Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

COTELCO-PPALMA, magpapatupad ng scheduled brown-out re: NGCP Tower Repair

(Midsayap, North Cotabato/ October 11, 2015) ---Magpapatupad ng mahabang scheduled brownout ang Cotabato Electric Cooperative o COTELCO sa PPALMA area simula October 11 hanggang October 21 ng taong kasalukuyan.

Ito ay upang bigyang daan ang pagsasaayos ng dalawang steel tower ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP sa bayan ng Pikit, North Cotabato na pinasabog noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa COTELCO PPALMA, maari pa umanong humaba ang scheduled power load curtailment hanggang sa ganap nang maayos ang nabanggit na mga tower ng NCGP.

Inihayag naman ni COTELCO PPALMA Operations and Maintenance Chief Engr. Leonardo Jalandoni na maaring magbago ang schedule ng brownout without prior notice at nakadepende umano sa suplay ng kuryente mula sa NCGP.

Narito ang schedule:

8AM – 1PM : Pigcawayan, Pikit, Alamada
1PM- 5PM : Midsayap at Libungan
5PM- 9PM : Pigcawayan, Pikit, Alamada
9PM- 12 Midnight- Midsayap at Libungan


Humingi naman ng pang- unawa ang COTELCO PPALMA sa mga konsumidores nito at sinabing hindi nila kontrol ang ganitong sitwasyon. Roderick Bautista

0 comments:

Mag-post ng isang Komento