Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...


Pagpapalakas sa programang pangkalusugan ng gobyerno tinalakay sa Media Seminar on healthy lifestyle
Tiniyak ngayon ng pamunuan ng Departmentof Health o DOH na bibigyan ng prayoridad ang mga mahihirap na residente ng bansa para sa kanilang kalusugan sa patuloy na pagpapalakas ng programang pangkalusugan ng pamahalaan isa na dito ang paglalagay ng Botika sa Barangay.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Dr. Melissa Guerrero ng DOH sa isinagawang Media Seminar on Measles Immunization, Food, Medicine & Healthy Lifestyle dito sa VIP Hotel, Cagayan de Oro City.
Sinabi ni Guerrero na may karapatan ang sinumang mga pasyente na tumanggi o umayaw sa mga branded na mga gamot na nireresita ng mga doctor sa halip ay bumili na lamang ng generic na gamot.
Bilang tugon sa nasabing problema sa mataas na halaga ng gamot na ibinibenta, isa sa mga solusyon na binabalangkas ng gobyerno ng Pilipinas ay ang Private partnership program.
Layon nito na matulungan ang mga mahihirap na mamamayan na maipagamot ang kanilang karamdaman sa abot kayang halaga ng gamutan.
Ngayong umaga ay nakatakda ring tatalakayin ang update hinggil sa tigdas sa bansa,matapos na naalarma na ang Department of Health sa dumaraming kaso ng tigdas sa bansa matapos tumaas ng tatlong doble mula sa 453 kaso noong 2007 sa 1,418 nitong 2010.
Una ng sinabi ni Jenny Ventura ng DOH 12 na katuwang ng kanilang tanggapan ang mga mamamahayag sa pagpapalaganap ng impormasyong ito, aminado rin ang nasabing pamunuan na kulang pa rin ang kanilang information dissemination kung wala ang tulong ng mga kagawad ng media. (RB)


Alkalde ng Midsayap; nanguna sa pagbisita sa mga residenteng naospital sa bayan kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-49 na taong kaarawan ni Midsayap MayorManuel Rabara kamakalawa ay kanyang binisita ang mga may sakit na nakaratay sa mga ospital sa bayan ng midsayap.
Tinungo ng punong ehekutibo ang mga ospital na may dalang pagkain na siyang tanging pasalubong sa mga pasyente tulad ng prutas, tinapay gatas at iba pang mga kailinganin ng mga ito.
Ayon sa opisyal, ang nasabing Gawain ay bilang bahagi ng kanyang programang pangkalusugan na alay sa mga mahihirap na mga kababayan.
Ito din umano ang kauna-unahang pagkakataon na bumisita sa mga pagamutan ang alkalde ng bayan upang bigyang moral support at titingnan ang mga kalagayan ng mga pasyente.
Samantala umabot naman sa 20 kambing 6 na baboy at limang libong mga fingerlings ang ipinamahagi ng municipal agricultural office ng Midsayap para sa mga kasapi ng farmers association sa bawat barangay ng nabanggit na bayan upang papalaguin.
Giit pa ng opisyal na ang nasabing programa ay bilang tulong sa mga magsasaka na kapag dumami na at manganganak ay dapat ibibigay o ibabahagi naman sa ilanpang miyembrong asosasyon.
Lubos naman ang ipinaabot na pasasalamat ng mga residente sa lugar dahilsa nasabing inisyatibo ng local chief executive. (RB)


DXVL (The Morning News)
March 23, 2011

Special Report Part 2

“Drug addiction wag dapat tingnan na moral problem bagkus, isang sakit na dapat gamutin” – ayon sa isang Psychologist ng USM

Sa pagpapatuloy ng ating special report hinggil sa pagpapaliwanag ng isang psychologist ng USM kung bakit nalululong ang isang tao sa ipinagbabawal na gamot…

Ipinahayag ni Virginia Toyongan, isang psychologist ng College of Arts and Sciences, Extension Coordinator ng Department of Psychology ng University of Southern Mindanao na wag dapat kundinahin ang mga taong itinuturing na drug addict.

Bagkus, dapat umanong tingnan ang adiksiyon na isang sakit na dapat gamutin at isailalim ang taong biktima nito sa rehabilitasyon.

Paliwanag pa nito na ang drug addiction ay kagaya din ng cancer na dapat gamutin, isailalim ang biktima sa rehabilitasyon sa pamamagitan ng detoxification o pag-aalis ng kemikal sa katawan ng isang tao na biktima nito sa tulong na rin ng isang set ng mga gamot kontra dito.

Dagdag pa nito, na matapos ang nasabing paggagamot ay isailalim naman ito sa counseling kasama ng kanyang pamilya.

(insert tape Toyongan 2)

Sa tanong na bakit nga ba gumagamit ang isang tao ng ipinagbabawal na gamot sa kabila ng ipinagbabawal ito?

Kaya malaki ang papel na ginagampanan ng mga magulang at ng mundong kanyang ginagalawan para maipalayo o mailapit ang isang tao sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Base sa data ng Kabacan PNP, mula Buwan ng Enero hanggang Pebrero nakapagtala sila ng sampung kaso ng mga taong huli sa aktong gumagamit o nagdadala ng ipinagbabawal na gamot sa bayan ng Kabacan na diritsahang lumalabag sa RA 9165 o dangerous drug Act of 2002.

Kaugnay nito magsasagawa ang Psychology department ng College of Arts and Scieneces ng Addiction Awareness Campaign sa mga grade 6 pupils dito sa bayan ng Kabacan sa darating na March 28, 2011 bilang bahagi ng kanilang extension program, para maibsan kung di man tuluyang masugpo ang problemang ito.

Ilang mga posisyon sa USM, binalasa

Pormal ng initurn-over mula kay OIC for VPAA ng USM Dr. Samson Molao na ngayon ay bagong pangulo ng CFCST ang Vice President for Academic na position kay Dr. Antonio Tacardon.

Initurn-over din kay Dr. Lorna Valdez ang posisyon bilang bagong Director for Instruction

BFP-Kabacan mahigpit pa ring pina-iingat ang publiko

Kahit pa man walang may naitalang sunog sa bayan dahil sa epektibong fire prevention ng pamunuan ng Bureau of fire Protection hinggil sa selebrasyon ng fire Prevention Month ngayong buwan.

Pinaalalahanan pa rin ni Kabacan Fire Senior Inspector Ibrahim Guiamalon ang publiko na mag-ingat lalo sa pag gamit ng mga faulty wirings at sa pag-iwas na rin ng mga octupos connection na karaniwang sanhi ng sunog sa mga pamamahay.

Kaugnay nito nagpapatuloy naman ngayon ang partisipasyon ng BFP sa training ng mga opisyal ng barangay na pinangungunahan ni DILG Officer Jasmin Musaid.

Samantala, naitala  noong sabado ng madaling  araw ang unang sunog  sa lungsod ng cotabato…Dakong alas singko ng umaga ng masunog ang isang shanties sa bahagi ng almonte extension  sa mother barangay  poblacion ng siyudad.

Dahil sa pagtutulungan ng mga kapitbahay na nagbayanihan na  nagsama-sama sa pag-apula ng apoy dahilan upang hindi na ito kumalat pa..dumating din sa lugar  ang mga kagawad ng pamatay apoy ng cotabato city at  Filipino Chinese volunteer fire brigade  ngunit agad namag naapula ang apoy.

Special Report Part 1:

Preventive program kontra sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot mas epektibo para maiwasang malulong ang mga kabataan sa droga- ayon sa isang psychologist ng USM

Batay sa pag-aaral ng psychology kung ang halaga ang pagbabatayan mas mainam umano ang preventive program panlaban para maka-iwas lalo ang mga kabataan sa drug addiction kaysa sa intervention program.

Ito ay ayon kay Virginia Toyongan, isang psychologist ng College of Arts and Sciences, Extension Coordinator ng Department of Psychology ng University of Southern Mindanao.

Dagdag pa nito na nais ng kanilang departamento na maging aktibo sa pagbibigay ng mga preventive program tulad ng mga symposium para mapaalalahanan ang mga bata mula sa kanilang murang edad kung anu ang masamang maidudulot ng paggamit ng ipinagbabawal na droga hindi lamang sa kanilang kalusugan kundi maging sa kanilang kinabukasan.

Kaugnay nito magsasagawa ang Psychology department ng College of Arts and Scieneces ng Addiction Awareness Campaign sa mga grade 6 pupils dito sa bayan ng Kabacan sa darating na March 28, 2011 bilang bahagi ng kanilang extension program.

Isa patay, isa sugatan sa shooting incident sa Matalam, North Cotabato

AGAD binawian ng buhay ang retired seargent na kinilalang si Edmund Tabor, residente ng Brgy. Kibia sa bayan ng Matalam habang matinding nasugatan ang bayaw nitong si Allan Jasmin makaraang pagbabarilin ng isang lalaki dakong alas-singko kamakalawa ng hapon.
              
Naganap ang pamamaril sa Sitio Pok-ong, Barangay Salvacion, Matalam habang ang mga biktima ay papauwi na sa kanilang bahay.
              
Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, naglalakad lamang sina Tabor at Jasmin ng biglang lumitaw ang isang lalaking nakasuot ng kalo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang dalawa gamit ang caliber 45.
              
Isinugod naman agad sa pagamutan ang mga biktima pero di na umabot pa ng buhay si Tabor dahil na rin sa tatlong tama ng bala sa katawan nito samantalang isang tama ng bala naman ang tinamo ni Jasmin at nagpapagaling ngayon.
              
Blangko pa ang Matalam PNP sa motibo ng pamamaril pero sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na personal grudge ang dahilan ng krimen.
             
Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang shooting incident.


Petition signing ng Kidapawan LGU na kumukuwestyun sa desisyon ng Supreme Court patungkol sa pagiging lungsod ng 16 na bayan nais gayahin ng ilang miyembro ng League of Cities of the Philippines

NAGSILBING model ng marami pang mga miyembro ng League of Cities of the Philippines o LCPs ang ginawa ng Kidapawan City LGU sa pangangalap nila ng mga pirma para mas lumakas ang petisyon nila sa Supreme Court na kumukuwestyun sa desisyon nito na maging lungsod ang 16 na mga bayan.
      
Sa ngayon, halos kumpleto na ang tatlong libong lagda ng mga opisyal ng barangay at mga residente ng lungsod na humihiling sa korte na i-rekonsidera nito ang kanilang naging desisyon patungkol sa kaso.
      
Sinabi ni City Mayor Rodolfo Gantuangco na ang mga pumirma sa petisyon ay mga residente na direktang maaapektuhan sa malaking kabawasan ng internal revenue allotment o IRA ng lungsod dahil nadagdagan ang mga lungsod sa buong bansa.

Tinaya ni Gantuangco sa mula P40 hanggang P50 million ang IRA cut dahil sa naging desisyon ng SC.
      
Apektado sa IRA cut ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan, lalo na sa kalusugan, edukasyon, imprastraktura, at iba pang mahahalagang proyekto.
      
NOON pang March 14 sinimulan ng Kidapawan City LGU ang pangangalap ng pirma nang gawin nila ang ‘Day of Prayer and Protest’ sa may city plaza.



Isa patay, isa sugatan sa shooting incident sa Matalam, North Cotabato

AGAD binawian ng buhay ang retired seargent na kinilalang si Edmund Tabor, residente ng Brgy. Kibia sa bayan ng Matalam habang matinding nasugatan ang bayaw nitong si Allan Jasmin makaraang pagbabarilin ng isang lalaki dakong alas-singko kamakalawa ng hapon.
              
Naganap ang pamamaril sa Sitio Pok-ong, Barangay Salvacion, Matalam habang ang mga biktima ay papauwi na sa kanilang bahay.
              
Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, naglalakad lamang sina Tabor at Jasmin ng biglang lumitaw ang isang lalaking nakasuot ng kalo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang dalawa gamit ang caliber 45.
              
Isinugod naman agad sa pagamutan ang mga biktima pero di na umabot pa ng buhay si Tabor dahil na rin sa tatlong tama ng bala sa katawan nito samantalang isang tama ng bala naman ang tinamo ni Jasmin at nagpapagaling ngayon.
              
Blangko pa ang Matalam PNP sa motibo ng pamamaril pero sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na personal grudge ang dahilan ng krimen.
             
Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang shooting incident.

Systematic time Management at balanse sa pag-aaral at sa extra-curricular susi sa tagumpay ng USM Outstanding Student of the Year

Para kay Jovanee Sansalona, ang Outstanding Student of the Year ng USM ngayong taon, balanse sa pag-aaral at sa kaniyang extra-curricular ang isa sa susi ng kanyang tagumpay para makamit ang tugatog na kanyang minimithi sa pag-aaral.

Aminado din ito na ang pagkakaroon ng systematic time management ang malaking tulong para sa pagkakaroon niya ng organisadong pag-aaral.

Nabatid na si Sansalona ay itinahanghal din na Miss Agriculture, Mutya ng Aleosan, 6th Placer ng Search for Mutya ng North Cotabato, naging kasapi din ito ng National Union Student’s of the Philippines, Student Leader summit, consistent scholar at Magna Cum Laude.

Matapos ang tagumpay na ito nais ng nasabing outstanding student na si Sansalona na pasalamatan ang kanyang magulang, bilang kanyang taga-suporta sa anumang kompetisyon niya, nag-paabot din ito ng pasasalamat sa Plant Pathology Department ng College of Agriculture.

Maliban sa kanya, gagawaran din ng parangal mula sa individual category ng Office of the Student Affairs sina: Jimmy Musa-Outstanding Student Leader; Jelford Sumaya-Outstanding LSG Governor; Neriza Nobleza-outstanding Academic Organization President, Lito Salvo-Outstanding Non-Academic Organization President at Analyn Gonzales-Outstanding Student Peer Facilitator.

Ngayong umaga, gagawin ang nasabing programa sa USM Gymnasium.

Ang Gawad Parangal ay taunang programa ng pamantasan bilang pagbibigay parangal sa mga indibidual na estudyante at mga group organization sa USM.

06:30AM


Gawad parangal 2011, gagawin ngayong umaga sa USM, Kabacan, Cotabato

Pararangalan ngayong araw ang mga indibidual at mga grupo ng organisasyon na mag-aaral ng USM bilang pagkilala ng kanilang kagalingan sa larangan ng academic at extra-curricular sa Gawad Parangal 2011 na gaganapin sa USM Gymnasium dakong alas 9:00 ngayong umaga.

Ayon kay Prof. Anita Testado, kung dati ang Recognition Day at ang Gawad paranggal ay pinag-isa subalit ngayon ito ay hiwalay na programa para mabigyan ng pagkilala ang mga awardees ng nasabing programa.

Inaasahang magiging tagapag-salita si Ginoong Michael Garcia, University Student Government President,Outstanding Student of the Year SY 2002-2003.

Kabilang sa igagawad na parangal ng Office of the Student Affairs ay ang Individual category, group category, kungsaan Outstanding Local Student Government Unit ang College of Agriculture, 1st Runner up dito ang College of Arts and Sciences.

Outstanding Academic Society ang Plant Pathology Society, outstanding non-academic society for In-campus Service ang Earth Savers club, for Off-campus Service ang International Order of De Molay, outstanding Fraternity/Sorority ang alpha Phi Omega habang ang Student Renewal Ministry naman ang itinanghal na outstanding campus Ministry ngayong taon.

Bibigyan din ng special awards ng OSA bilang OSA Award of recognition to USG President Ronald Padojinog, Mindanao Tech Editors, USG Advisers at Mintech Advisers.

Service awardees naman ang igagawad ng University Student Government.

Magbibigay din ng parangal ang University Socio-Cultural Affairs Office ng Loyalty Award, 2011 outstanding USCAO Awardees, Special Award, Outstanding USCAO Performer of the Year.

Habang igagawad naman ng Institute of Sports, Physical Education and Recreation ang iba’t-ibang parangal sa mga mag-aaral ng USM sa larangan ng sports na nagbigay ng malaking karangalan sa pamantasan.


06:25AM

Isang 36-anyos na lalaki; pinagbabaril patay sa Bannawag, Cotabato

Dead on the spot ang isang 36 na taong gulang na lalaki makaraang ratratin gamit ang 30 M1 garand sa purok Pagkakaisa, Bannawag, Cotabato dakong alas 8:50 nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Hansel Risuso, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa report ng Kabacan PNP boluntaryo namang sumuko ang salarin na nakilalang si Richard Maslog Dalion, 48, may asawa at residente ng nabanggit na brgy kay Brgy. Bannawag Chairman Gerson Laoagan matapos ang insedente.

Nasa kustodiya na ng Kabacan PNP ang suspetsado habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at inaalam ang motibo ng nasabing pamamaril.