Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 mahalagang resolusyon, tinalakay sa SB kabacan kahapon

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 13, 2015) ---Nakatakda nang isalang sa 3rd and final reading ang Municipal Ordinance no. 2014-004 Series of 2014 matapos itong pumasa sa 2nd reading sa isinagawang Sagguniang Bayan Session kahapon.

Ayon kay Committee on Transportation Vice Chairman Hon. Councilor Reyman Saldivar sa panayam ng DXVL News, plantsado na umano ang nasabing ordinansa matapos ang mga serye ng kanilang ginwang konsultasyon at pagpupulong kasama ang mga trysikad Drivers at Operators.

Ruben Tagare Jr. panalo bilang USG President sa USM USG Election 2015

By: Christine Limos

(USM, Kabacan, Cotabato/ March 13, 2015) ---Panalo bilang University Student Government President si Ruben Tagare Jr. ng KILOS Party sa University of Southern Mindanao University Student Government Election 2015.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni Comelec Chairman Roland Fajardo sa kungsaan nakakuha si Tagare ng 5,391 votes.

Tricycle Drayber na miyembro ng KULTODA, matapat na nagsauli ng laptop

(USM, Kabacan, Cotabato/ March 13, 2015) ---Isang Tricycle Drayber ang matapat na nagsauli ng laptop na naiwan sa kanyang sasakyan kahapon.

Ayon kay KULTODA Pres. Jeffrey Pedtamanan na agad na iti-nurn-over ng nasabing tricycle drayber na ayaw magpakilala sa kanilang asosasyon ang nasabing laptop.

Estudyante ng USM, 2 linggo ng nawawala!

(USM, Kabacan, North Cotabato/ March 13, 2015) ---Patuloy ngayong pinaghahanap ng kanyang mga magulang ang isang estudyante ng University of Southern Mindanao na dalawang lingo ng hindi mabatid kungsaan ang kinaroroonan nito.

Mismong ang pinsan nitong si Aladin Mulod ang tumungo sa DXVL News ngayong umaga para ipanawagan ang nawawalng pinsan nitong kinilalang si Dondon Mulod, 4th Year Business Administration at pansamantalang nakatira sa Mercado St., Poblacion, Kabacan.

Alegasyong pambabastos ng BPAT, itinanggi ng Purok President

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 11, 2015) ---Wala umanong katotohanan ang paratang ng isang texter na nagpaabot ng reklamo sa himpilang DXVL Radyo ng Bayan hinggil umano sa pambabastos ng mga nakaduty na BPAT sa mga dumaan sa kanilang post sa Malvar Street, Brgy. Poblacion ng bayan ng Kabacan.

Ayon kay Malvar St. Purok President Jun Padagas na personal na nagtungo sa DXVL FM na wala umanong katotohanan ang nasabing aligasyon ng texter.

Supply ng kuryente na pinoproduce sa Pulangi Power Plant, muling bumaba!

(Kabacan, North Cotabato/ March 11, 2015) ---Inihayag ng National Power Corporation na muling bumaba ang Supply ng kuryente na pino-produce ngayon ng Pulangi Power Plant.

Ito ayon kay Cotelco Spokesperson Vincent Baguio sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Bata, patay ng mahulog sa irrigation canal

(Kabacan, North Cotabato/ March 12, 2015) ---Maagang sinalubong ni kamatayan ang dalawang taonggulang na bata makaraang mahulog sa irrigation canal sa bahagi ng Malvar St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 3:00 kahapon ng hapon.

Ayon sa isang residente na si Precy Longyapon ngmakapanayam ng DXVL Radyo ng Bayan, miyembro ng TMU Kabacan kinilala nito ang biktima na si Apple Bahay, residente ng Plang Village, Poblacion ng bayang ito.

Pagpapanatili ng Katahimikan sa Bayan ng Kabacan, hiling ng bagong upong hepe

Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 12, 2015) ---Binigyang diin ng bagong talagang hepe ng Kabacan PNP na ang pagtutulungan ng bawat indibidwal sa komunidad ng bayan ng Kabacan lalong lalo na ng media ang magiging susi sa pagpapanatili ng seguridad sa bayan.

Ito ayon kay PSupt. Gilberto Tuzon, ang bagong OIC Chief ng Kabacan PNP sa panayam ng DXVL News.

Panibagong pagsabog ng IED sa bayan ng Pikit, pangalawa na ngayong linggo

By: Mark Anthony Pispis

(Pikit, Cotabato/ March 12, 2015) ---Muling binolabog ng panibagong malakas na pagsabog ng Improvised Explosive Device o IED ang bayan ng Pikit sa bahagi ng National Highway sa Sitio Village, Brgy. Batulawan dakong alas 8:00 kagabi.

Ayon sa Pikit PNP, nangyari ang pagsabog 3 kilometro lamang ang layo mula sa Pikit MPS at 100 metro mula sa Detachment ng 7th IB.

Magsasakang may kasong attempted homicide, huli sa manhunt operation sa bayan ng Aleosan, Cot

By: Mark Anthony Pispis

(Aleosan, Cotabato/ March 12, 2015) ---Hindi na nakapalag pa ang isang magsasaka matapos itong mahuli sa mismong pamamahay nito sa Brgy. Dualing sa Bayan ng Aleosan, Cotabato alas 9:40 kahapon ng umaga.

Ayon kay PSI Arnel Melocotones, ang hepe ng Aleosan PNP ang suspek na isang Gilbert Mamites, 31 anyos, magsasaka at residente ng nasabing lugar.

National Union Journalist of the Philippines o NUJP dismayado sa pansamantalang pagkakalaya ni Sajid Ampatuan

Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 12, 2015) ---Dismayado ang National Union Journalist of the Philippines o NUJP sa pansamantalang pagkakalaya ng isang akusado sa Maguindanao massacre na si Sajid Ampatuan.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni NUJP director Nonoy Espina inihayag nitong ang NUJP ay dismayadong dismayado ngunit hindi umano nakikisali ang NUJP sa legal na aspeto ng kaso.

Pagkaputol at pagtanggal ng mga street lights sa bayan ng Kabacan ipinaliwanag ng COTELCO

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 12, 2015) ---Ipinaliwanag ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO ang pakaputol at pagtanggal ng mgastreet lights sa bayan ng Kabacan. 

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni COTELCO spokesperson Vincent Baguio depende umano kung saan naka pangalan ang mga street lights, kung naka pangalan sa Kabacan LGU o sa baranggay Poblacion.

Laborer ng Banana Plantation, sinaksak ng kapitbahay hanggang sa mapatay sa Makilala

(Makilala, North cotabato/ March 11, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa isang laborer ng Banana Plantation makaraang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng mismong kapitbahay nito Purok Guma, Sitio San Isidro, Barangay Malasila, Makilala, North Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng Makilala PNP ang biktima na si Wilson Pelicano, 42-anyos, laborer sa isang banana plantation at residente ng ng nasabing lugar habang kinilala naman ang suspek na si Wilfredo Gaking na itinuturong suspek at nasampahan nan g kasong homicide.

Dahil sa utang, magsasaka sinaksak ang kapwa magsasaka sa Midsayap, North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ March 12, 2015) ---Patuloy ngayon nagpapagaling sa isang pagamutan sa Cotabato City ang isang magsasaka matapos saksakin ng kanyang kapwa magsasaka sa brgy. San Pedro, Midsayap, North Cotabato.

Kinilala ang nasaksak na si Jun Clanes, 48 anyos, may asawa habang ang suspek naman na kumpare nito ay si Paquito Kambendo, 40 anyos at parehong residente ng brgy. San Pedro.

IED, sumabog sa bayan ng Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ March 12, 2015) ---Muling ginulantang ng malakas na pagsabog ang ilang mag residente sa National Highway ng Sitio Village, Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato mag-aalas 8:00 kagabi.

Sa panayam ng DXVL News kay PInsp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP na wala namang may naiulat na nasugatan o nasawi sa nasabing pagsabog ng Improvised Explosive Device o IED kahit pa man na matao ang nasabing lugar.

Cotabato City, muling ginulantang ng pagsabog ng IED

(Cotabato City/ March 11, 2015) ---Isang Improvised Explosive Device o IED ang sumabog sa harap mismo ng headquarters ng 6ID, Philippine Army sa may bahagi ng Quezon Avenue Extension, sa lungsod ng Cotabato alas 7:30 kagabi.

Sa ulat ng pulisya, wala namang may naiulat na sugatan o na-damage sa nasabing pagsabog.

NGCP nanawagan sa publiko na tulungang protektahan ang ‘transmission facility’ para maiwasan ang dagdag na bayarin o system loss

(Kabacan, North Cotabato/ March 11, 2015) ---Nananawagan ngayon ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa publiko na tulungan sila sa pagbabantay ng transmission facility upang maiwasan ang dagdag na pasanin na maipapasa sa mga konsumedures ng kuryente.

Ito ang sinabi ni NGCP Corporation Communication & Public Affairs Officer for Mindanao Milfrance ‘Bambie’ Capulong sa panayam sa kanya ng DXVL News.

OPA Fisheries Division Nagsagawa ng Fish Processing Training para sa mga Kabataang nasa Crisis Intervention Center

By: Ruel Villanueva

(Amas, Kidapawan City/ March 11, 2015) ---Upang matulungang magkaroon ng pagkakakitaan ang dalawampung mga kabataang nasa pangangalaga ng Crisis Intervention Center sa ilalim ng Provincial Social Welfare and Development Office, nagsagawa kamakailan ang OPA Fisheries Division ng isang technology demonstration on Fish Processing particular sa paggawa ng tilapia lamayo at deboned bangus.

Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo Mangliwan, regular na nagsasagawa ng ganitong aktibidad ang Office of the Provincial Agriculturist para sa mga nagrerequest ng training upang magkaroon ng livelihood ang mga kalahok mula sa kanilang matutunan sa technology demonstration.

DepEd North Cotabato, nananawagang gawing simple ang graduation

(Amas, Kidapawan City/ March 11, 2015) ---Itinakda na ng Department of Education (DepEd) sa Marso 26 at 27 ang graduation ceremonies para sa mga pampublikong paaralan hindi lamang sa lalawigan ng North Cotabato kundi maging sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni Cotabato Schools Division Supt. Omar Obas sa panayam ng DXVL News.

SOPA ni Gov Taliño-Mendoza ihahayag sa Marso 17, 2015

(North Cotabato/ March 11, 2015) ---Halos plantsado na ang mga preparasyon para sa State of the Province Address o SOPA ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na gaganapin sa Makilala Municipal Gym sa March 17, 2015 ganap na alas-nuwebe umaga.

Sa final meeting ng Technical Working Group o TWG para sa SOPA 2015 noong March 5, 2015, isinapinal na ang mga importanteng bagay upang matiyak ang mapayapa at malabuluhang paghahatid ng SOPA ng gobernadora.

70 BIFF at 4 na sundalo, patay sa nagpapatuloy na intensified Law enforcement ng militar sa Maguindanao

(North Cotabato/ March 10, 2015) ---Umaabot na sa mahigit 70 mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang napatay habang 30 naman ang nasugatan simula nang ilunsad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang all out offensive laban sa rebeldeng grupo.

Ito ang sinabi ni Phil. Army's 6th ID Division Public Affairs Office Chief Captain Joan Petinglay sa panayam sa kanya ng DXVL News Radyo ng Bayan sa programang Periodiko Express.

Kabacan Water District, naka-ambang magtaas ng singil sa tubig

(Kabacan, North Cotabato/ March 10, 2015) ---Nakaambang magtaas ng singil sa tubig ang Kabacan Water District o KWD.

Ito ayon kay KWD General Manager Ferdie Mar Balungay sa panayam ng DXVL News.

Pagsabog ng IED sa bayan ng Pikit, posibleng pananakot lamang –ayon sa PNP

(Pikit, North Cotabato/ March 10, 2015) ---Ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Pikit, North Cotabato alas 9:45 kahapon ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay PInsp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP ang pagsabog ay naganap sa bahagi ng Sitio Buisan, Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato.

Mag-ina at 2 pang mga babae, huli sa drug buy bust

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ March 9, 2015) ---Nasampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 ang apat katao kabilang ang isang mag-ina at dalawang iba pang kababaihan matapos mahuli sa isinagawang drug buy-bust operation sa Doña Aurora St. Brgy. Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:00 ng umaga noong Biyernes.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga Suspek na sina Yolanda Bai Ali “Alias Taya”  , 40 anyos, dalaga, isang vendor, Bai Ali Abid Mamaril, 25 anyos, may asawa, isang may-bahay at ang mag-inang sina Faisal Ali Luna, 20 anyos, binata, isang estudyante at isang Fatima Ali Luna, 42 anyos, may-asawa, isang may bahay na pawang mga residente ng nasabing lugar.

IED, sumabog sa bayan ng Pikit, Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ March 9, 2015) ---Ginulantang ng malakas na pagsabog ang bayan ng Pikit, North Cotabato alas 9:45 kaninang umaga.

Ayon kay PInsp. Sindato KArim, hepe ng Pikit PNP ang pagsabog ay naganap sa bahagi ng Sitio Buisan, Brgy. Batulawan, Pikit, Cotabato.

Dispatcher ng Bus, sugatan sa pamamaril

(North Cotabato/ March 9, 2015) ---Patuloy ngayong nagpapagaling sa isang bahay pagamutan sa Kidapawan city ang isang dispatcher ng Mindanao Star Bus na dating Weena Bus line company, makaraang pagbabarilin sa National Highway ng Fort Pikit, Pikit, Cotabato alas 6:35 kagabi.

Kinilala ni PInsp. Sindato Karim, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Cesar Lu, 58-anyos, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Drayber, utas sa tandem

(North Cotabato/ March 9, 2015) --- Personal na motibo ang sinusundang anggulo ng mga otoridad sa pagbaril at pagpatay sa isang driver sa Jose Lim Sr Street partikular sa harapan ng Toledo Terminal Cotabato City, pasado alas dose ng tanghali noong Sabado.

Kinilala ni Police Station 1 Commander Sr. Ins. Efren Salazar ang biktima na si Karim Enok, 35 anyos, may asawa na taga Mother Barangay Tamontaka ng lungsod.

Poblacion, Kabacan naglaan ng pondo para sa dagdag na tanod dahil sa kakulangan ng presensya ng kapulisan

By: Christine Limos

(Kabacan, Cotabato/ March 9, 2015) ---Naglaan ng pondo ang Kabacan Poblacion para sa dagdag na tanod dahil konte lang ang presensya ng kapulisan sa araw. 

Ito mismo ang inihayag ni Kabacan Poblacion Kapitan Mike Remulta sa panayam ng DXVL news.

Ilang mga street lights sa Poblacion, Kabacan; pinutol at tinanggal ng Cotelco dahil sa utang?

By: Christine Limos

(Kabacan, North Cotabato/ March 9, 2015) ---Tinanggal at pinutol ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO ang mga street lights sa Poblacion Kabacan dahil umano sa utang ng nakaraang administrasyon ayon kay Poblacion Kapitan Mike Remulta.

Sa panayam ng DXVL news inihayag ni Kapitan Remulta na hindi siya ang nagpatanggal ng mga street lights kundi ang pamunuan mismo ng  COTELCO.