Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Lalaki, biktima ng hold-up sa Kabacan; estudyante nilooban naman sa kanyang inuupahang bahay

(Kabacan, North Cotabato/ May 28, 2013) ---Hinablot at tsaka tinutukan ng baril ang isang 22-anyos na lalaki habang naglalakad ito sa Bonifacio St., papunta ng National Highway, Poblacion ng Kabacan alas 5:00 kaninang umaga.

Batay sa report na nakarating sa himpilan ng Kabacan PNP, kinilala ang biktima na si Reynard Collado Dulay, binata at residente ng nabanggit na lugar.

Patawid na sana ang biktima sa National Highway bago makarating sa round tire ng biglang sumulpot ang tatlo katao sakay sa isang Bajaj single motorcycle kulay asul at tinutukan ng isa sa mga tatlong suspek si Dulay gamit ang .45 na kalibre ng pistol.

Walang nagawa ang biktima kungsaan tinangay ng mga salarin ang bag nito na naglalaman ng ilang mahahalagang dokumento kagaya ng TIN ID, Philhealth ID, Voter’s ID at P800 na cash maliban pa sa dalawang unit ng cellphone na natangay: Samsung Galaxy at isang Nokia cell phone.

Samantala, isang inuupahang bahay ang nilooban kaninang madaling araw sa isang kalye sa Poblacion ng Kabacan.

Ayaw namang idenitalye ng biktima ang pangyayari, bagama’t nalimas ang mga gamit nito.

Nakarecord naman ngayon ang impormasyon sa Kabacan PNP blotter log book. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento