Crocodile Rescue and Breeding Center Itinatayo sa Amas, Kidapawan City
Sa report ni Agricultural Technologist Ruel Villanueva, layunin ng naturang center ang makalikha ng awareness at sense of responsibility sa mga mamamayan ng Cotabato ang kahalagahan ng bio-diversity upang maparami ang ilang endangered crocodile species na dito lamang matatagpuan sa Ligawasan Marsh na bahagi ng ating lalawigan.
Sa kasalukuyan, mayroon nang pitong buwaya na magmumula sa mga donors ang nakatakdang ilagay sa naturang mga crocodile pens para sa breeding purposes sa sandaling ang center ay mapasinayaan. Ang mga magiging bunga ng breeding ay nakatakda ring pakawalan sa kanilang natural habitat sa Ligawasan Marsh sa takdang panahon.
Ayon kay Dr. Sustines Balanag ng Office of the Provincial Agriculturist of Cotabato na siyang tumatayong project leader ng Crocodile Rescue and Breeding Center, target ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza na mapasinayaan ang naturang center ngayong buwan ng Abril upang magsilbing dagdag na attraction sa existing Children’s Park sa loob ng Provincial Capitol at magbigay ng dagdag impormasyon at kaalaman sa larangan ng research at siyensya.
Ang naturang proyekto ay collaboration ng Provincial Government of Cotabato sa pamumuno ni Governor Mendoza, Crocodillus Porosus Philippines Inc., isang international conservation group at ng Cotabato Agriculture and Resources Research and Development Consortium (CARRDEC) na nakabase sa University of Southern Mindanao main campus.