Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Crisis Intervention Center for Women and Children, planung itatayo sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 30, 2015) ---Suportado ng Lokal na pamahalaan ng Kabacan ang planung paglalagay ng Crisis Intervention Center for Women and Children ng Department of Social Welfare and Development Office.

Ayon kay Municipal Social Welfare and Development Officer Susan Macalipat na ‘dream come true para sa mga Kabakeños’ ang paglalagay ng nasabing center.

Ito ang magiging kanlungan ng mga kabataan at mga kababaihan na may problema sa batas kagaya ng ‘Children in conflict with the Law’ o CICL.

Planung dagdagan ang honorarium ng BHW sa Kabacan, isinusulong sa SB

Kabacan BHWs
(Kabacan, North Cotabato/ October 30, 2015) ---Isinusulong ngayon sa Sangguniang bayan ng Kabacan na dagdagan ang kakarampot na honorarium ng mga Barangay Health Workers o BHW sa bayan.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni BHW Federation President Felicitas Dulay kasabay ng isinagawang Barangay Health Workers Day Celebration sa Kabacan Municipal Gym kahapon.

4 katao, huli sa illegal gambling games ‘hantak’

(Kabacan, North Cotabato/ October 30, 2015) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang apat katao na sangkot sa illegal number games na hantak makaraang mahuli sa Jacinto St., Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Kinilala ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Puti Lampatan Lu, 29-anyos, residente ng Mapanao Extension; Mar Sambutol Tangkli, 35-anyos, residente ng Pagagawan, Maguindanao; Komo Magana Pagaduan, 33-anyos, tunggol, Maguindanao at Ogis Lumanggal Kinidal ng Purok Sunrise, Poblacion, Kabacan.

Mga humahabol sa huling linggo ng registration sa Comelec Kabacan, patuloy na dumadagsa

(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2015) ---Patuloy ang pagdagsa kahapon ng mga botante sa Comelec Kabacan, ilang araw bago ang nakatakdang deadline ng registration at validation.

Karamihan sa mga pumupunta ay mga bagong botante habang ang iba naman ay yung wala pang biometrics.

Dahil dito, nagdagdag ng ilang mga personnel ang comelec Kabacan.

Kabacan BFP, may babala sa publiko laban sa sunog ngayong undas

(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2015) ---Pinag-iingat ng Bureau of Fire Protection o BFP Kabacan ang publiko sa mga sisindihang kandila ngayong darating na Undas.

Ayon kay FSI Ibrahim Guiamalon, ng BFP Kabacan karamihan kasi ang nagiging pabaya sa pagsisindi ng kandila na kadalasang nagiging sanhi ng sunog.

Bagama’t karamihan naman sa mga nitso ay sementado paalala pa rin ni Guiamalon na wag magkumpiyansa.

Mga suspek na nasa ‘listed criminals’ sa bayan ng Makilala, pinatutugis

(Makilala, North Cotabato/ October 29, 2015) ---Inaalam na ngayon ng mga pulisya ang 15 mga listed criminals sa bayan ng Makilala.

Ayon kay PCI Elias Diosma Colonia, bagong pinuno ng Makilala PNP na sasabak sa puspusang trabaho ang kanyang pamunuan para masawata ang mga nangyayaring kriminilidad sa kanyang lugar.

Napag-alaman na talamak sa bayan ng Makilala ang illegal gambling, illegal drugs at iba pang krimen.

Presyo ng Bulaklak sa bayan ng Kabacan, bahagyang tumaas

(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2015) ---Ilang araw bago ang undas, tumaas ng bahagya ang presyo ng mga bulaklak dito sa bayan ng Kabacan.

Nasa 50 pesos ang pagtaas ng bawat bundle ng mga bulaklak tulad ng Malaysian Mums na nagkakahalaga ng 250 per bundle o maaring mabili sa halagang 25 per stick,  Aster Cat sa halagang 300 pesos per bundle o maari ring mabili sa halagang 30 pesos per stick at Crysanthemom – 350 pesos per bundle o 30 pesos per stick.

3 Katao na sinasabing responsable sa hazing sasampahan na ng kaso

(Kabacan, North Cotabato/ October 29, 2015) ---Tukoy na ng Kabacan PNP ang mga responsable sa pagkamatay ng isang 26-anyos na estudyante ng St. Luke’s Institute Kabacan dahil sa hazing.

Bagama’t may mga pangalan na hindi muna ibinunyag ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ito para hindi madeskaril ang ginagawa nilang imbestigasyon.

Ilang mga concreting project/s ng LGU, minamadali na bago matapos ang taon

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2015) ---Iba’t-ibang mga Rural Infrastructure Projects ang ihahabol ng Engineering Office ng LGU Kabacan bago matapos ang taong ito.
Ayon kay Municipal Engineer Noel Agor, 5 mga concreting projects ang natapos na sa taong ito.

Kabilang sa mga natapos ng proyekto ay ang Concreting ng Kalye Putol at Jose Abad Santos St., sa Brgy Poblacion, Kabacan (P1.7M); Concreting ng Bonifacio-Malvar St., Brgy. Poblacion (P.8M), Construction ng Solar Drier, Brgy. Kayaga (P.2M); construction ng 1 unit ng Basketball Court sa KNHS-Osias Annex (P.2M) at pag ayos ng PNP Office/Quarter (P.2M).

50-anyos na drayber, sugatan sa aksidente sa National Highway ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2015) ---Sugatan ang isang 50-anyos na drayber makaraang masangkot sa aksidente sa National Highway partikular sa harap ng Crossing Vergara sa brgy. Osias, Kabacan, North Cotabato alas 8:30 ngayong umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP Traffic Division ang biktima na si Francisco Corpuz, residente ng Purok 6, Brgy. Osias ng nasabing bayan.

Batay sa ulat, tinatahak ng isang kulay itim at berde na Highlander na sasakyan na may license plate WE 2795 minamaneho ni Sandra Monib, 41-anyos na residente ng Cadayonan II, MSU, Marawi City ang nasabing National Highway buhat sa Davao-Cotabato road.

MAO Kabacan, walang naitalang pinsala sa pag-atake ng black bug

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2015) ---Inihayag ng pamunuan ng Municipal Agriculturist Office sa bayan ng Kabacan na walang sakahan ang naiulat na naapektuhan ng pag-atake ng pesteng black bug.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Kabacan Municipal Agriculturist Sassong Pakkal.

Aniya, nakasanayan na ang paglabas ng nasabing insekto tatlong araw bago at pagkatapos ng kabilugan ng buwan.

Pero may mga ginagawa ng hakbang ang mga magsasaka sakali mang manalasa ang nasabing peste sa mga palayan at iba pang pananim.

COMELEC Kabacan nagpaalala sa mga wala pang biometrics na huling linggo na ngayon ng registration

(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2015) ---Nagpaalala ngayon ang pamunuan ng Commission on Elections o COMELEC Kabacan sa mga hindi pa nakapag-biometrics na huling linggo na ngayon ng registration.

Ayon kay Kabacan Election Officer Ramon Mario Jaranilla na abot sa 43,686 ang botante sa bayan ng Kabacan kungsaan nasa 2,836 ang walang biometrics.

Bus Inspector, patay sa pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ October 27, 2015) ---Patay ang isang bus inspector ng Rural Transit makaraang pagbabarilin ng di pa nakilalang suspek sa bisinidad ng Kabacan Terminal Complex, Brgy. Kayaga, Kabacan, North Cotabato alas 5:48 ngayong hapon lamang.

Sa panayam ng DXVL News Radyo ng Bayan kay PSI Ronnie Cordero, pinuno ng Kabacan PNP kinilala nito ang biktima na si Reyno Capacilio Laguardia, 47-anyos, may asawa, task force Rural Transit Surprising Inspector at residente ng Quirino St., ng nabanggit na bayan.

Batay sa ulat, nakatayo ang biktima habang naghihintay ng Rural Transit Bus na buhat sa Cagayan de Oro city sa nasabing lugar ng lapitan ng isang di pa nakilalang suspek na nakasuot ng kulay itim na short pants, itim na sando at nagkaroon pa ng maikling pag-uusap ang dalawa.

Pagpapalago sa industriya ng pagniniyog sa rehiyon 12, tinututukan ng PCA

(Carmen, North Cotabato/ October 27, 2015) ---Patuloy na tinututukan ngayon ng Philippine Coconut Authority o PCA sa Rehiyon 12 ang pagpapalago sa industriya ng Niyog.

Ito ayon kay PCA Regional Manager Tommy Jalos kasabay ng isinagawang 7th Regional Management Committee meeting ng Department of Agriculture 12 sa Philippine Coconut Authority o PCA, Aroman, Carmen, North Cotabato kahapon.

Newborn Screening month culmination dinagsa ng mga health workers mula sa iba’t-ibat bahagi ng Cot

AMAS, Kidapawan City (Oct 27) – Abot sa 500 katao ang nakiisa sa Newborn Screening culmination activity na ginanap sa JC Leisure Center, Kidapawan City kahapon, Oct. 26, 2015.

Pinangunahan ito ng Dept of Health o DOH12 at ng Cotabato Integrated Provincial Health Office o Cot IPHO kasama ang mga delegado mula sa iba’t-ibang private hospitals, Rural Health Units at iba pang mga health advocates.

Layon na bigyan ng updates ang mga partisipante patungkol sa estado ng newborn screening o NSB sa Lalawigan ng Cotabato at lalo pang palakasin ang kampanya para dito.

Detachment ng mga sundalo, hinarass sa Makilala, North Cotabato; mga sekyu sa pagawaan ng DOLE Stanfilco, dinis-armahan

(Makilala, North Cotabato/ October 27, 2015) ---Sinalakay at sinunog ng mga nasa humigit kumulang 20 mga rebeldeng grupo ang detachment ng mga sundalo sa Brgy. Luna Sur, Makilala, North Cotabato alas 8:45 kagabi.

Sa report na nakarating kay PCI Bernard Tayong, tagapagsalita ng CPPO hinarrass ng mga pinaniniwalaang mga New People’s Army o NPA ang detachment ng 39IB, Philippine Army na nakabase sa lugar.

USM may bagong 26 na mga CPAs

(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 27, 2015) ---Dalawampu’t anim ang pumasa buhat sa 35 na kumuha ng 2015 Certified Public Accountant Licensure Examination mula sa mga graduate ng University of Southern Mindanao.

Ito ayon kay USM Accountancy Department Chair Dr. Lope Dapun.

Aniya ang resulta ay inilabas noong Oktubre a-16.

Nakakuha ang USM ng National Passing rate na 41.06%.

Anti-Red Tape Act o ARTA, ipinaliwanag sa ilang mga LGU sa North Cotabato

(North Cotabato/ October 26, 2015) ---Muling ipinaintindi sa ilang mga Local government Units o LGU at iba pang ahensiya ng gobyerno sa North Cotabato ang kahalagahan ng Anti-Red Tape Act o ARTA.

Ito matapos na lumabas sa ulat na marami sa mga local government unit o LGU ang hindi nagpapatupad ng naturang batas.

Ayon kay Rey Monteclaro ng ACF International, hindi lamang mga nasa gobyerno ang dapat makaalam nito bagkus maging ang publiko ay dapat makaalam ng kahalagahan ng ARTA at ang papel ng civil society organization o CSO para magsilbing ‘watchdog’ kung nangyayari ba ang transparency sa isang LGU o maging sa iba pang mga ahensiya ng gobyerno kasama na dito ang mga state run University kagaya ng USM.

Sa North Cotabato, limang mga bayan ang benepisyaryo ng proyektong, Empowered Participatory Governance for Progress, na ipinatutupad ng ACF International at ng Department of Interior and Local Government o DILG.

DTI Cot Provincial Office pinuri ang PGCot sa pagsusulong ng consumer rights

AMAS, Kidapawan City (Oct 26) – Ikinatuwa ng Dept of Trade and Industry Provincial Office ang aktibong pagsusulong ng Provincial Government of Cotabato ng karapatan at proteksyon ng mga konsumedores sa lalawigan.

Ayon kay Cot DTI Provincial Director Engr. Anthony Bravo, malaki ang papel ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Gov Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa mga hakbang ng departamento upang itaguyod ang consumer empowerment.

Partikular na tinukoy ni Engr Bravo ang obserbasyon ng National Consumer Welfare Month ngayong Oktubre kung saan suportado ng Provincial Government of Cot ang DTI sa monitoring ng mga business establishment sa mga posibleng paglabag ng mga ito sa mga batas na nagtataguyod ng consumer rights and protection.

2 Katao, magkahiwalay na naaresto dahil sa illegal na droga sa Magpet, North Cotabato

(Magpet, North Cotabato/ October 26, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa katao sa magkahiwalay na operasyon ng Magpet PNP sa dalawang lugar sa bayan ng Magpet, North Cotabato.

Ayon kay PSI Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP unang sinalakay nila ang isang bahay sa Purok 6, brgy. Gubatan, Magpet, North Cotabato pasado alas dyes ng umaga nitong Biyernes.

Kungsaan nahuli ang suspek na si Merlyn Labawan Postrado allias Elly, may asawa at tatlong anak.

Cot PCDO 3rd Place sa Gawad Parangal 2015

AMAS, Kidapawan City (Oct 24) – Muli na namang pinatunayan ng Provincial Cooperative Development Office o PCDO Cotabato ang kakayahan nito sa pagpapalakas ng mga kooperatiba at pagpapaunlad ng buhay ng mga miyembro nito sa lalawigan.

Ito ay makaraang hirangin ang Cot PCDO bilang 3rd Place sa katatapos lamang na Gawad Parangal 2015 Search for Best Provincial Cooperative Office na ginanap sa Philippine Trade and Training Center, Pasay City noong Oct. 23, 2015.