(Kabacan, North Cotabato/July 20, 2012) ---Isasagawa
sa araw ng Lunes Hulyo a-23, 2012 ang isang prayer rally bilang pagkondina sa
mga nangyayaring krimen partikular na ang sunod-sunod na mga patayan sa
Kabacan.
Magsisimula ang nasabing prayer rally alas
7:30 ng umaga na magsisimula sa Municipal Hall na lalahukan ng mga LGU
employees Association, Local Council of Women, Municipal Youth and child at mga
lokal na opisyal ng Kabacan.
Hinikaya’t ang bawat isa na suportahan ang
nasabing prayer rally at magsunot ng kulay itim na T-shirt.
Hinikaya’t din ng LGU Kabacan ang lahat ng
sector kabilang na ang transport, business at maging ang mga pribado at
pampublikong paaralan sa bayan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento