(Kabacan, North Cotabato/ October 28, 2015)
---Nagpaalala ngayon ang pamunuan ng Commission on Elections o COMELEC Kabacan
sa mga hindi pa nakapag-biometrics na huling linggo na ngayon ng registration.
Ayon kay Kabacan Election Officer Ramon
Mario Jaranilla na abot sa 43,686 ang botante sa bayan ng Kabacan kungsaan nasa
2,836 ang walang biometrics.
Nitong October 19, nasa 40,751 ang mga
registered voters ng Kabacan na naka-bio at natugunan ang ilang mga
kinakailangan sa registration.
Kung hindi makapag-biometrics ang nasa
mahigit dalawang libung botante posibleng matanggal sila sa listahan ng
comelec.
Ito matapoS ang gagawing Election
Registration Board o ERB ng Comelec sa Nobyembre a-16, ayon kay Jaranilla.
Malaking tulong din umano ang ginawa nilang
Barangay Satellite Registration kung bakit bumaba ang bilang mga mga wala pang
biometrics sa bayan ng Kabacan.
Layon ng ipinapatupad na biometrics ay upang
matukoy ang mga double registrants at mga flying voters sa panahon ng halalan
upang maiwasan ang dayaan, ayon pa kay Jaranilla.
Dagdag pa ng opisyal na hanggang sa Oktubre
a-31 na lamang sila tatanggap ng mga late registration.
Sa nasabing araw hanggang alas 8:00 ng gabi na
lamang ang cut-off nila sa pagtanggap ng mga huling magpapa-biometrics at mag
parehistro. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento