(Kabacan, North Cotabato/ May 30, 2013) ---Nanatili pa rin sa dating
presyo nito ang mga School supplies sa Kabacan, ilang araw bago ang nalalapit
na pasukan.
Batay sa mga nakuhang impormasyon sa mga tindahan ng palengke ng bayan, wala namang
naitalang pagbabago sa mga presyo ng mga school supplies.
Ang halaga ng notebook ay P10 hanggang P20
depende sa kalaki at kakapal nito.
Sa mga gusto ng binder P140 hanggang P200
depende sa kapal at brand nito.
Samantala naglalaro naman sa P12 hanggang
P15 ang halaga ng pad paper habang nasa P8 naman ang ordinaryong papel.
Para sa mga kindergarten at elementary ang
halaga ng lapis ay P5 hanggang P8 depende sa brand. Ang rulers ay P5 hanggang
P10.
Ang plastic envelope ay nasa P8 hanggang P10
habang P22 naman ang single na crayola at P42 naman ang double.
Para naman sa mga panangga ngayong tag-ulan
ang presyo ng payong ay P60 ang pinakamura at P295 ang pinakamahal depende sa
laki at uri nito. At ang kapote naman ay P80 hannggang P90 depende sa sizes.
Para mas makatipid mas mainam na gamitin ang
mga lumang notebook at i-recycle ang mga ito ng magamit pa.
Una dito, tiniyak
ng Department of Trade and Industry o DTI-12 na hindi tataas ang presyo ng mga
school supplies ngayong malapit nang magbukas ang klase.
Ito ay dahil may sapat na suplay ng mga notebook, papel, lapis, pluma atiba pang kagamitan sa rehiyon. (Rhoderick Beñez with reports from Marvi Bryen Hinojales)
Ito ay dahil may sapat na suplay ng mga notebook, papel, lapis, pluma atiba pang kagamitan sa rehiyon. (Rhoderick Beñez with reports from Marvi Bryen Hinojales)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento