Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga matagumpay na programa at mga hamon sa liderato ni Cot. Governor Taliño-Mendoza tampok sa kanyang SOPA bukas

Written by: Jimmy Santa Cruz

CARMEN, Cotabato (Mar.3) – Ihahayag ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang mga programa at proyektong matagumpay na naisagawa ng Provincial Government of Cotabato sa loob ng nakalipas na isang buong taon (2013) sa State of the Province Address o SOPA sa darating na March 4, 2014.

Ibibigay ng gobernadora ang kanyang SOPA sa bulwagan ng Carmen Municipal Hall, Carmen, Cotabato alas-nuwebe ng umaga sa nabanggit na araw kung saan inaasahan ang pagdalo ng mula lima hanggang pitong libo tao mula sa 17 munisipyo at nag-iisang lungsod ng Kidapawan.

Turn-over ng road concreting sa Kapayawi-Bao road at mass turn-over ng rural infra subprojects ng DA MRDP gagawin sa Libungan, Cotabato

LIBUNGAN, Cotabato (Mar 3) – Pormal ng isasalin sa kamay ng mga opisyal ng Barangay Kapayawi sa Libungan, Cotabato ang katatapos lamang na Kapayawi-Bao na proyekto n Dept. of Argiculture – Mindanao Rural Development Project o DA-MRDP.

Ito ay sa gagawing on site ceremonial turn-over ng proyekto sa March 6, 2014 ganap na alas-nuwebe ng umaga sa nabanggit na lugar.

Ayon kay DA 12 Regional Executive Director Amalia Jayag-Datukan, ang Kapayawi-Bao road concreting project ay may habang 13.2 kilometro. Kasama sa road concreting ang 20 linear meter single lane bridge at isang box culvert. Abot naman sa P 37,854,735.32 ang pondon inilaan sa proyekto.

Kasong Murder na isinampa kina Mayor Herlo Guzman Jr., at dalawang iba pa, ibinasura ng DOJ

(Kabacan, North Cotabato/ March 3, 2014) ---Tuluyang ng ibinasura ng Department of Justice o DOJ ang kasong murder na isinampa laban kina Mayor Herlo Guzman, Jr., Councilor Jonathan Tabara at dating SB member Jabib Guiabar matapos na ituro ang mga ito na mastermind sa pagpatay kay dating Vice Mayor Policronio Dulay.

Kawalan ng sapat na ebedensiya na magdidiin sa tatlo na sila ang utak upang ipapatay ang dating opisyal ang dahilan kung bakit i-dinissmiss ng DOJ Manila ang nasabing kaso batay sa anim na pahinang resolusyon na inilabas noong Disyembre a-20, 2013.