Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

SOPA ni Gov Taliño-Mendoza ihahayag sa Marso 17, 2015

(North Cotabato/ March 11, 2015) ---Halos plantsado na ang mga preparasyon para sa State of the Province Address o SOPA ni Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na gaganapin sa Makilala Municipal Gym sa March 17, 2015 ganap na alas-nuwebe umaga.

Sa final meeting ng Technical Working Group o TWG para sa SOPA 2015 noong March 5, 2015, isinapinal na ang mga importanteng bagay upang matiyak ang mapayapa at malabuluhang paghahatid ng SOPA ng gobernadora.

Ayon kay Vergelita Guillaran, Provincial Social Welfare and Development Officer ng Cotabato at siyang Vice Chairman ng SOPA 2015 TWG, inaasahan ang pagdalo ng abot sa 5,000 katao o higit pa sa naturang aktibidad kaya’t pangunahing concern ay ang seguridad ng mga dadalo sa SOPA.

Inilatag naman ni Sr. Inspector Ramil Hojilla, Chief ng Intelligence and Operations Division ng Cot Police Provincial Office o CPPO ang security plan at security measures kung saan mahigpit na ipatutupad ang security check at traffic para sa mga dadalo sa SOPA.

Inaasahan ang pagdalo ng mga matataas na opisyal mula sa kalapit na mga lalawigan at lungsod sa Region 12 tulad ng governors, vice governors, mayors, vice-mayors, mga heads of national line agencies, representatives ng academe, health at business sectors, non-government organizations, peoples organizations, mga department heads ng kapitolyo, local at national media at maraming pang iba.

Inaasahan din ang pagdating ni Bb. Pilipinas-Universe 2014 at Top 10 Finalist for Miss Universe 2014 MJ Lastimosa na tubong Tulunan, Cotabato.

Gaganapin ang isang banal na misa bago simulan ni Gov. Taliño-Mendoza ang kanyang SOPA sa loob ng Makilala Municipal gym at dahil abot lang sa 2,700 ang maaaring makapasok ay maglalagay naman ng mga sound system at wide screens sa labas upang mapakinggan at mapanood ang SOPA.

Laman ng SOPA ang mga programa at proyektong naipatupad ni Gov. Taliño-Mendoza para sa nagdaang 2014 at ang mga ipinatutupad sa kasalukuyan ganun din ang mga nakatakdang gawin ng kanyang administrasyon sa susunod na mga taon.


Sa pamamagitan ng SOPA, nais ipabatid ng gobernadora sa mga mamamayan ng Cotabato ang mga konkretong hakbang na ginawa ng pamahalaang panlalawigan upang mabago ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap sa ilalim ng adbokasiyang “Serbisyong Totoo”. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento