Pagpapalakas sa programang pangkalusugan ng gobyerno tinalakay sa Media Seminar on healthy lifestyle
Tiniyak ngayon ng pamunuan ng Departmentof Health o DOH na bibigyan ng prayoridad ang mga mahihirap na residente ng bansa para sa kanilang kalusugan sa patuloy na pagpapalakas ng programang pangkalusugan ng pamahalaan isa na dito ang paglalagay ng Botika sa Barangay.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Dr. Melissa Guerrero ng DOH sa isinagawang Media Seminar on Measles Immunization, Food, Medicine & Healthy Lifestyle dito sa VIP Hotel, Cagayan de Oro City.
Sinabi ni Guerrero na may karapatan ang sinumang mga pasyente na tumanggi o umayaw sa mga branded na mga gamot na nireresita ng mga doctor sa halip ay bumili na lamang ng generic na gamot.
Bilang tugon sa nasabing problema sa mataas na halaga ng gamot na ibinibenta, isa sa mga solusyon na binabalangkas ng gobyerno ng Pilipinas ay ang Private partnership program.
Layon nito na matulungan ang mga mahihirap na mamamayan na maipagamot ang kanilang karamdaman sa abot kayang halaga ng gamutan.
Ngayong umaga ay nakatakda ring tatalakayin ang update hinggil sa tigdas sa bansa,matapos na naalarma na ang Department of Health sa dumaraming kaso ng tigdas sa bansa matapos tumaas ng tatlong doble mula sa 453 kaso noong 2007 sa 1,418 nitong 2010.
Una ng sinabi ni Jenny Ventura ng DOH 12 na katuwang ng kanilang tanggapan ang mga mamamahayag sa pagpapalaganap ng impormasyong ito, aminado rin ang nasabing pamunuan na kulang pa rin ang kanilang information dissemination kung wala ang tulong ng mga kagawad ng media. (RB)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento