Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

City LGU naghigpit sa renewal ng prangkisa ng tricycle

KIDAPAWAN CITY (December 29, 2011) – Mga Operator na ng tricycle ang pinadalo ng City Tricycle Franchising and Regulatory Board (CTFRB) sa seminar patungkol sa isyu ng trapiko na requirement para ma-renew ang kanilang tricycle franchises.

Ayon sa CTFRB, mas maige nang operator ang dumalo sa mga seminar nila upang mabatid kung ano ang mga responsibilidad nila bilang may-ari ng tricycle na bumibyahe sa highway ng lungsod.

Sa mga training na isinagawa, nabatid na marami sa mga operator ang kulang ang kaalaman tungkol sa trapiko.

Pagkatapos ng training, isasagawa ng CTFRB ang pag-inspect sa mga tricycle – kung kumpleto ba ang iba nila’ng mga papeles, gumagana ba ang head at tail lights ng kanilang sasakyan, kumpleto ba sa mga salamin, at iba pang mahahalagang gamit sa loob.

Layon nito na maibigay sa publiko ang mahusay at maayos na serbisyo ng mga tricycle.  

Mga alumni ng Catholic schools sa Kidapawan City nanguna sa tree planting sa isang watershed sa Mount Apo

KIDAPAWAN CITY (December 29, 2011) -- KULANG-KULANG isang daang mga Lawa-an seedling ang itinanim ng mga graduates o alumni ng Notre Dame of Kidapawan for Boys and for Girls batch 1979 sa watershed sa may Mount Apo na bahagi ng reserved area ng Metro Kidapawan Water District (MKWD).

Bandang alas-7 ng umaga kahapon tinungo ng may 100 ring alumni ng naturang mga Catholic schools ang Barangay Perez sa Kidapawan City para gawin ang tree planting.

Ayon sa grupo, kontribusyon nila ang tree planting para solusyonan ang problema sa global warming.

Ang pagkakalbo kasi ng kagubatan ang isa sa mga dahilan kung bakit nararanasan ng maraming lugar sa Mindanao ang baha at pagguho ng lupa.

Ang Lapa-an Dam ay nasa bahagi ng watershed ng MKWD na isa sa pinakamahalagang pinagkukuhan ng tubig-maiinom ng daan-libong mamamayan sa Kidapawan City, Makilala, at Matalam sa lalawigan ng North Cotabato.  

Kapitan ng barangay, misis nito sugatan matapos bumaliktad ang motorsiklo sa putol na four-lane road sa Kidapawan City

KIDAPAWAN CITY (December 29, 2011) -- ISA NA NAMANG motorista ang nadisgrasya sa putol na four-lane highway sa may Barangay Lanao sa Kidapawan City.

Kinilala ang biktima ng vehicular accident na si Kapitan Rogelio Bautista ng Barangay Katipunan.

Sugatan rin ang misis niya’ng si Vilma na angkas niya.

Ayon sa report, minamaneho ni Kapitan Bautista ang kanyang motorsiklo at binabaybay ang kahabaan ang highway nang biglang bumaliktad matapos mahulog sa putol na bahagi ng four-lane road, partikular sa harap ng isang machine shop, bandang alas-otso ng gabi, kamakalawa.

Di raw kasi napansin ni Bautista ang putol na highway.

Walang ilaw sa erya.

Wala ring warning sign na inilagay ang DPWH First Engineering District, ayon kay Aling Vilma.

AGAD ISINUGOD sa Kidapawan Medical Specialist Center si Kapitan Bautista para lapatan ng lunas.

Ayon sa report, kritikal ang kondisyon ng biktima matapos magtamo ng galos sa ulo at sa iba pang bahagi ng kanyang katawan, habang ang misis niya’ng si Vilma nasa ligtas nang kalagayan.

ANG mag-asawang Bautista ay ilan lamang sa napakarami nang mga motorista na naaksidente sa putol na four-lane road.

Dahil madilim ang highway at wala pang warning sign, madalas bumabaliktad ang mga motorsiklo kapag napapadaan sa putol na kalsada.

Saka lamang naglagay ng warning sign ang DPWH matapos masangkot sa aksidente si Kapitan Bautista sa naturang erya, ayon sa ilang mga residente ng lungsod.  

Mga daan-daang pamilya mula sa binahang mga barangay sa Kabacan inilikas sa highway

KABACAN, North Cotabato (December 29, 2011) – DELIKADO ang sitwasyon ng mahigit 100 pamilya mula sa mga binahang barangay sa bayan ng Kabacan, North Cotabato matapos na magtayo sila ng tent sa may Kabacan-Carmen highway, kahapon.
      
Ang makipot na highway kasi ang ginawang pansamantalang evacuation site ng mga lumikas na pamilya mula sa mga barangay ng Kayaga at Lumayong sa bayan ng Kabacan.
      
Kahit peligroso, nagtitiis ang mga bakwit, ‘wag lang nila’ng sapitin ang dinanas ng mga taga-Iligan at Cagayan de Oro.
   
SIMULA kahapon, lubog sa tubig-baha ang mga pananim na mais at palay sa mga barangay ng Kayaga, Lumayong, at Pedtad sa bayan ng Kabacan at Barangay Bulit sa Pagagawan, Maguindanao makaraang rumagasa ang tubig-baha mula sa umapaw na dam ng National Irrigation Administration o NIA sa Valencia, Bukidnon.

Ayon sa report, tumaas ang tubig sa Pulangi River nang halos dalawang metro.

Umangat din ang Kabacan River na konektado sa Rio Grande de Mindanao.

Ayon pa sa report, patuloy sa pagtaas ang tubig sa Pulangi River at sa mga barangay sa Kabacan na apektado ng pagbaha.

Apektado rin ng pag-apaw ng tubig ang ilang mga barangay sa bayan ng Carmen sa North Cotabato at Pagalungan at Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao – mga lugar na sakop ng Rio Grande de Mindanao.