Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Sa kabila ng rat infestation, suplay ng bigas sa North Cotabato sapat – ayon sa NFA

SASAPAT sa loob ng tatlong buwan ang suplay ng bigas na nasa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Kidapawan City .
       
Ayon kay NFA Cotabato manager Fernando Nunez, walang shortage ng suplay ng bigas sa lalawigan.
       
Batay sa data ng provincial office ng NFA na nakabase sa Kidapawan City, abot sa 710,360 bags ng bigas ang kabuuang stocks sa buong lalawigan ng North Cotabato na itinuturing na ‘rice granary’ ng Central Mindanao.
       
Sa bilang na ito, abot sa 119,132 bags ang nasa warehouse ng NFA Cotabato; 387,235 bags sa household; at 203,993 bags sa mga tindahan o commercial establishments.
       
Kung ang pagbabatayan ay ang daily consumption requirement (DCR) ng lalawigan na abot sa 7,890 bags kada araw, ang kabuuang suplay ng bigas sa lalawigan ay sasapat sa loob ng 90 araw.
       
Ito ay sa kabila pa umano ng matinding pag-atake ng mga daga na naranasan ng lalawigan, simula pa nitong buwan ng Enero.
       
ITINANGGI rin ni Nunez na may mga pagtaas na sa presyo ng bigas sa mga pamilihan.
       
Ang price hike, aniya, ay sa buwan ng Mayo pa mararamdaman at hindi ngayong Abril.   Ito ay dahil itinuturing na lean months ang buwan ng Mayo hanggang Agosto.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento