Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Naglalabang pamilya sa Maguindanao, muling sumiklab

(Datu Montawal, Maguindanao/July 21, 2012) ---Tensyunada ngayon ang isang lugar sa bahagi ng Datu Montawal, Maguindanao matapos na nagkaputukan  ang naglalabang grupo sa lugar, partikular sa likurang bahagi ng Munisipyo simula alas 2:00 ng umaga kanina.

Ayon kay Lt. Aries Dela Cuadra nasa lugar na ang kanilang tropa para alamin kung anung grupo ang nag-lalaban sa Brgy. Talapas, Datu Montawal.

Prayer Rally, isasagawa ng iba’t-ibang sektor sa Kabacan hinggil sa pagkondina sa mga panatayan na nangyayari sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/July 20, 2012) ---Isasagawa sa araw ng Lunes Hulyo a-23, 2012 ang isang prayer rally bilang pagkondina sa mga nangyayaring krimen partikular na ang sunod-sunod na mga patayan sa Kabacan.

Magsisimula ang nasabing prayer rally alas 7:30 ng umaga na magsisimula sa Municipal Hall na lalahukan ng mga LGU employees Association, Local Council of Women, Municipal Youth and child at mga lokal na opisyal ng Kabacan.

Farm Run, itinampok sa Sports Fest ng College of Agriculture- USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/July 20, 2012) ---Sa pamamagitan ng Farm Run kaninang alas 4:30 ng madaling araw nagsimula ang tatlong araw na sports fest ng College of Agriculture ngayong araw.

Sinabi ni College of Agriculture LSG-Governor Charlie Balonebro na sentro ng aktibidad ang temang “unifying differences thru sports” kungsaan lalahukan ito ng iba’t-ibang mga society ng kolehiyo.

Kauna-unahang Rechargeable na Electric Fan, naimbento ng faculty ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/July 20, 2012) ---Tatlong mga faculty ng University of Southern Mindanao ang naka-imbento ng Rechargeable Electric Fan.  
                                                      
Ang nasabing Rechargeable Electric Fan ay pinapatakbo ng 12 volts automotive battery at gumagamit lamang sila ng isang inverter device upang maging 220 volts.  

21-anyos na binata na panibagong biktima ng shooting incident sa Kabacan; wala pa ring pagkakakilanlan

(Kabacan, North Cotabato/July 20, 2012) ---Wala pa ring pagkakakilalan ang 21-anyos na binata na pinakahuling biktima ng pamamril sa bayan ng kabacan.

Kaugnay nito, patuloy ngayon ang panawagan ng mga otoridad sa mga kamag-anak at kapamilya ng biktima na pinagbabaril sa Roxas St. Pobalcion, Kabacan, Cotabato ala 1:00 ng madaling araw kahapon.

Batay sa report ng Kabacan PNP, sinabi ni Police Inspector Tirso Pascual na hanggang sa mga oras na ito ay di pa rin nakilala ang biktima.

Kabacan PNP-WCPD division, nakapagtala ng anim na kaso hinggil sa VAWC sa bayan simula nakaraang buwan

(Kabacan, North Cotabato/July 19, 2012) ---Anim na mga kaso hinggil sa RA 9262 o Violence Against Women and Children o VAWC ang naitala ng Kabacan PNP mula buwan ng Hunyo hanggang sa kasalukuyan.  
                                                                          
Ito batay sa report ng Women’s Children Protection Desk ng Kabacan PNP kungsaan agad naman itong tinututukan ngayon ng Kabacan Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO.    

Expertise ng Philippine Crocodile Farm hiningi na upang mahanap ang nakawalang buwaya sa mini-zoo sa Kidapawan City

(Kidapawan City/July 19, 2012) ---Humingi na ng tulong mula sa Philippine Crocodile Farm ang City Government at ang Department of Environment and Natural Resources o DENR para mahanap at maibalik sa kanyang kulungan ang nakawalang buwaya.
         
Aminado si Marife Pame, head ng tourism at investment promotions ng City LGU, na kapos sa expertise sa paghuli ng buwaya ang taga-DENR at ang Kidapawan City Emergency Response Unit o KidCeru.

Mga residente ng isang barangay sa Midsayap, nababahala sa peligrong hatid ng gumuguhong lupa sa Libungan river

(Midsayap, North Cotabato/July 19, 2012) ---Nababahala ang mga residente ng Barangay Nalin sa Midsayap, North Cotabato dahil sa tuloy- tuloy na pagguho ng pampang ng Libungan River.

Nanganganib na ring mag- collapse ang drainage canal sa lugar at dagdag pa ang banta ng pagguho sa kinatitirikang lupa ng kanilang eskwelahan at mga kabahayang malapit sa ilog.

21-anyos na binata, panibagong biktima ng shooting incident sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/July 19, 2012) ---Isa namang shooting incident ang naganap sa bayan ng Kabacan, Partikular sa Roxas St., Poblacion ala 1:00 ng madaling araw kanina.  
                                                                                    
Ayon sa report ng Kabacan PNP, nakilala lang ang biktima sa pangalang Jay, 21, wala permanenteng tirahan, ito ayon na rin sa kanyang girlfriend na nakapanayam ng PNP Kabacan.   
      
Si Jay, ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa mukha.        

MOA signing hinggil sa Bamboo Planting Program, lalagdaan ngayong araw sa Cotabato Provincial Capitol

(Kabacan, North Cotabato/July 18, 2012) ---Lalagdaan na ngayong araw ang Memorandum of Agreement o MOA hinggil sa programang Bamboo Planting Program ng Provincial Government na gagawin sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.

Pangungunahan ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang nasabing signing of MOA kasama si Kabacan Mayor George Tan at USM Pres. Dr. Jess Antonio Derije.

Pagpapatupad ng discount sa mga gamot at iba pang mga produktong binibili ng mga Senior Citizens, pinag-usapan sa Information forum hinggil sa Republic Act 9257

(Kabacan, North Cotabato/July 18, 2012) ---Kung si Drugstores Association of the Philippines o DSAP National Director Dr. Leoven Devilles ang tatanungin, nais umano nilang ibaba sa 5% mula sa 20% ang discount sa mga gamot at iba pang mga produktong binibili ng mga Senior citizens.

Ito dahil sa lugi umano ang mga maliliit na botika sa nasabing batas.

Batay sa Republic Act 9257 o mas kilala sa tawag na Expanded Citizens Act of 2003 mabibigyan ng abot sa dalawampung porsientong diskwento ang mga miyembro ng Senior Citizen sa mga bibilhing gamot at ilan pang mga basic commodities sa mga groceries store.

2 mag-aaral ng USM, binawian ng buhay dahil sa ini-indang karamdaman

(Kabacan, North Cotabato/July 18, 2012) ---Kapwa mula sa College of Agriculture ng University of Southern Mindanao main campus ang dalawang mga estudyante na namatay dahil sa malubhang karamdaman.

Ayon sa report, iginupo ng kanyang sakit na cancer of the blood o leukemia si Aljay ar Fernandez, tubong Midsayap, North Cotabato at 3rd year Agricuture --- Major in Plant Breeding and Genetics.

Shabu na inilagay sa tsinelas ng isang drug courier; huli ng mga otoridad sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/July 18, 2012) ---Arestado ng otoridad ang isang notorious drug courier sa isinagawang buybust operation sa mismong bahay ng suspek na nasa Mantawil St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 3:45 kahapon ng hapon.

Kinilala ng mga pulisya ang nahuli na si Marlou Doctolero, nasa tamang edad, residente ng nabanggit na lugar.

Kawani ng Korte sa Kabacan; patay sa pamamaril

(Kabacan, North Cotabato/July 18, 2012) ---Patay ang office clerk ng Regional Trial court Branch 22 Kabacan makaraang pagbabarilin ng mga riding in tandem na mga suspek sa National Highway, partikular sa harap ng 8 fortune, Rizal Avenue, Kabacan, Cotabato alas 5:37 kahapon ng hapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP, kinilala ni PCI Tirso Pascual ang biktima na si Lorena Somera Nabaira, nasa tamang edad, empleyado ng korte at residente ng brgy. Bannawag ng bayang ito.

Accountancy Student ng USM; panalo sa PICPA National Accounting Quiz Showdown

(USM, Kabacan, North Cotabato/July 18, 2012) ---Namayagpag ang Accountancy student ng University of Southern Mindanao o USM sa katauhan ni Jesryl Enilog matapos na manalo sa katatapos na Philippine Institute of Certified Accountant National Accounting Quiz Showdown for Mindanao.

Ito ang sinabi ni College of Business Development and Economic Management o CBDEM Dean Dr. Gloria Gabronino na ginanap sa University of Immaculate Concepcion o UIC sa Davao city.

Ilang mga preso sa Kabacan Lock-up cell; siksikan at unti-unti ng nagkakasakit

(Kabacan, North Cotabato/July 17, 2012) ---Siksikan sa maliit na kulungan ng Kabacan lock-up cell ang mga bilanggo na nasa kustodiya ng Kabacan PNP.

Dahilan kung bakit nagkakasakit na ngayon ang ilang mga preso sa nasabing selda.

Karamihan sa mga sakit ng mga ito ay ang ubo, sipon at trangkaso na mabilis namang nahahawaan ang mga kasama nilang inmates.

29 na porsiento ng brgy sa bayan ng Kabacan; apektado ng sakit na Dengue ngayong 2nd quarter ng taon

(Kabacan, North Cotabato/July 17, 2012) ---Abot sa dalawampu’t siyam na porsiento ng mga brgy sa bayan ng Kabacan ang apektado ng sakit na dengue ngayong ikalawang quarter ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Municipal Disease Surveillance Officer Honey Joy Cabellon base sa kanilang data, labin limang mga bata edad apat hanggang labin walong taong gulang ang karamihang apektado ng nasabing sakit.

Pinakamalaking kuta ng NPA sa North Cotabato; nakubkub ng mga militar

(Magpet, North Cotabato/July 17, 2012) ---Nakubkob ng mga sundalo ng 57th Infantry Battalion ang isa sa pinakamalking kampo ng New People’s Army sa isang bulubunduking lugar sa bayan ng Magpet, kahapon.

Ayon kay 57th IB Commanding Officer Lt. Bruno Hugo, ang nasabing kampo ng mga rebelde ay nasa kontrol na ngayon ng mga militar na nasa Sitio Bantaan, Barangay Bagumbayan, isa sa mga lugar sa bayan ng Magpet na sinasabing impluwensiyado ng mga New Peoples’ Army (NPA).

Sekyu ng Metro Kidapawan Water District; dinis-armahan ng pinaniniwalaang NPA

(Kidapawan City/July 17, 2012) ---Dinis-armahan ng ‘di kilalang mga armadong lalaki ang security guard ng Metro Kidapawan Water District o MKWD na kinilalang si Jelmar Toranio.

Naganap ito, bandang alas-8:25 kamakalawa ng gabi, sa outpost ng MKWD sa Barangay Perez, Kidapawan City.

Mahigit 300 mga pamilya sa bayan ng Tulunan; apektado ng pagbaha

(Tulunan, North Cotabato/July 17, 2012) --- Abot sa Tatlong daan at Tatlumpu’t pitong mga pamilya ang umano apektado ng mga pagbaha sa bayan ng Tulunan, North Cotabato.      
         
Ito ang lumabas sa monitoring ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC.
         
Ayon sa report, nagsimulang umapaw ang mga ilog sa bayan ng Tulunan, bandang alas-4 ng hapon, noong Sabado, nang magtuluy-tuloy ang mga pag-ulan.

19-anyos na drug courier, huli sa buybust operation sa mas pinaigting na Task Force Krislam sa Kabacan; Wanted Person naman huli sa Carmen, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/July 16, 2012) ---Isang araw pa lamang ang nakalipas matapos na ilunsad ang Task Force Krislam sa bayan ng Kabacan, tila walang talab sa mga illegal traders sa lugar ang kampanya ng mga otoridad para sugpuin ang talamak na bentahan ng illegal na droga.

Ito makaraang mahuli ng pinagsanib na pwersa ng Kabacan PNP at Task Force Krislam sa isinagawang buybust operation kagabi ang isang Jayson Nicolano Ankanan, 19, may asawa at residente ng Tandang Sora St., Poblacion ng bayang ito.

Mga alahas, pera at iba pang mga mahahalagang gamit ng 3 mga Profs. ng USM, natangay matapos na ma-hold-up sa Datu Montawal, Maguindanao

(Datu Montawal, Maguindanao/July 16, 2012) ---Hinold-up ng mga di pa nakilalang mga salarin ang mga Professors ng University of Southern Mindanao o USM habang binabaybay nila sakay sa kanilang kotse ang National Highway ng Datu Montawal, Maguindanao nitong gabi ng Sabado.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na sina University Prof. Dr. Cayetano Pomares kasama ang Misis nitong si Milagrina at ang isa pang kasama na si Evelyn Esteban.

67-anyos na negosyante patay sa panghohold-up sa Kabacan; Prof. naman ng USM hinold-up din sa Datu Montawal, Maguindanao

(Kabacan, North Cotabato/July 16, 2012) ---Dead on Arrival sa Hospital ang isang negosyante makaraang pagbabarilin sa mismong tindahan nito ng mga di pa nakilalang mga suspek na nasa Roxas St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:00 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala ni Police Chief Inspector Tirso Pascual ng Kabacan PNP ang biktima na si Freddie Gambalan, 67-taong gulang, may asawa at residente ng Maria. Clara Extension, Poblacion ng bayang ito.

Buwaya, nakapuga sa Mini Zoo sa Kidapawan City

(Kidapawan City/July 16, 2012) ----Patuloy ngayong ang paggalugad ng Rescue Team ng Kidapawan City makaraang makatakas ang buwaya sa mini zoo ng Kidapawan City nitong Sabdo ng madaling araw habang kasagsagan ng pagbuhos ng ulan. 

Mga batang paslit nabigyan ng libreng tsinelas sa isinagawang Oplan Krislam sa bayan ng Kabacan; libreng tuli, gupit at medical mission

(Kabacan, North Cotabato/July 16, 2012) ---Bakas sa mukha ng mga bata ang saya matapos na mabigyan ang mga ito ng libreng tsinelas bukod pa sa mga pagkain sa isinagawang supplemental feeding at medical mission na isinagawa kasabay ng paglulunsad ng Task force Krislam sa Purok Chrislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato nitong Sabado.
 
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Vice Mayor Pol Dulay na nagiging kawawa ang mga kabataan na siyang deriktang naaapektuan ng masamang dulot ng paggamit ng illegal na droga.

PD PSSUPT. Cornelio Salinas
Ang Purok Krislam sa bayan ng Kabacan ay naging bantog hindi lamang dito sa probinsiya ng North Cotabato kundi maging sa South west Mindanao, dahil sa mga illegal drug traders na dito kumukuha ng supply ng shabu, ito ayon sa PDEA, PNP at maging sa ilang mga lokal na opisyal.

LGU Kabacan, nangunguna sa buong North Cotabato sa Gawad Pamana ng Lahi ng DILG

(Kabacan, North Cotabato/July 16, 2012) ---Pasok na sa Regional Level ang LGU Kabacan bilang nominado sa Gawad Pamana ng Lahi sa Provincial Category matapos ang isinagawang evaluation batay sa tatlong criteria na inilatag ng Department of Interior and Local Government o DILG.

Ayon kay Administrative Officer Cecilia Facurib dumaan sa butas ng karayom ang masusing pagsisiyasat sa lahat ng dokumento ng pamahalaang lokal mula sa over-all performance ng LGU, Innovation at mga awards.

Sa 17 mga munisipyo at isang lungsod ng probinsiya ang bayan ng Kabacan ang nangunguna at namumukod tangi sa mga LGU sa North Cotabato dahilan para ilaban ito sa iba pang mga lungsod at munisipyo sa Rehiyon dose.

26 na mga Rescue Volunteer ng Kabacan Incident Quick Response Team, sumailalim sa Basic Swimming & Water Rescue

(Kabacan, North Cotabato/July 16, 2012) ---Sumailalim sa isang araw na pagsasanay sa Basic Swimming & Water Rescue ang 26 na mga Rescue volunteer ng Kabacan Incident Quick Response Team sa Waterland Resort na nasa Brgy. Osias, Kabacan, Cotabato kahapon.

Ayon kay Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Dr. Cedric Mantawil ang nasabing training ay bahagi ng kanilang paghahanda sa anumang sakuna na di inaasahang mangyayari.