekto sa kanyang nasasakupang bayan ng Midsayap sa pakikipagtulungan sa tanggapan ni North Cotabato First District Representative Jesus “Susing” Sacdalan. Ilan sa mga implemented infrastructure projects na nabanggit ng opisyal ay ang construction of drainage canals sa kahabaan ng Midsayap- Makar road at sa Poblacion 4 at concreting of municipal roads sa Poblacion 2, Poblacion 6, at Poblacion 7. Ayon kay Mayor Rabara, ang mga proyektong ito ay pinondohan mula sa Priority Development Assistance Fund o PDAF ng kongresista at 100% completed na.

2 atleta na tubong Kabacan pasok sa Palarong Pambansa 2012

(Kabacan, North Cotabato/March 22, 2012) ---Dalawang mga atleta na buhat sa Kabacan, North Cotabato ang magrerepresenta sa Cotabato province sa palarong Pambansa 2012 sa larangan ng swimming.      
                                                                                                                             
Ito matapos na makuha nina Philip Angelo “Budi” Garcia ang apat na silver awards at Daniel Baidiango ang 6 silver at 1 bronze sa swimming event sa katatapos na Cotabato Regional Athletic Association (CRAA) na pormal ng nagtapos kahapon kungsaan nito pang March 17 nagsimula na isinasagawa sa lungsod ng Koronadal.     
  
Naging panauhing pandangal si DepEd Undersecretary Yolanda Quijano sa nasabing programa na dinaluhan din ng ilang matataas na mga lokal opisyales ng rehiyon.

Abot sa 4,000 na mga delegado ang lumahok sa nasabing sports event mula sa iba’t-ibang lugar sa Socksargen Region.
                                

Kampanya kontra kolurom na tricycle mas pinaigting sa Kabacan, Cotabato; 6 na mga tricycle huli


(Kabacan, North Cotabato/March 22, 2012) ---Anim na mga tricycle ang nahuli ng mga otoridad mula sa brgy. Aringay ang napag-alaman na hindi nakapag-renwe ng prangkisa nila sa isinagawang operation kontra kolurum ng Kabacan PNP kahapon ng umaga.

Nanguna sa nasabing operasyon si P02 Jeryl Vegafria ng Traffic Division ng Kabacan PNP, kungsaan karamihan sa mga paglabag ng mga ito ay ang hindi pag-renew ng prangkisa at iba pang mga violation sa batas trapiko.

Poste ng kuryente, bumigay sa Maguindanao dahilan ng mahabang interruption ngayong umaga

(Kabacan, North Cotabato/March 22, 2012) ---Bumigay ang poste ng kuryente sa may bahagi ng Bulit, Datu Montawal, Maguindanao kagabi dahilan kung bakit nakakaranas ng higit sa anim na oras na power interruption ang service erya ng cotelco sa feeder 11 bago mag-alas 12 ng hating gabi.

Ito ang sinabi sa DXVL ngayong umaga ni cotelco board director Samuel Dapon, pero agad naman nitong ipinag-utos sa mga line men nila na ayusin ang nasabing aberya na nagdulot ng perwisyo sa ilan.

Short term solution: paglilipat ng power barges mula sa Visayas papuntang Mindanao; iginigiit

(Kabacan, North Cotabato/March 21, 2012) ---Isa sa mga short term solution na nakikita ng Department of Energy DoE upang masulosyunan ang krisis sa enerhiya sa Mindanao ay ang planung paglilipat ng ilang mga power barge buhat sa Visayas papuntang Mindanao.

Ito ang napag-alaman mula kay NGCP spokesperson Atty. Cynthia Alabanza sa mga inilatag na programa ng pamahalaan.

Maliban dito, nais din ng ahensiya na buhayin ang Iligan Diesel Power Plant na may tinatayang 100megawatts ang kapasidad subalit matagal na umano itong di na nagagamit.

Kaya naman nais ng gobyerno na maibalik sa grid ang serbisyo ng nasabing planta.

“Big time” drug couriers sa Central Mindanao; arestado ng Kidapawan City PNP

(Kidapawan City/March 21, 2012) ---Arestado ng mga otoridad sa pamamagitan ng buy-bust operation nila ang dalawa katao na itinuturing na ‘big time’ drug couriers sa Central Mindanao.

Kinilala ni Supt. Renante Cabico, hepe ng Kidapawan City PNP ang mga suspetsado na sina Fatima Masukat at Benjie Dilangalen Payod kapwa resident eng Tunggol sa bayan ng Montawal, Maguindanao.

Ayon sa opisyal na huli ang mag-asawa sa loob ng Survive Traveler’s Inn alas 12:30 kahapon ng tanghali.

Lalaki patay matapos binangungot sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/March 21, 2012) ---Patay ang isang 32 anyos na lalaki matapos na pinaniniwalaang binangungot habang natutulog sa kanilang bahay dakong alas 6:00 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Jimy Palermo Palma, 32 taong gulang, walang asawa at residente ng Brgy.  Dagupan ng bayang ito.

Diumano’y paratang na “Artificial” brown-out sa Mindanao; pinabulaanan ng NGCP

(Kabacan, North Cotabato/March 21, 2012) ---Wala umanong katotohanan ang paratang na kagagawan umano ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang nangyayaring brown-out sa bahaging ito ng Mindanao, ito upang i-pressure umano nila ang mga local officials para sang-ayunan ang pagsasapribado ng ilan pang natitirang mga power plant na pag-aari ng gobyerno.

NGCP Spokesperson
Atty. Cynthia Alabanza
Ito ang naging paliwanag ni NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza sa panayam ng DXVL – Radyo ng Bayan, aniya batay umano sa EPIRA law bawal na panghihimasukan ng NGCP ang pagsasapribado ng Agus at Pulangi Plant.

Sinabi pa nito na wala rin umano silang makukuhang benepisyo kahit pa man isasapribado ang nasabing mga planta, dahil transmission lamang ang kanilang ibinibigay na serbisyo at hindi ang pag-gegenerate ng kuryente.

Giit pa ng opisyal na di rin umano nila kontrolado ang supply at maging ang mga kooperatiba bagama’t sila umano ang dinadaan o “highway” ng kuryente dahilan kung bakit nalalaman nila ang buong kalagayan ng power supply sa Mindanao.

Dating mga alagad ng batas huling na naninigarilyo sa hindi designated “Smoking area” sa Kidapawan City

(Kidapawan City/March 20, 2012) ---Kasama ang dating Chief of Police ng Davao city at isang Army officer sa dalawampu’t tatlo katao na nahuling naninigarilyo sa loob ng palengke ng Mega Market  sa Kidapawan city.
     
Kinilala ni Mega Market Head ng civil Security Unit Antonio Malinao, ang kanilang nahuli noong nakaraang linggo na sina Sr. Supt. Lito Culahag, dating chief of police ng Davao City; at retired Army officer Mario Atus.
       
Wika ni Malinao na naaktuhan ang mga ito na humihithit ng sigarilyo sa hindi designated smoking area sa palengke na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Ordinante 02-258.

Electronic helmet na nakaka-detect ng drunk driving naimbento ng mga estudyante sa Kidapawan City

(NDKC, Kidapawan City/March 20, 2012) ---Bago lamang ay naimbento ng mga estudyante ng Notre Dame of Kidapawan College o NDKC ang isang klase ng helmet na puwede’ng maka-detect ng drunk driving, ito ay sagot umano sa sa lumalalang problema sa nakawan ng motorsiklo at pagmamaneho ng lasing.

Ayon sa isa sa mga inventor na si Bryan Ray Lumbayan, kapag isinuot ng lasing na driver ang helmet, made-detect ng sensor ng motorsiklo na siya ay nasa impluwensiya ng alcohol.  

At kapag may nakasulat sa LCD display ng motorsiklo ng katagang, “You’re drunk”, hindi aandar ang sasakyan.   

Mister, sinaksak ng sariling Misis gamit ang gunting sa Kabacan, Cotabato


(Kabacan, North Cotabato/March 20, 2012) ---Sugatan ang isang mister makaraang saksakin ng Misis nito sa isang Army Detachment sa Sitio Malabuaya, Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 9:30, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Bany Dimasigcol, 22-anyos at residente rin ng nabanggit na lugar.

Mga pananim na Marijuana sa Matalam, North Cotabato; binunot ng mga otoridad


(Kabacan, North Cotabato/March 20, 2012) ---Nanguna sa isinagawang pagbunot ng mga paninim na Marijuana si Police Inspector Sindato Karim ng Matalam PNP sa isang bahay na tinamnan ng nasabing halaman sa Sitio Mateo, Brgy. Manubuan, Matalam, Cotabato nitong linggo.

Reklamo na sa susunod na taon pa diumano makukuha ng mga estudyante ng USM ang thesis na ipinagawa sa Multimedia; pinabulaanan


(USM, Kabacan, North Cotabato/March 20, 2012) ---Nilinaw ngayon ni University Multi-Media Production Center, Manager Vilma Santos na hindi isang taon o sa susunod pa na taon makukuha ng mga graduating students ng University of Southern Mindanao ang kanilang thesis na ipinagawa, bagkus isang buwan lamang nila itong hihintayan.

Aniya, ang usapan nila sa mga estudyante ay babalikan nila ito sa Multi Media makalipas ang isang buwan, ibig sabihin makukuha na nila agad ang kanilang anim na kopya ng thesis sa buwan ng Abril.

Ang naturang hakbang ay una na ring napag-usapan kasama na dito si USM Pres Jesus Antonio Derije, mga council of Deans and directors, ito upang mapagaan at maibsan ang gastusin ng mga mag-aaral para sa binding ng kanilang thesis.

1 patay habang 2 sugatan sa pamamaril sa “DISCO DANCE” sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/March 19, 2012) ---Patay ang isang 23-anyos na construction worker habang dalawang iba pa ang sugatan matapos ang nangyaring pamamaril sa isang sayawan dakong alas 2:00 ng madaling araw nitong Sabado sa Makilala, North Cotabato.

Kinilala ng Makilala PNP ang namatay na si Procopio Opeleña, 23 at residente ng Barangay San Vicente, Makilala.

Habang sugatan naman ang kapatid nitong nakilala sa pangalang Raymart, 19 at ang pinsan nitong si John Mark Lagang, 21, residente rin ng nabanggit na lugar.

Ayon sa report, hinarang umano ang mga ito habang papauwi na galing sa isang “Disco sa Bayan” ng armadong suspetsado na sakay sa Motrosiklo.

2007 na Pugante ng Amas Provincial Jail; huli ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/March 19, 2012) ---Matapos ang limang taon na pagtatago sa batas nahuli na ng mga otoridad ang isang pugante na tumakas sa Amas Provincial Jail noong taong 2007 dakong alas 8:00 ng umaga nitong Sabado sa Brgy. Magatos, Kabacan, Cotabato.

Buto Caumbo
Ang suspek ay nagpakilala sa pangalang Yasser Butch pero umamin rin siya kay P/Supt Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP na siya si Buto Caumbo, makaraang bigo itong makapagbigay ng dokumentong nagpapatunay sa una nitong pagkakakilalan.


Ayon sa report natimbrehan umano na si Caumbo ay nagtatago sa nasabing brgy noong Sabado kaya agad na inatasan ni Supt. Semillano ang mga tauhan nito na arestuhin ang suspek.

Nanguna sa pag-aresto si PChief Inspector Jubernadin Panes at ang mga elemento ng Kabacan PNP.