Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga suspek na nasa ‘listed criminals’ sa bayan ng Makilala, pinatutugis

(Makilala, North Cotabato/ October 29, 2015) ---Inaalam na ngayon ng mga pulisya ang 15 mga listed criminals sa bayan ng Makilala.

Ayon kay PCI Elias Diosma Colonia, bagong pinuno ng Makilala PNP na sasabak sa puspusang trabaho ang kanyang pamunuan para masawata ang mga nangyayaring kriminilidad sa kanyang lugar.

Napag-alaman na talamak sa bayan ng Makilala ang illegal gambling, illegal drugs at iba pang krimen.

Dahil dito, hinamon ni Makilala Mayor Rudy Coaogdan liderato ng bagong hepe.

Sinabi ng alkalde na dapat hulihin ang top 15 listed criminals sa bayan sa loob ng kanyang unang dalawang buwan.

Dagdag pa ng opisyal, dapat lamang na mabulok sa bilangguan ang mga taong patuloy na lumalabag sa batas at nagbibigay ng masamang impluwensya sa mamamayan ng bayan lalo na sa mga kabataan.

Suportado rin ng alkalde ang bagong polisiya ni CPPO Director Senior Supt. Alexander Tagum na 95% deployment ng mga pulis sa mga estratihikong lugar na posibleng pangyarihan ng krimen.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento