DXVL Staff
...
Martes, Abril 12, 2011
No comments
Driver ng Fuso truck na sangkot sa vehicular accident na ikinamatay ng 1 katao at ikinasugat ng 2, patuloy na pinaghahanap
Dead on Arrival sa ospital ang biktimang nakilalang si Arlo Arcenio Lucero, nasa tamang edad, residente ng Poblacion 2, Midsayap, Cotabato makaraang aksidenteng mabangga ng sasakyan sa naganap na vehicular accident noong hapon ng Biyernes sa National Highway partikular sa Pamplona Farm, Brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato.
Sa isinagawang imbestigasyon ng Kabacan Traffic Police, sinabi ni P01 Amor Guillermo na habang binabaybay ng isang Fuso Truck canter na may plate # LCA 781 na pag-mamay ari ni Rodolfo Redoblado at minamaneho ni alias Gang-gang na galing ng Matalam papunta dito sa bayan ng Kabacan ng subukan nitong mag-overtake sa isang Yamaha Crypton na may plate # OB 6987 na minamaneho ni Regina Balpongo, nasa tamang edad at residente ng Lower Malamote, Matalam, Cotabato kasama ang backrider nitong nakilalang si Carl Ryan Alferez residente rin ng nabanggit na lugar.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad lumalabas na habang iniiwasang mabangga ng Fuso Truck Canter na galing ng Matalam ang kasalubong nito na motorsiklo aksidente naman itong sumalpok sa isa pang Fuso Truck din na galing ng Kabacan Papuntang Matalam na may plate # RHY 312 na minamaneho ni Suarez Cris Cedeno ng Makilala.
Dahil sa lakas ng impact sugatan ang ilang mga sakay ng nasabing mga sasakyan habang dead on Arrival naman si Lucero na nakatayo lamang sa likurang bahagi ng kanyang XLT Fuso Jitney bearing plate # CSP 477 na pag-aari ni ginoong Edgard Fabian residente ng Bonifacio St. Kabacan habang nakaparada lamang sa gilid ng National Highway ng madamay ito sa nasabing banggaan.
Agad namang tumakas ang driver ng Fuso truck canter na nakabangga kungsaan patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad.
Mabilis namang isinugod sa
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento