(Kabacan, North Cotabato/July 16, 2012) ---Bakas
sa mukha ng mga bata ang saya matapos na mabigyan ang mga ito ng libreng
tsinelas bukod pa sa mga pagkain sa isinagawang supplemental feeding at medical
mission na isinagawa kasabay ng paglulunsad ng Task force Krislam sa Purok
Chrislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato nitong Sabado.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Vice Mayor Pol
Dulay na nagiging kawawa ang mga kabataan na siyang deriktang naaapektuan ng
masamang dulot ng paggamit ng illegal na droga.
PD PSSUPT. Cornelio Salinas |
Ang Purok Krislam sa bayan ng Kabacan ay
naging bantog hindi lamang dito sa probinsiya ng North Cotabato kundi maging sa
South west Mindanao, dahil sa mga illegal drug traders na dito kumukuha ng
supply ng shabu, ito ayon sa PDEA, PNP at maging sa ilang mga lokal na opisyal.
Pero ayon sa kanilang Purok President na si
Ginoong Bobby, hindi naman umano lahat ng mga taga-purok Chrislam ay mga
masasama dahil karamihan sa kanila dito ay biktima lamang ng mga dayong bumibenta
ng illegal na droga.
Kaugnay nito, sensiro ngayon ang pamunuan ng
Cotabato Police Provincial Office na pinamumunuan ni SSupt. Cornelio Salinas na
buwagin na ang mga illegal na Gawain sa Purok Krislam sa henerasyong ito, sa
pamamagitan na rin ng pagtatag ng Task force Krislam na siyang tututok sa mga
illegal na gawin sa lugar.
Nasasangkot ang ilan sa pagbebenta ng
illegal na droga dahil, ito lamang umano ang nakikita nilang hanapbuhay na
madali ang pera at walang kahirap-hirap, pero ang di masagi sa isipan ng mga
ito ay kung gaanu ka delikado ang isang tao kung malulong sa masamang droga at
ang parusang naghihintay para dito.
Kaya naman may mga itinalaga ng mga dagdag
na pulis, sundalo at BPAT na siyang tututok mga pinagdududahang pumapasok sa
erya.
Nagkaroon din ng signing of covenant ang mga
lokal na opisyal, PNP, NGO’s, academe at iba pang sektor bilang suporta nila sa
nasabing programa na labanan ang illegal na droga. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento