Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Ruben Tagare Jr. panalo bilang USG President sa USM USG Election 2015

By: Christine Limos

(USM, Kabacan, Cotabato/ March 13, 2015) ---Panalo bilang University Student Government President si Ruben Tagare Jr. ng KILOS Party sa University of Southern Mindanao University Student Government Election 2015.

Ito ang kinumpirma sa DXVL News ni Comelec Chairman Roland Fajardo sa kungsaan nakakuha si Tagare ng 5,391 votes.


Nagwagi naman sa pagka USG bise presidente si DN Abubakar Murray ng KILOS Party na nakakuha ng 4986 na boto.

Samantala may labindalawang senador naman na naihalal na kinabibilangan nina Charlene Barroga, Lester Jay Cadungon, Nikko Adrian Perez, Gideon Sumayo, Mama Mindal, John Mar Desamparado, Jordam Magno, Jodi Charimaye Lidasan, Carlito  Diocares Jr, Almira Tumagantang, Saidamen Basman at si Saripada Papaladin.

Nagwagi naman bilang Governor ng Institute of Middle East and Asian Studies (IMEAS) si Alswedy Sapal (KILOS Party) , Alven Pancho ng CAS (KILOS), Christian Ed Alera ng CVM (KILOS), Samer Pananggilan ng CIT (Stand USM), Rolie Ahmad Akot ng CHS (KILOS), Jaygle Angleles ng CHEFS (KILOS), Ramel Toboso ng College of Engineering and Computing (Kilos), Daryll Keith Oreinte ng Ced (Independent), Jhon Mark Ballares ng CBDEM (KILOS), Anthony Agravante ng CA (KILOS), Sittie Aniza Pangato ng ISPEAR (KILOS).


0 comments:

Mag-post ng isang Komento