Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Counter-affidavit ng mga kinasuhan sa Tentorio killing inihahanda na

(Kidapawan City/Feb 25, 2012) ---Hindi pa man nakakarating sa kanila ang kautusan ng Prosecution para sagutin ang mga akusasyon, inihahanda na ng tatlo sa mga akusado sa pagpatay sa pari’ng Italyano ang kani-kanilang mga counter-affidavit.          Ayon kay Jun Obello, ang public affairs chief ni Cotabato 2nd district Congresswoman Nancy Catamco, pinaghahandaan na ng abogado nila ang mga ihahayag sa korte.         ...

Arakan Mayor Tuble iniharid na sa kanyang huling hantungan

(Arakan, North Cotabato/February 25, 2012) --- Dinaluhan ng mga opisyal at mga kasamahan sa gobyerno, mga kaanak, kapamilya, mga kaibigan at mga constituents sa bayan ng Arakan ang libing ni Arakan Mayor Gerardo Tuble, kanina. Ang necrological services para kay Tuble ay isinagawa kahapon. Nabatid na si Tuble ay mahigit dalawang taon pa lang na nagsisibi bilang mayor ng Arakan. Naglingkod na rin siya ng siyam na taon bilang konsehal ng bayan.         ...

Misis nalapnos ang mukha matapos sinabuyan ng asido ni Mister sa Kidapawan city

(Kidapawan city/February 25, 2012) ---Patung-patong na kaso ang isinampa ni Mildred, ‘di niya tunay na pangalan, laban sa mister niya’ng si David, matapos sabuyan siya nito ng asido habang nasa trabaho sa Kidapawan City, kamakaylan. Kinasuhan ni Mildred ang mister ng serious physical injuries, physical at psychological abuses sa ilalim ng Republic Act 9262 o Violence Against Women and Children o VAW...

Wanted person, huli ng Matalam PNP

(Matalam, North Cotabato/February 24, 2012) ---Nahuli kamakailan ang isang wanted person na si NORMAN PACIA ESELLER alias Palito, Norman Robles at Reman Robles, 49 anyos, magsasaka at residente ng Purok 5, Brgy. Lower Malamote, Matalam Cotabato ng Matalam PNP sa pangunguna ni...

Motorsiklo; ninakaw sa Matalam, North Cotabato

Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; ...

2 mga bata huli matapos magbenta ng mga nakaw na gamit sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/February 24, 2012) ---Dahil na-konsensiya ang kaibigan ng mga magnanakaw, isinuplong sila nito sa mga awtoridad sa bayan ng Kabacan. Isang bakla ang nagtungo sa himpilan ng Kabacan PNP at isinumbong ang nakawang nangyari sa isang boarding house sa Poblacion ng Kabacan, noong Lune...

Nurse na nag-tweet ng masasakit na salita patungkol sa biktima ng pagsabog sa Kidapawan City nag-isyu ng public apology; Phil Red Cross naglabas din ng pahayag patungkol sa isyu

(Kidapawan city/February 24, 2012) ---Humihingi ngayon ng paumanhin sa publiko ang nurse ng Kidapawan Doctors Hospital na nag-tweet ng masasakit na salita patungkol sa nasawi’ng Red Cross volunteer na si Benny Balmediano.          Inamin ni Carla Kristine Piamonte na nagi’ng immature siya nang bitawan niya ang masasakit na Tweet sa kanyang Tweeter account. Sinabi ni Piamonte na hindi raw niya binalak gawi’ng subject ng katatawanan ang nangyari kay Balmedian...

Close monitoring sa mga peace programs ng gobyerno, hiniling ng isang kongresista sa North Cotabato

Written by: Roderick Bautista (Midsayap, North Cotabato/February 24, 2012) ---Hiniling ni North Cotabato First District Representative Jesus “Susing” Sacdalan sa mga punong barangay ng 12 barangay beneficiaries ng Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA Program na bantayan ang pagpapatupad ng natukoy na programa sa kanilang lugar. Bilang Chairperson ng House Special Committee on Peace, Reconciliation and Unity, ginawa ito ni Cong. Sacdalan upang maipaalam sa mga barangay captains ang kanilang mahalagang responsibilidad sa ikatatagumpay ng nasabing...

Edukasyon, tulay sa pagsasalin ng indigenous knowledge

Written by: Roderick Bautista (Midsayap, North Cotabato/February 24, 2012) ---Nagsama- sama ang iba’t- ibang grupo ng mga katutubo sa buong bansa sa tatlong araw na Second National Conference on Indigenous Knowledge na ginanap sa Midsayap, North Cotabato.  Layunin ng pagtitipon na maibahagi ang mga karanasan at isinagawang pag-aaral o research mula sa indigenous peoples sa iba’t- ibang bahagi ng Pilipinas. Tinalakay din ang kahalagahan ng mas malawak na pag- intindi sa katutubong kaugalian, mga national and international laws at ang relasyon...

Kakaibang Saging sa Kabacan?

Written by: Rhoderick Beñez (Kabacan, North Cotabato/February 21, 2012) ---Agaw atensiyon ngayon sa ilang mga residente ng 2nd Block, Villanueva subdivision, Kabacan, Cotabato ang isang puno ng saging na may kakaibang bunga. Nag-iisa lamang na nakatayo ang nasabing puno ng saging sa isang pribadong bahay sa nabanggit na subdivision. Wala pa namang pahayag ang may ari kungsaan galing ang naturang saging na dikit dikit ang mga bunga ni...

Kasong Murder isinampa sa 4 kataong itinuturong suspek sa pagpatay kay Fr. Tentorio

(Kidapawan City/ February 24, 2012) ---Sinampahan na ng kasong murder ng National Bureau of Investigation (NBI),ang apat na kala­lakihan na isinangkot sa pagpatay sa Italian missionary na si Fausto Tentorio, sa Provincial Prosecutor ng Kidapawan City, North Cotabato. Kinumpirma ni NBI officer-in-charge Nonnatus Caesar Rojas, sa ginanap na news conference, ang pagsasampa ng kaso laban kina Jose Sultan Sampulna, Dima Maligudan Sampulna, Robert Ato, at Jimmy Ato....

Lalaki; tiklo sa pagnanakaw ng alagang hayop sa Kabacan, Cotabato

Written by: Jaymarie Intes (Kabacan, Cotabato/February 24, 2012) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang isang Luminda Sekong makaraang aktong nahuli habang kinakalagan nito ang alagang hayop ni Datukan Abdullah kapwa residente ng Sitio Lumayong, Kabacan, Cotabato noong tanghali ng Martes. Batay sa report ng Kabacan PNP, caught in the act umano si Sekong habang kinukuha nito ang alagang hayop na kambing ng may-ari malapit sa isang irrigation canal ng nasaabing luga...

46 households sa Kabacan, Positibo sa Aedes Mosquito

Written by: Rhoderick Beñez (Kabacan, North Cotabato/February 24, 2012) ---Positibo ang aptnapu’t anim (46) na mga pamilya sa bayan ng Kabacan sa Aedes Mosquitos, itinuturing ng mga eksperto na carrier o nagdadala ng sakit na dengue at malaria. Ito ang napag-alaman mula kay Kabacan Sanitary Inspector Naga Sarip, Jr., sa isinagawa nilang Random Larvae Sampling kahapon sa ilang mga piling lugar sa bayan ng Kabacan...

Bata sugatan sa isang vehicular accident sa Kabacan, Cotabato

Written by: Ferdinand Miano (Kabacan, North Cotabato/February 24, 2012) ---Sa ulo ang sugat ng apat na taong gulang na bata makaraang mahagip ng isang sasakyan sa Lapu-Lapu St., Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong ala 1:00 ng hapon kamakalawa.                                                                                                 ...

Philippine dental Association (PDA) North Cotabato Chapter; maglulunsad ng programa sa isang brgy sa Kabacan, Cotabato

Written by: Anthony Henilo (Kabacan, North Cotabato/February 23, 2012) ---Napili ang Barangay Pisan dito sa bayan ng kabacan ng Philippine Dental Association (PDA) North Cotabato para sa kanilang gagawing Environmental Activity. Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan kay Kabacan Councilor Jonathan Tabara mag aadopt umano ang Naturang Grupo ng isang ektaryang lupain sa Reforestation area ng Barangay Pisan kung saan ito ay tataniman nila ng punong kahoy...

(Update)DILG Secretary Jesse Robredo bumisita sa Kidapawan City; text message kumakalat sa Kid City: banta ng pambobomba

(Kidapawan City/February 23, 2012) ---Pinarangalan ang dalawampu’t pito sa mga nasugatan sa naganap na terorismo noong nakaraang Lingo sa Kidapawan City jail na ikinasawi ng 3 katao, kabilang na dito ang isang Red Cross Volunteer at dalawang iba pa. Personal na bumisita ngayong umaga si DILG secretary Jesse Robredo dito sa lungsod, upang kilalanin at kumustahin at bigyang parangal ang mga nasugatang mga kasapi ng Bureau of Fire Protection at isang...

Pagpapalawig sa Renewal ng Franchise ng mga tricycle Drivers at Operators sa bayan ng Kabacan; hanggang bukas na lamang

Written by: Rhoderick Beñez (Kabacan, North Cotabato/February 23, 2012) ---Iginigiit ngayon ng ilang mga tricycle drivers at operators sa bayan ng Kabacan ang pagpapalawig ng renewal sa pagkuha ng kanilang prangkisa. Bagama’t ang inaprubahan ng Sanggunian ay mula Enero 1 hanggang a-31 lamang, sinabi ngayon ni Secretary to the Sangguniang Bayan Beatriz Maderas na binigyan nila ng palugit hanggang bukas na lamang (Pebrero a-24) na lamang ang extension na walang penalty official receipt at certificate of registration....

USM Red Cross Chapter nagpaabot ng pakikiramay sa nasawing kasama nila

Written by: Anthony Henilo (Kabacan, Cotabato/February 23, 2012) ---Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng University of Southern Mindanao o USM Red Cross chapter sa pangunguna ng kanilang adviser na si Rafael Abellera sa mga naulilang pamilya ni Benny Balmediano. Nasawi si Balmediano habang kinukuha ang mga sugatan sa pagsabog sa may Molos videoke House noong linggo ng gabi matapos ang nangyaring grenade blasts at Jail Attack sa Kidapawan Ci...

DILG Robredo makipagpulong sa mga matataas na opisyal ng North Cotabato

Written by: Rhoderick Beñez (Kidapawan City/February 23, 2012) ---Makipag-pulong ngayong araw si DILG secretary Jessie Robredo kay Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at Mayor Rodolfo Gantuango hinggil sa paglilipat ng 16 na mga high profile inmates sa News bilibid prisons. Ito matapos hiniling ni Gov. Mendoza kay Pangulong Aquino na tingnan ang kanilang concern sa 16 na inmates dahil wala pa umanong tugon dito ang DILG at DoJ...

Ika-27 buwang anibersaryo ng Maguindanao Massacre, gugunitain ngayong araw

Written by: Rhoderick Beñez (Kabacan, North cotabato/February 23, 2012) ---Muling gugunitain ng mga mamamahayag mula sa North Cotabato ang naganap na Ampatuan-Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23, 2009 na ikinamatay ng 57 mga tao kasama na ang mahigit sa 30 mga kagawad ng media. Ayon kay National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) Kidapawan Chapter Pres. Malu Cadaleña Manar, mag-aalay ng panalangin, bulalak, magtitirik ng kandila at...

Salpukan ng dalawang motorsiklo naitala sa Carmen PNP

Written by: Ferdinand Miano (Carmen, North Cotabato/February 22, 2012) ---Isang Vehicular traffic accident ang nangyari kamakalawa ng hapon sa Carmen North, Cotabato. Ang nasabing insidente ay nangyari sa Sampaguita avenue at Pao st. Carmen Cotabato. Ayon sa initial na imbistigasyon ng Carmen PNP lulan umano ang biktima ng isang single motorcycle, Kawasaki na may plate number MJ 3297. nakilala ang biktima na si Rubely Tamolin, 25 anyos, may asawa at resident eng Purok. 1 Poblacion Carmen, Cotaba...

ICRC, kinondena ang tangkang jail break sa Kidapawan City

Written by: Jaymarie Intes (ICRC/February 22, 2012) ---Nababahala ngayon ang International Committee of the Red Cross (ICRC) matapos masawi ang isa sa mga Philippine Red Cross volunteer habang nasa gitna ng trabaho. Sa isang kalatas na ipinadala ng ICRC sa DXVL FM-Radyo ng Bayan, nagpaabot ng seryosong pag-alala ang mga ito sa sitwasyon ng kanilang mga volunteer matapos tahasang gumamit ng mga kagamitang nakamamatay ang mga responsableng suspek na nagresulta sa matinding pinsala at...

Karagdagang RTC Branch sa Region XII, isinusulong ng isang kongresista sa North Cotabato

Written by: Roderick Bautista (Midsayap, North Cotabato/February 22, 2012) ---Inihayag mismo ni Regional Trial Court Branch 18 Presiding Judge George Jabido na sa lalung madaling panahon ay magkakaroon ng bagong RTC Branch sa Region XII. Cong. Jesus "Susing" Sacdalan Inansunsyo ito ni Judge Jabido sa Congressional District Office, Midsayap, Cotabato sa harap ng mga barangay captains at iba’t ibang sektor na dumalo sa isang pagtitipon. Sa dami...

(Update 4) Seguridad ng Kidapawan city PNP, hinigpitan matapos ang blast grenade at at jail attack sa BJMP; Mataas na opisyal ng Kidapawan City PNP ni-relieve

Written by Rhoderick Beñez (Kidapawan City/February 22, 2012) ---Agad na hinigpitan na ngayon ang seguridad sa City Jail ng Kidapawan matapos ang nangyaring grenade blast at jail attack noong Linggo ng gabi.  Kaugnay nito, patuloy ngayong isinasagawa ang fact-finding investigation ng mga otoridad sa nasabing insedente. Ito ang sinabi ni P/Senior Supt. Cornelio Salinas, Provincial Director ng Cotabato Police Provincial Office, bagama’t may nauna nang report na grupo ni Lastikman ang nasa likod ng nasabing pang-atake, naghahanap naman ngayon...

Mga Red Cross volunteers sa North Cotabato nagluluksa sa kamatayan ng isa nilang kasama

(Kidapawan City/February 22, 2012) ---Itinuturing na ‘bayani’ sa larangan ng volunteerism ng mga Red Cross volunteers si Benny Balmediano, driver ng PRC vehicle at kasama sa PRC team na rumesponde sa grenade blasts at jail attack sa Kidapawan City, noong Linggo.           Nasawi si Balmediano habang kinukuha ang mga sugatan sa mga pagsabog sa may Molos Videoke House, noong gabi’ng yun.         ...

MILF wala pang kumento hinggil sa ulat na pag-apruba ni Pnoy sa Muslim Autonomy sa Mindanao

Written by: Rhoderick Beñez Kung si Moro Islamic Liberation Front o MILF spokesperson Von Al Haq ang tatanungin, wala pang kumento ang MILF hinggil sa ulat na pag-apruba ng Pangulong Benigno Aquino III sa panawagang pagbuo ng isang Muslim Autonomy state sa Mindanao. Ito ang sinabi ng opisyal sa DXVL – Radyo ng Bayan dahil kasalukuyang nag-uusap pa umano ang gobyerno ng Pilipinas at ang MILF at hindi pa natatapos ang mga mahahalagang isyu tungkol...

National Quality Seed Control-BPI Midsayap nagsasagawa ng Field Inspection sa Seed Production areas ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/February 21, 2012) ---Patuloy ngayon ang ginagawang field inspection ng National Quality Seed Control na nakabase sa Bureau of Plant Industry o BPI Midsayap sa dalawang mga barangay ng Kabacan na sinasabing seed Production areas ng bayan. Ito ang napag-alaman mula kay Kabacan Municipal Seed Inspector Dominador Bisnar Jr., para matiyak ang kalidad ng mga binhi ng palay na makakapasa sa standard ng National Quality Seed Contro...

4P’s Beneficiaries ng Kabacan di pa umabot sa target

Written by: Delfa Vanea Cuenca (Kabacan, North Cotabato/February 21, 2012) ---Kulang-kulang apat na libu lamang ang mga validated beneficiaries ng pantawid pamilyang Pilipino Program dito sa Kabacan mula sa 5,018 registered beneficiaries ng National Office. Nabatid mula kay MSWD Officer Susan Macalipat na abot lamang sa 3,420 ang opisyal na naitala sa kanilang tanggapan as of this time. Kaugnay nito, nagpapatuloy pa rin ang ginagawa nilang validation sa mga beneficiaries na hindi pa nakapagsumite ng kanilang mga kaukulang dokument...

Kabacan BFP; Nanawagan sa mga Nagbebenta ng di-takal na gasolina na kumuha ng business permit

Written by: Anthony Henilo (Kabacan, North Cotabato/February 21, 2012) ---May pagkakakilanlan na ngayon ang pamunuan ng Kabacan Bureau of Fire Protection hinggil sa mga nagbebenta ng de takal na gasolinahan sa bayan o yung mas kilala sa bote-bote o di-boteng gasolina dito sa bayan ng kabacan. Sa panayam ng DXVL Radyo ng Bayan kay Kabacan Sr. Fire Inspector  Ibrahim Guimalon, Napag-alaman na sa kanilang ginawang Massive Inspection kasama ang Kabacan PNP, Humihingi ng palugit ang mga nag-ooperate ng de-takal na gasolina na kung maari ay ubusin...

(update) Transfer ng 17 mga preso sa Kidapawan City iginiit

(Kidapawan City/February 21, 2012) ---Labing anim pang mga preso sa Kidapawan City Jail ang itinuturing na ‘high-profile’ o ‘high-risk’. Ibinunyag mismo ito ni City jail warden, Inspector Nimrod Valena, sa ipinatawag na emergency meeting ni City Mayor Rodolfo Gantuangco, ang chairman ng City Peace and Order Council (CPOC) meeti...

55-anyos na negosyante, pinagbabaril; patay

Written by: Rhoderick Beñez   (Kabacan, North Cotabato/February 21, 2012) ---Patay ang isang 55-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga riding in tandem sa brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 10:45 kahapon ng uma...

USM Pres Derije, ginawaran ng Outstanding Veterinarian in Education Awards

Written by: Efrily Lao (USM, Kabacan, North Cotabato/February 20, 2012) ---Outstanding Veterinarian in Education ang iginawad kay University of Southern Mindanao Pres Dr. Jesus Antonio Derije nitong February 15-17 2012 sa Bacolod city.                                                                                                                      ...

2nd Gov. Lala Taliño Mendoza Summer Peace Camp; pinaghahandaan na

Written by: Rhoderick Beñez (Kabacan, North Cotabato/February 20, 2012) ---Ngayon pa lamang ay maaga ng pinaghahandaan ang gagawing 2nd Gov. Lala Taliño Mendoza Summer Peace Camp dito sa bayan ng Kabacan na lalahukan ng lahat ng mga grade 5 pupils mula sa iba’t-ibang paaralang elementarya hindi lamang sa bayan ng Kabacan kundi maging sa buong probisi...

Pet Show 2012; Gaganapin dito sa USM

Written by: Anthony Henilo (USM, Kabacan, North Cotabato) ---Inaabangan na ngayon ng mga estudyante ng University of Southern Mindanao at lahat ng mga Pet Owner dito sa probinsiya ng North Cotabato ang gaganaping Pet Show 2012 bilang isa sa highlights ng VetMed Week ng College of Veterenary Medici...

Ilang mga opisyal ng North Cotabato; isasailalim sa workshop hinggil sa Poverty Reduction

Written by: Vanea Delfa Cuenca (Kabacan, North Cotabato/February 20, 2012) ----Pangungunahan ng National Anti- Poverty Commission ( NAPC ) ang gagawing province-wide orientation and action planning workshop on poverty reduction and empowerment sa ilang mga opisyal ng North Cotabato na gagawin sa araw ng bukas Pebrero a-21 sa AJ Hi-time Hotel, Kidapawan City. Nabatid sa isang kalatas mula kay Provincial Director Ali Abdullah na layon ng nasabi...

(Update) Tatlo katao patay, 13 sugatan nang atakehin ng mga armadong lalaki ang Kidapawan City Jail

(Kidapawan City/February 20, 2012) ---Tatlo katao ang patay, habang 13 ang sugatan, nang atakehin ng mga di kilalang armadong lalaki ang Kidapawan City Jail, kagabi, ayon kay         Kinilala ang mga namatay na sina Benny Balmediano, driver ng Philippine Red Cross-Kidapawan sub-chapter; Ian Carlos Sevilla; at Mark Anthony Morales.          Sina Sevilla at Morales ay dalawa sa mga nag-iinuman sa isang videoke bar na matatagpuan, ilang metro lang ang layo...

Misis patay, mister sugatan nang pagbabarilin sa Kidapawan City

(Kidapawan City/February 20, 2012) ---Patay ang isang ginang habang sugatan naman ang asawa nito makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang mga suspect habang nasa puwesto nila sa ladlaran sa labas ng palengke, partikular sa may Villamarzo Street sa Kidapawan City, alas-7 ng gabi, kamakalawa. Kinilala ng mga pulisya ang namatay na si Monera Tacukin habang sugatan ang mister nito’ng si Ibrahim Tacukin...

3 katao patay, 13 sugatan nang atakehin ng mga armadong lalaki ang Kidapawan City Jail

(Kidapawan City/February 20, 2012) ---Tatlo katao ang patay, habang 13 ang sugatan, nang atakehin ng mga di kilalang armadong lalaki ang Kidapawan City Jail, kagabi, ayon kay          Kinilala ang mga namatay na sina Benny Balmediano, driver ng Philippine Red Cross-Kidapawan sub-chapter; Ian Carlos Sevilla; at Mark Anthony Morales.          Sina Sevilla at Morales ay dalawa sa mga nag-iinuman sa isang videoke bar na matatagpuan, ilang metro lang ang layo...

32 tray ng itlog ninakaw sa isang duck raising business sa Kabacan

Written by: Rhoderick Beñez  (Kabacan, North Cotabato/February 19, 2012) ---Nilooban ng sampung di pa nakilalang mga armadong kalalakihan ang isang Duck Raising Business sa Prk. 6 Brgy. Osias, Kabacan Cotabato dakong alas 11:00 ng gabi nitong Sabado. Ayon sa may-ari na si Welfredo Sequita Jr., residente ng Mapanao St., ng nabanggit na bayan pinasok umano ng mga armadong kalalakihan na may dalang anim na short fire arms na kalibre .45 at dalawang long fire arms na ...

Mga heavy equipment sa Kidapawan city; sinunog ng mga NPA

(Kidapawan City/February 20, 2012) ---Sinunog ng mga di pa nakilalang mga armado ang isang heavy equipment na pag-aari ng isang pribadong construction firm alas 5:30 noong Sabado sa Kidapawan city. Ayon kay Chief of investigation ng Kidapawan city PNP Rolando Dillera, sinasabing mga lima katao ang pinaniniwalaang suspek na sakay sa dalawang motorsiklo ang pumunta sa Purok-5, Barangay San Roque at agad na binuhusan ng gasolina ang 10-wheeler dumptruck...