Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Presyo ng School Supply sa Kabacan, walang pag-galaw

(Kabacan, North Cotabato/ May 30, 2013) ---Nanatili pa rin sa dating presyo nito ang mga School supplies sa Kabacan, ilang araw bago ang nalalapit na pasukan.

Batay sa mga nakuhang impormasyon sa mga tindahan ng palengke ng bayan, wala namang naitalang pagbabago sa mga presyo ng mga school supplies.

Presyo ng bigas sa Kabacan, nananatili pa rin sa dati nitong halaga

(Kabacan, North Cotabato/ May 30, 2013) ---Bagama’t may bahagyang pagtaas sa presyo ng bigas sa loob ng pamilihang bayan ng Kabacan, nananatili pa rin sa dati nitong halaga ang bentahan ng kada kilo ng bigas sa bayan.

Batay sa impormasyong nakalap ng DXVL News Price alert, naglalaro ngayon ang kada kilo ng bigas mula P30.00 hanggang P36.00 ang bawat kilo.

Enrolment ng USM; bumaba ngayong unang Semester ng pasukan –University Registrar

(Kabacan, North Cotabato/ May 30, 2013) ---Malaki ang ibinaba ang enrolment ng University of Southern Mindanao o USM, isa sa pinakamalaking  state University sa bahaging ito ng Mindanao.

Abot lamang sa mahigit sa tatlong libong estudyante  o 3,540 ang officially enrolled sa Pamantasan as of 9am kahapon ng umaga.

Mahigit sa 1 libung mga residente sa isang brgy sa Matalam, nagsilikas na naman matapos mamataan ang presensiya ng armadong grupo sa lugar

(Kabacan, North Cotabato/ May 30, 2013) ---Nagsilikas ang abot sa 1,140 na mga indibiduwal mula sa Sitio Tagaticin at Sitio Budchi buhat sa Brgy. Ilian ng bayan ng Matalam makaraang mamataan ng mga ito ang presensiya ng mga armadong grupo na pinaniniwalaang kasapi ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Sa report na ipinarating ni SP01 Froilan Gravidez sa DXVL News, muli umanong nilisan ng mga residente ang kanilang lugar dahil sa tensiyong nangyari noong Lunes ng mamataan ang abot sa 100 kasapi ng armadong grupo na ayon sa report ay buhat sa Kabacan.

2,500 na mga election support staff, BEIs sa North Cotabato; di pa nakatanggap ng kanilang honoraria

(Kabacan, North Cotabato/ May 30, 2013) ---Abot sa 2,500 na mga support staff at mga board of election inspectors o BEIs na nagsilbi noong May 13 local elections sa probinsiya ang di pa nakatanggap ng kanilang honorarium mula sa Commission on Elections o (Comelec).

Ayon kay Cotabato Provincial Election Supervisor Kendatu Laguialam may 2,817 mga guro ang probinsiya ang nagsilbi bilang BEIs noong nakaraang halalan at may kabuuang 2,203 na support staff.

Bayanihan isasagawa upang linisin ang Libungan RIS main canal

(Midsayap, North cotabato/ May 30, 2013) ---Mahigit dalawandaang mga magsasaka ang magtutulong- tulong ngayong araw upang linisin ang bumarang buhangin o silt sa main canal ng National Irrigation Administration Libungan River Irrigation System o NIA- LibRIS.

Pawang kasapi ng irrigators associations mula sa mga bayan ng Midsayap, Pigcawayan, Libungan at Northern Kabuntalan o MPLK Federation of Irrigators Associations ang mga magsasakang magbabayanihan.

Lalaki, biktima ng hold-up sa Kabacan; estudyante nilooban naman sa kanyang inuupahang bahay

(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2013) ---Hinablot at tsaka tinutukan ng baril ang isang 22-anyos na lalaki habang naglalakad ito sa Bonifacio St., papunta ng National Highway, Poblacion ng Kabacan alas 5:00 kaninang umaga.

Batay sa report na nakarating sa himpilan ng Kabacan PNP, kinilala ang biktima na si Reynard Collado Dulay, binata at residente ng nabanggit na lugar.

Pagtasa sa datos at wika na ginagamit sa pagtuturo; hinikayat ng OPAPP

(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2013) ---Para maiwasan ang anumang diskriminasyon at pagiging eksklusibo, nais ngayon ng isang mataas na opisyal mula sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP na magsagawa ng ebalwasyon sa mga guro hinggil sa mga datos at wika na kanilang ginagamit.

Ito ang sinabi ni OPAPP Assistant Secretary Jennifer Oreta sa katatapos na kumprehensiya  ng Asia-Pacific Network for International Education and Values Education (APNIEVE) kasabay ng paghikayat sa mga guro na maging kabahagi sa pagtaguyod ng kapayapaan sa kabila ng iba’t-ibang kultura meyron tayo.

Diyalogo sa pagitan ng naglalabang grupo sa Tulunan, NCot, pangungunahan ng LGU

(Tulunan, North Cotabato/ May 28, 2013) ---Pangungunahan ng alkalde ng Tulunan, Cotabato ang isang diyalogo sa pagitan ng naglalabang armadong grupo at ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT para matuldukan ang pag-aaway sa lugar.

Ayon kay 57th Infantry Battalion Commanding Officer 1st Lt. Manuel Gatus abot sa 72 mga pamilya ngayon ang nagsilikas matapos na maipit sa girian ng naglalabang grupo sa Brgy. Maybula sa nasabing bayan dahil sa mga serye ng nakawan ng mga alagang hayop.

2 katao biktima ng salvaging sa North Cotabato, wala pang pagkakakilanlan

(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2013) ---Hanggang ngayon ay wala pa ring pamilya ang umaako sa pagkakakilanlan ng dalawang mga biktima ng salvaging sa magkahiwalay na lugar sa North Cotabato.

Sa report ng pulisya unang nakita ang bangkay ng isang lalaki na palutang-lutang sa Pulangi river sa Brgy. Buluan, Kabacan.

RHU Kabacan, nababahala na sa mataas na kaso ng dengue; 75% brgy sa bayan apektado ng nasabing sakit

(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2013) ---Nababahala na ngayon ang Municipal Health Office ng Kabacan sa mataas na kaso ng dengue sa bayan.

Sa pinakahuling data na nakuha ng DXVL News sa RHU pumalo na ngayon sa pitumpu’t limang porsiento o katumbas sa kabuuang 18 mga barangay ang apektado ngayon ng naturang sakit.

Screening ng cataract patients, tuloy- tuloy sa PPALMA

(Midsayap, North Cotabato/ May 28, 2013) ---Patuoy na ipinapatupad sa Unang Distrito ng North Cotabato o PPALMA area ang Liwanag Para Sa Kapayapaan Free Cataract Screening and Operation.

Tuwing araw ng Lunes ay isinasagawa ang screening ng mga pasyenteng nais sumailalim sa libreng operasyon ng pag-aalis ng katarata.

Manugang, itinuturong suspek sa pananaksak sa habal-habal driver sa Makilala, North Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ May 28, 2013) ---Nagpapagaling ngayon sa Makilala Medical Specialist Center ang isang habal-habal driver matapos saksakin ng mismong manugang nito sa Suarez Subdivision, Barangay Poblacion, Makilala, North Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Florentino Famulagan, 35-anyos at ang suspek ay kinilala namang si Camilo Paunil, 68 taong gulang , residente rin ng naturang lugar.

Bangkay, natagpuan palutang-lutang sa ilog Pulangi ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2013) ---Na-a-agnas na ng makita ang isang bangkay na palutang-lutang sa Pulangi River sa Brgy. Buluan, Kabacan, Cotabato alas 7:00 kahapon ng umaga.

Partikular na nakita umano ang nasabing bangkay malapit lamang sa coconut plantation na pag-mamay-ari ng isang Datu Gumbay Mantawil.

Ilang mga pamilya na nagsilikas buhat sa isang brgy ng Kabacan, nakabalik na

(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2013) ---Unti-unti ng nakabalik sa kanilang pamamahay ang ilang mga residente na naapektuhan ng tensiyon sa brgy. Sanggadong, Kabacan, North Cotabato.

Sa panayam ng DXVL News kay 7th Infantry Battalion commanding Officer Lt. Larry Valdez tiniyak ng tropa nila na makakabalik ng maayos ang ilang mga residente na naapektuhan ng nasabing girian ng dalawang pamilya sa lugar.

2 naglalabang grupo sa Matalam, Cotabato; lumagda na sa isang kasunduan

(Matalam, North Cotabato/ May 27, 2013) ---Unti-unti ng nagsibalikan ngayon ang abot sa 6,900 mga pamilyang apektado ng girian ng MILF at MNLF sa brgy. Marbel, Cotabato.

Ito makaraang lumagda na sa isang kasunduan ang dalawang grupo na tigilan na ang rido sa lugar.

Noong Huwebes, lumagda sina Mansur Imbung ng 108th Base Command ng MILF at Datu Dima Ambil, pinuno ng Sebangan Kutawato State Revolutionary Committee ng MNLF, ng kasunduan sa harap ng mga lokal na opisyal at kinatawan ng joint Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities (CCCH).

Malinis na tubig pakikinabangan na ng limang purok sa North Cotabato

(Midsayap, North Cotabato/ May 27, 2013) ---May mapagkukunan na ng malinis na tubig ang mga benepisyaryo ng Operation Blessing Foundation- Water and Sanitation Project ng Christian Broadcasting Network o CBN Asia Inc.

Nitong a-23 hanggang a-24 ng Mayo ay tinanggap ng mga benipisyaryo ang limang shallow wells mula sa nasabing non- government organization o NGO.