Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Checkpoint sa National Highway sa Poblacion, Kabacan; nirereklamo ng ilang mga motorista dahil daw sa kawalan ng reflector ang kanilang mga signage

Tiniyak ngayon ni Kabacan Deputy Chief of Police Winston Seniel na padadagdagan nila ang reflector sa mga signage sa kanilang mga checkpoint na nakabase sa National Highway partikular sa Brgy. Osias at Brgy. Kayaga.

Ito ay matapos na ireklamo ng ilang mga motorista dahil sa nagiging sanhi umano ng disgrasyo lalo kung gabi dahil sa kawalan ng reflector ang nasabing mga checkpoint.

Samantala, sinabi naman ng opisyal na todo higpit ngayon ang Kabacan PNP kungsaan intact ang lahat ng mga police personnel matapos na itinaas sa red alert ang kanilang tanggapan makaraan ang diumano’y sunod-sunod na holdapan sa bayan.

Dagdag pa nito na patuloy ngayon ang kanilang 24hours na visibility patrol at foot patrol sa mga palengke at maging sa mga pangunahing lansangan ng bayan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento