(Kabacan, North Cotabato/ May 12, 2014) ---Inilunsad
ng Karapatan, grupo ng isang Human Rights ang National Fact-Finding Mission
ngayong araw.
Ang nasabing aktibidad ay nilahokan ng ilang
mga religious sectors, academe, civil society organizations at ilang mga
progressive partylist groups sa buong bansa.
Binisita ng grupo ang mga lugar ng Barangay
Balite, Tico sa Magpet, Ganatan, Old Cabalantian sa Arakan at New Baguio,
Batasan, Kisante, Old Bulatukan sa Makilala.
Sa mga lugar na ito nakadistino karamihan sa
mga militar at dito rin ang may pinakamaraming naitalang paglabag sa human
rights.
Ayon kay Jay Apiag, secretary-general ng
Karapatan North Cotabato, ang layunin ng programang ito ay patunayan ang
pananagutan ng AFP sa lumalalang isyu sa paglabag ng Human Rights ditto sa
probinsiya.
Dagdag pa niya ang mga naitalang kaso ay
hindi simpleng paglabag lang kundi isang seryosong abuso sa Human Rights ng mga
residente doon. USM-DevCom intern Regine
Lanuza DXVL news.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento