(Amas, Kidapawan City/ March 11, 2015) ---Itinakda
na ng Department of Education (DepEd) sa Marso 26 at 27 ang graduation
ceremonies para sa mga pampublikong paaralan hindi lamang sa lalawigan ng North
Cotabato kundi maging sa buong bansa.
Ito ang sinabi ni Cotabato Schools Division
Supt. Omar Obas sa panayam ng DXVL News.
Sentro ng ng aktibidad ang tema ng
graduation ngayong taon ay “Saktong Buhay: Sa De-kalidad na Edukasyon
Pinanday”.
Highlights sa mga gaganaping graduation ang
kahalagahan ng de-kalidad na edukasyon para sa mas magandang kinabukasan ng mga
kabataang mag-aaral.
Pinaalalahanan din ni Obas ang mga paaralan
na panatilihing simple ngunit makahulugan ang idaraos na graduation rites.
Una na ring sinabi ng opisyal na anumang
kontribusyon sa eskwelahan ay kanya na itong pinauubaya sa Parent-Teacher
Associations (PTAs) ngunit anumang bayarin ay dapat voluntary basis pa rin. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento